UNEXPECTED LOVE 27Nagising siya sa mahinang pag-alog sa balikat niya. Nagkusot siya ng mata.
"Baba na tayo." Inalalayan siya nitong tumayo. Humawak siya sa bakal na hawakan at pinagmasdan itong kunin ang mga gamit nila.
Nakakaramdam pa siya ng konting hilo ngunit kaya naman na niya.
"Tara." Nauna itong naglakad palabas. Sumunod naman siya.
"Malayo pa ba?" Tanong niya habang naglalakad sila palabas ng terminal.
"Medyo malapit na. Sasakay nalang tayo ng jeep."
"Tara. Kain muna tayo." Yaya nito sakaniya. Hinila siya nito sa isang malapit na karinderya.
"Upo ka muna dito. Order lang ako ng kakainin natin." Hindi na siya sumagot pa. Umupo nalang siya at hinintay itong dumating. Nang makabalik ito ay may dala nga itong plato ng pagkain at may nakasunod pa ditong isang babae na may hawak pang platito.
Inilipag ng mga ito ang mga pagkain sa mesa. Umupo naman si Kent sa tapat niyang upuan.
"Tubig po Sir? O soft drinks?"
"Soft drinks dalawang bote yung maliit. Yung malamig ah."
"Sige po Sir."
Binalingan niya ito matapos niyang mapagmasdan ang mga pagkain sa mesa.
"Mukhang sanay na sanay ka na dito ah." Sabi niya at sinimulan na ang pagkain. Ganun din ito.
Tumango ito. "Dito ako kumakain kapag nagpupunta ako dito."
Tumahimik nalang siya at pinagpatuloy nalang ang pagkain. Nakakailang minuto palang siya nang tumigil siya at tumingin kay Kent. Panay kasi ang tingin nito sakaniya.
"Tinitingin-tingin mo?" Nakataas ang kilay na tanong niya dito.
"Hindi ka ba nandidiri or what dahil kumakain ka dito sa karinderya? Mainit. Maingay. Madumi ang paligid."
Kinunutan niya lang ito. "Hindi. Bakit naman? Masarap naman yung mga pagkain."
Nangingiti itong nagpatuloy sa pagkain. "Kala ko maarte ka eh."
"Tss." Inirapan niya ito. Lumaki siyang mayaman pero hindi naman siya pinalaki ng Mommy niya na maarte.
"Di naman lahat ng laki sa yaman maarte." Sabi niya at uminom ng soft drinks na kaka-dala lang nung babae.
Nag kibit balikat ito. "I can see that."
Hindi na siya nagkomento pa at kinain nalang ang masarap na pagkain sa harap niya. Nang matapos ay sabay uli silang naglakad papunta sa medyo unahan na kung saan nandun daw ang paradahan ng jeep papunta sa lugar ng Lolo't Lola niya.
Mainit at wala silang payong. Nakikita narin niyang tagaktak na ng pawis itong katabi niya. Siya pinagpapawisan narin pero hindi naman gaano. Ito rin ang may dala ng maleta nilang dalawa. Siya walang dala kahit isa.
"Sandali." Pigil niya dito. Tumigil sila sa gitna ng initan.
"Bakit? Ang init oh, kailangan natin magmadali." Kunot noo itong nakatingin sakaniya.
Hindi niya ito pinansin at kinuha ang panyo na binigay nito sakaniya. Na ipinunas niya sa bibig niya kanina nang sumuka siya. Binaliktad niya iyon.
Kunot noo namang' nakatingin lang sakaniya ang katabi niya.
Humarap siya dito at pinunasan ang noo nito. Hindi na niya kailangan tumingkayad dahil matangkad naman na siya pero dahil mas matangkad parin ito sakaniya, kailangan niyang tingalain ito.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love ✔
Romantizm"I will ruin you to pieces, Thalia Montes. Just how your father ruined me." He dangerously said. ©Cttoofthephoto