UNEXPECTED LOVE 13"Akala ko talaga mamamatay kana, Thalia!" Janine
"Oo nga! Ang daming dugo! Buti nalang nakita ka nung mga nag rerenovate doon." Melissa
"Pasalamat kamo siya at masamang damo siya kaya hindi agad namatay." Rose Ann
"Buti nalang pareho kami ng type ng blood at nasalinan agad siya ng dugo. Kung hindi, nategok na yan!" Melissa
"Ano ba naman kasing ginagawa mo dun na bruha ka?!" Rose Ann
Sinamaan niya ang mga ito ng tingin. Kanina pa iyan daldalan ng daldalan sa hallway.
"Oo nga! Sino ba'ng may gawa sayo non?"
Napabuntong hininga siya at tiningnan ang mga ito.
"Naririndi na'ko sa mga kadaldalan niyo ah. Kanina pa kayo, wala bang kapaguran ya'ng mga bunganga niyo? Hayaan niyo nalang yon. Sakin nalang yon."
Nagpatiuna ako sa paglalakad. Dalawang araw na mula nung makalabas ako ng hospital. At wala silang ginawa sa dalawang araw na iyon kung hindi ang daldalan ako tungkol dun sa nangyare. Tatlong araw siyang naconfine sa hospit. Hindi naman ako nagsasalita sakanila tungkol doon. Kahit isang detalye hindi ko sila binibigyan. Wala lang, baka kapag sinabi ko puntahan pa nila ang bruha na iyon at komprontahin, baka mamaya madamay pa sila at ayaw niya ng ganun.
Nangingiting pumasok siya sa room at umupo. Naalala niya kasi ang ganap sa hospital pagkagising niya. Pagmulat na pagmulat niya kasi ng mata ay may nag iyakan sa tabi niya at niyakap pa yung katawan niya. Ginawa siyang patay ng mga kaibigan niya.
Napailing siya. Mga baliw. Pero siyempre nag aalala lang naman ang mga iyon kaya ganun.
Bigla ay naalala niya si Kent. Hindi iyon dumalaw sakaniya at wala namang nababanggit ang mga kaibigan niya sakaniyang may dumalaw sakaniyang iba. Nung umaga bago siya pumasok at nangyare ang insidente hindi niya nakita ang lalaki kaya hindi na din siya nagluto noon.
Hindi naman siya disappointed na Hindi ito dumalaw sakaniya. Nag tataka lang naman siya kung bakit wala ito. Atska wala namang rason para dumalaw ito sakaniya. Baka matuwa pa ito kapag nalamang patay na siya. Malamang ang alam nun tatay niya si Ronald na dahilan kung bakit namatay ang magulang niya na sanhi rin ng pagkamatay ng girlfriend niya.
Nakita naman na niyang pumasok ang tatlo at kasunod nito ang prof nila kaya hindi na nakapag daldal pa ang mga ito. Buti naman.
"Mauna na ako sainyo." Sabi niya sa mga kaibigan niyang nagliligpit ng mga gamit nila.
Kumunot ang mga noo nito. "Bakit saan ka pupunta?"
"Baka nakalimutan mo ang nangyare sayo dalawang araw ang nakaraan?"
"Tsk! Madali nga lang ako. Kaya ko na ang sarili ko. Babalik ako agad"
"Siguraduhin mo! Tatawagan kita!"Hindi na niya ito sinagot pa at nagmadaling lumabas ng pinto nh room. Pansin niya ang mga taong tumitingin sakaniya habang naglalakad siya sa kahabaan ng hallway. Malamang ay alam ng mga ito ang nangyare sakaniya nung nakaraan.
Mas binilisan niya nalang ang lakad at pumunta sa garden at isinarado ang gate. Umakyat siya sa tree house at naabutan doon ang unggoy na natutulog. Nagising ito sa yabag niya at agad tumalon talon. Malamang ay inaasahan nitong may dala siyang pagkain. Hindi naman ito nabigo at inilabas nga ang mga pagkain sa loob ng bag niya. Itinaktak pa niya lahat doon. Nahulog pa nga sa baba yung isang mansanas. Agad naman itong kumuha at lumamon.
Isinukbit niya ang bag at nag handa sa pag alis.
"Aalis na'ko. May gagawin pa'ko."
Hindi naman siya nito pinansin na para bang sinasabihing wala akong paki basta kumakain ako.

BINABASA MO ANG
Unexpected Love ✔
Любовные романы"I will ruin you to pieces, Thalia Montes. Just how your father ruined me." He dangerously said. ©Cttoofthephoto