UNEXPECTED LOVE 15
Tumingin siya kay Melissa. "At ikaw! Diba may boyfriend ka?! Anong ginagawa mo don at nakikipagkita ka sa ibang lalaki?! Pano pag nalaman yon ng boyfriend mo?! Mag aaway nanaman kayo? Ha? Tapos iiyak ka nanaman?!"
"At kayong dalawa!" Binalingan niya sina Janine at Rose Ann. Hindi ito umiimik pero ramdam niya ang inis sa mga ito.
"Study first, ha? Study first ba yang ginagawa niyo? Ha—"
"SUMUSOBRA KANA THALIA!" Nanggagalaiting sigaw ni Melissa. Masama ang tingin nito sakaniya. Ito ang unang beses na nagalit ito sakaniya ng totohanan.
"Ano bang pakialam mo sa mga ginagawa namin ha?! Hindi sa lahat ng gagawin namin ikaw ang mag dedesisyon! Magulang ka ba namin ha?! Magulang ka ba namin?! Mga magulang nga namin hindi kami pinagbabawalan makipag date o makipag kaibigan sa iba tapos ikaw ganiyan ka! Alam mo, mapapalagpas ko pa yang mga pang-aalila mo samen sa mga bagay bagay. Pero itong magdesisyon ka sa mga gusto namin gawin hindi na to pwede, Thalia! At wala ka ring pakialam sa amin ng boyfriend ko! Sumusobra ka na!" Sigaw na rin nito sakaniya.
"At bakit hindi namin sinasabi sa iyo? Kasi alam naman naming didiktahan mo nanaman kami. Palagi ka namang ganiyan diba? Gusto mo ikaw lagi ang masusunod. Gusto mo isang tawag mo lang o isang sabi mo lang masusunod agad. Ganiyang ka naman diba? Palagi mo kaming kinokontrol." Sabad ni Rose Ann.
"Kaibigan ka lang namin, Thalia. Hindi ka namin magulang para diktahan sa mga ganitong bagay. Malaki na kami para magdesisyon para sa mga ganitong bagay." Si Janine.
Napakagat labi siya. Nagpipigil ng luha. Tangina hindi. Hindi siya iiyak sa harap ng mga ito. Hindi.
"Ha! Oo nga pala, kaibigan niyo lang ako." Napailing siya. Pero tangina! Kapatid ang mga turing ko sainyo! Kayo nalang ang natitirang pamilya ko.
"Pasensiya na ano? Pasensiya na kung palagi ko kayong dinidiktahan. Tangina kaibigan niyo lang naman pala ako at hindi magulang. Bakit? Sa mga idinikta ko sainyo, napahamak ba kayo? Nasaktan ba kayo? Ha? Hindi no? Hindi. Pasensiya na kung palagi ko kayong inuutusan. Tamad kasi ako diba? Akala ko naman tanggap niyo na yung pagkatamad ko. Akala ko natural nalang sainyong utusan ko kayo. Tangina hindi pala. Sa tinatagal tagal nating magkakasama akala ko natural nalang sainyo na utusan ko kayo at diktahan. Yun pala minumura niyo na siguro ako sa likod ng mga isip niyo kapag ginagawa ko yun sainyo."
Pumameywang siya at tumingin sa taas at ikinurapkurap ang mga mata.
"Ano yon ha? Plastikan? E tangina sana sinabi niyo noon pa na napililitan lang kayo sa mga pinag gagagawa ko sainyo! Sana sinigawan niyo ko! Dapat nagalit kayo saken! Pero hindi! Sumunod parin kayo! Dapat lumaban kayo saken! Pano nalang kung wala na ako? Sino nalang magtatanggol sainyo? Sino magtatanggol sainyong mga tinakasan ng tapang? Wala! Kung hindi kayo lang naman! Akala niyo ipagtatanggol kayo ng mga hinayupak na yon doon sa loob kapag nabully nanaman kayo tulad dati?! Hindi! Pagtatawanan pa kayo non! Kasi mga demonyo yon! Kung inaakala niyong mabait yon, nag kakamali kayo!
"Ngayon malamang galit nanaman kayo sa mga pinagsasabi ko. Pasensiya naman kung inilalayo ko kayo sa kapahamakan. Matitigas ulo niyo e. Sige bahala kayo. Simula ngayon, wala nang didikta sainyo. Wala nang mag uutos sainyo. Wala nang magsasalita sainyo ng masasakit. Wala nang magmumura sainyo na akala ko natural lang sainyo. Tutal ayaw niyo na ata saken dahil sa ugali ko, hindi lang kayo nagsasalita. Sige bahala na kayo sa buhay niyo. Sumbatan na pala e. Sige baka may isusumbat pa kayo. Sabihin niyo na."
Tiningnan niya ang mga ito. Hindi ito nag sisi-imik.
"Dinidiktahan ko lang naman kayo kapag Mali na ang tinatahak niyo e. Kasi alam niyo 'yon, nilalayo ko lang naman kayo sa mga bagay na alam kong ikapapahamak niyo. Ayoko kasing mapahamak kayo dahil kapatid ang turing ko sainyo kahit kaibigan lang ang turing niyo saakin. Kayo na ang kinilala kong pamilya ko. Ngayon, ngayong alam ko na kung ano bang mga nararamdaman niyo saken..
BINABASA MO ANG
Unexpected Love ✔
Romance"I will ruin you to pieces, Thalia Montes. Just how your father ruined me." He dangerously said. ©Cttoofthephoto