Chapter Thirty Six

5.7K 139 4
                                    


UNEXPECTED LOVE 36

Nanatili siya sa hospital ng dalawang araw. At sa tatlong araw na iyon ay si Ivan ang nag aasikaso sakaniya. Sinabihan niya nga ito na hindi na kailangan pero ayaw naman nito. Kargo de konseniya pa daw nito na baka may mangyare sakaniya nang hindi man lang siya inasikaso nito gayong ito ang nagdala sakaniya dito.

Hindi lang siya makapaniwala dahil palagi naman itong galit sakaniya.

"Hindi ka ba hinahanap ng mga barkda mo?"

"Hindi. Sabi ko pinatawag ako ni Dad."

Tumango siya. Pwede na siyang umuwi kaya naglalakad na sila palabas ng hospital. Ito na rin ang nagbayad ng hospital bills niya.

Sa ngayon ay silang dalawa lang ang nakaka-alam ng sakit niya. Sinabiban naman na niya ito na wag nang ipagsabi sa iba.

Narinig kasi nito ang pinag-usapan nila ng doctor. At alam din nito kung bakit nangyare iyon sakaniya.

"Ihahatid na kita."

"Kaya ko na. Mag ta-taxi nalang ako."

"Sigurado ka?"

Tumalikod siya dito at humarap sa kalsada.

"Nga pala."

Humarap siya dito. "Oh?"

"Mag iingat ka."

Kinunutan niya ito ng noo. Wtf?

"Wag kang assuming ah. Diba.. Diba hindi ka na nakatira sa Mansion mo? So ibig sabihin nakatira ka na sa—well, I'm sure walang security guard sa lugar na tinitirahan mo kaya mag iingat ka. Baka sinusundan ka na pala ng mga kalaban namin at ikaw pa ang bawian lalo pa't ang alam nila ay ikaw ang girlfriend ni Kent."

"Ano ba kasing ginawa ni Kent sakanila?"

"Nakalaban namin ang isang grupo ng mga gangsters. Napuruhan ni Kent yung isa kaya na coma at nagpapagaling sa ibang bansa. Ngayon, ang kapatid non ay gustong gantihan si Kent. Pero hindi si Kent ang pinupuntirya niya kundi yung taong mahalaga sakaniya."

Nag para siya ng taxi. "Kahit ako man ang puntiryahin nila. Wala namang mangyayare dahil hindi naman ako mahalaga kay Kent."

Atska siya pumasok ng taxi. 6 PM na nang makababa siya ng Taxi. Naglakad na siya papunta ng tinutuluyan niya nang may makita siyang tatlong lalaking nasa tapat ng apartment niya. Napakunot-noo siya.

Anong ginagawa ng mga yan sa tapat ng apartment niya? Base palang sa mga dala nito ay mukhang alam na niya kung anong ginagawa ng mga yan dito. Mukhang nagkatotoo yung sinabi ni Ivan kanina.

Tumingin siya sa paligid niya. At nang makita ang pakay at agad niyang kinuha ang may kalakihang kahoy at saktong pagharap niya ay ang pagtingin naman ng mga ito sakaniya.

Kakalabas palang niya ng hospital tapos ito agad ang bubungad sakaniya?

"Ayun!" Sabi ng mga ito at agad nagsilapit sakaniya.

Mabilis din siyang lumapit dito at agad yumuko para iwasan ang unang pag atake nila sabay tayo at hinampas ang isa sa leeg. Hindi na niya alam kung ano pang nangyare dito dahil agad na may humampas sakaniya buti nalang at agad niyang nasalag ng kahoy niya sabay sipa niya sa mukha nito.

Haharap na sana sa isa pa nang maunahan siya nito. Impit siyang napasigaw nang tumama ang baseball bat nito sa braso niya. Sabayan pa ng isa sa likod niya.

"Hoy!"

Napaluhod siya.

"Sht! Tara na tol! May mga tao!"

Unexpected Love ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon