UNEXPECTED LOVE 35"Thalia. Eto na nga pala yung pinalaba mo."
Bungad sakaniya ni Betty pagkabukas niya ng pinto.
"Pumasok ka." Nilakihan niya ang bukas ng pinto at pumasok naman ito kipkip ang mga damit niya at inilagay nito sa upuan.
Sinarado niya ang pinto at lumapit kay Betty. Ang nag suggest ng sarili sakaniya kahapon bilang taga laba ng damit niya. Matanda lang ito sakaniya ng isang taon. Hindi na nag aaral dahil kapos sa pera.
"Kumain ka na ba?" Casual na tanong niya dito.
"Hindi pa nga e. Hindi pa dumating si Tatay."
"Kumain ka muna. May pagkain akong tira na nasa mesa natatakpan."
Excited naman itong pumunta sa kusina at nagbunggkal ng pagkain at nilantakan iyon. Mukhang gutom na gutom nga. Mabuti nalang at nagtira talaga siya ng pagkain para dito.
"Ang gaganda ng mga damit mo Thalia. Parang mga imported. Pati yung mga panty at bra mo ang gaganda din!"
Naumid ang dila niya sa kabulgaran nito. Tingina.
"A-ah. Okay." Wala naman kasi siyang maisagot dito.
"Parang sa Victoria Secret." Nag isang lapat ang labi niya sa tamang isinagot nito.
Lahat naman kasi ng mga kasuotan niya ay galing sa Victoria Secret. Mommy niya lang naman ang bili ng bili noon. Mabuti nalang at hindi naman nag babago ang katawan niya kaya kasya pa naman sakaniya ang lahat ng mga iyon. Ang dami niyang mga damit kaya hindi na siya bumibili.
"Mahilig kasi ako tumingin sa mga magazine eh." Tumango nalang siya dito.
"Alam mo. Ang ganda mo."
"Alam ko."
"Wow ang yabang ah."
Kinunutan niya ito ng noo. "Ikaw naman nag sabi e."
"Oh chill lang. Parang mangangagat kana diyan e. Grabe nakakakot ka pala tumingin. Tingin palang parang hinihila mo na ang buhok ko at inginungudngud sa sahig."
Parang gusto niyang matawa sa sinabi nito. Parang tanga.
"Tska yung itsura mo palaging fierce. Siguro mataray ka no?"
Tinaasan niya ito ng kilay. "Mataray ako. Gusto mo subukan?"
"Ay di bale nalang." Umiling iling ito at uminom ng tubig.
"Ikaw pala yung usap usapan nung isang isang araw."
"Usap usapan?" Kinunutan niya ito ng noo.
"Oo. May bagong lipat daw na Artista."
Inikutan niya ito ng mata. "Parang tanga."
"Seryoso. Purong pilipino ka ba?"
"Hindi."
"Ahh. Kaya pala noh."
Natahimik ito saglit.
"Sana all may ganiyan ka-tangos na ilong." At kinapa nito ang flat na ilong.
Tiningnan niya ito. Cute naman ito wala nga lang ilong. "Hayaan mo. Pag tumagal ako sa mundo paparetoke natin yang ilong mo."
"Luh seryoso? Di nga. Mamamatay ka na ba?"
"Seryoso ako."
"Eeeeeee. Sige aasahan ko yan."
Naglagay siya ng maraming pera sa mesa. Namilog ang mata ni Betty.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love ✔
Romance"I will ruin you to pieces, Thalia Montes. Just how your father ruined me." He dangerously said. ©Cttoofthephoto