Chapter Twenty Four

4.1K 99 3
                                    


UNEXPECTED LOVE 24

Naiwan siya sa tent. Lahat ng mga isinama lang ay naiwan. Mag sisimula na daw kasi ang activity kaya naiwan sila dito.
Doon pa sila sa medyo dulo ng gubat nag activity. Hindi niya alam kung ano ang ginagawa nila dahil hindi siya sumama.

Pero pwede naman daw silang maglibot libot Basta wag lang lalayo at baka maligaw.

Siya ay nag kulong lang sa tent. Maya Maya kasi ay uuwi na sila kaya nag papahinga siya ng mabuti.

Mabuti na rin iyon para hindi na niya makita muna si Kent dahil parang naiilang siya dito. Sa mga sinabi nito, yung pag amin nito sakaniyang gusto siya nito.

Hindi niya alam kung ano ba. Dahil unang beses naman iyon na may mag confess sakaniya.

Sa isip niya ay nag sisinungaling lang ito at pinag ttripan lang siya. Pero sa tuwing maiisip niya kung gaano ito ka-seryoso habang nag sasalita at kung gaano ito ka-sincere ay nag dadalawang isip siya kung nag sisinungaling lang talaga ito.

Pero parang imposible kasi kaaway siya nito at galit ito sakaniya dahil pinatay nga ni Ronald ang mga magulang nito na iniisip nitong tatay niya.

Napabuntong hininga siya. Niloloko lang kaya siya nito?

Eh bakit ba affected na affected siya? Tss.

NAGISING SIYA nang maramdamang may tumatapik tapik sa mukha niya. Agad siyang napamulat ng mata at nabungaran ang gwapong mukha ni Kent na nakatunghay sakaniya.

"Gumising kana at kumain. Maya Maya ay aalis na tayo." Sabi nito.

Lumayo ito kaya umupo narin siya at kinuskos ang mata.

"Pati ba naman pag gising ang ganda mo parin."

Napatigil siya at napatingin Kay Kent na nakatitig sakaniya.

"Tumigil ka nga. Parang tanga."

Lumabas siya ng Tent at pumunta kung saan kumukuha ng pagkain.

"Kinuhanan na kita ng pagkain. Andun sa tambayan natin."

Kinunutan niya ito ng noo. "Tambayan natin?" Nagtatakang tanong niya.

"Dun sa malaking bato."

"OA! Parang kakain lang dun pa. Pwede namang sa loob nalang ng tent o diyan lang."

"Aba nag reklamo pa, ipinag handa na nga kita ng pagkain e. Dapat nga ikaw ang gumagawa nun sakin e."

"Luh. Sinabi ko bang gawin mo yon?"

"Eh gusto kita e."

Napatda siya sa kinatatayuan. Linek na lalaking ito, biglang ganun e.

"Ewan ko sayo."

Naglakad na siya papunta doon sa malaking bato na Hindu kalayuan at kinuha ang isang plato'ng may pagkain na at kutsara. May dalawang bottled mineral water pa.

Di naman nag tagal ay sumunod na si Kent at kumakain katapat niya.

"Bat ka nasa tapat ko? Dun ka nga sa baba."

Taboy niya dito. Naiilang siya e. Panay kasi ang sulyap sakaniya parang tanga lang.

"Bakit ba? Eh gusto Kong nakikita mukha mo e."

"Parang tanga. Tigilan mo nga ako." Inirapan niya ito.

Masyado namang bulgar ang lalaking ito. Kung ano talagang gustong sabihin, sasabihin.

Natawa lang ito sa kaniya. "Mamaya papasanin kita sa likod ko pag pagod ka na."

Nanlaki ang mga mata niya. Naiimagine niya palang na ni-piggy back siya nito ay kinikilabutan na siya.

Unexpected Love ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon