UNEXPECTED LOVE 39"I'm sorry. Pero kailangan na niyang magpa-heart transplant ASAP dahil hindi natin alam kung hanggang ilang araw pa siyang mabubuhay. Pero hindi ko alam kung aabutin pa siya ng dalawang araw."
"Heart transplant?" Naguguluhang tanong niya.
"Yes. I'm her cardiologist doctor. Bumalik ang dating sakit niya nung bata pa lang siya. Lately palagi siyang nandito sa hospital dahil habang tumatagal mas lumalala ang sitwasyon niya. Mabisa ang mga gamot na ibinibigay ko sakaniya pero base sa mga nakikita ko sakaniya, palagi siyang stress, laging malungkot ang itsura niya which is hindi nakakatulong. Base sa napapansin ko, mga tao sa paligid niya ang nakakapag palala ng sakit niya."
Napasabunot siya sa buhok niya sa narinig. Napaupo siya sa sahig at tahimik na umiyak doon. Ngayon niya lang naramdaman ang ganitong sakit at takot. Akala niya ang pinaka masakit na nangyare sakaniya ay ang pagkawala ng mga magulang at girlfriend niya. Pero hindi, mas masakit ito. At wala na atang mas sasakit pa dito.
Lalo pa't siya lang naman ang may dahilan kung bakit mas lalong lumalala ang sakit nito.
Kung alam niya lang, kung alam niya lang na may sakit siya hindi niya gagawin ang mga bagay na kahit siya ay napililitan lang gawin dahil sa idinidikta ng isip niya."Then gawin niyo na ang operasyon. Magbabayad ako kahit magkano." Nakikiusap na tumingin siya sa doktor.
"I'm sorry but we don't any available heart donor."
"Ako nalang. Ako nalang ang gawin niyong donor." Desididong sabi niya.
"Tol! Ano ba!" Pinaharap siya ni Ivan dito.
"Nababaliw ka na ba! Pano na ang kapatid mo? Nababaliw kana! Kayo nalang ang natitira sa pamilya niyo pati siya iiwan mo? Mag isip kang mabuti!"
"Mag isip kang mabuti hijo." Iniwan na sila ng doktor.
"Ano nang gagawin ko?" Parang mababaliw nang tanong niya sa sarili. "Hindi ko siya kayang mawala." Halos mamanhid siya sa sakit na nararamdaman sa dibdib niya.
"Wala siyang kasalanan sa mga nangyare. Hindi niya sinadyang tumakas. At hindi niya ginusto ang mga nangyare."
Hindi siya gumalaw sa kinauupuan niya. "Basta nalang daw umuwi ang step father niya sa mansion nila."
"Step father?"
"Step father niya si Ronald Acosta at hindi niya iyon tunay na ama. Sinabi daw nito sakaniya na nakapatay daw siya ng mag asawa at hinahanap na daw siya ng mga pulis. Ngayon, hindi daw siya papayag na makulong nang hindi napapagsamantalahan si Thalia. Tinurukan niya ito ng droga na makakapag pahilo sakaniya at makakapagpawala ng malay. Pero nakatakas siya at nagmaneho paalis at nagpa-salubong sa mga kaibigan niya. Sa sobrang pagkahilo niya ay hindi na niya namalayang nakabundol siya ng tao which is si Kyra. Ganun sila nakita ng mga kaibigan niya at itinakas siya at itinago lahat ng ebidensiya na makapag tuturo sa kaibigan nila. Pinoprotektahan lang siya ng mga kaibigan niya dahil hindi naman iyon sinasadya ni Thalia."
Hindi siya makapaniwalang napatingin dito. Parang sasabog ang ulo niya sa nalaman.
"Nagising nalang daw si Thalia na walang maalala sa mga pangyayareng iyon kaya pinili na lamang ng mga kaibigan niya na itago nalang daw ito. Naalala niya lang ang lahat nung makita niya ang picture ng girlfriend mo sa kwarto mo."
Napasabunot nanaman siya sa buhok niya at marahas na huminga. Kaya pala umuwi siya agad noong gabing iyon nang makapasok ito sa kwarto niya. Yun pala dahil sa nakita nitong litrato ng girlfriend niya at hindi dahil masama ang pakiramdam nito.
"Nagalit siya sa mga kaibigan niya dahil sa pagtatago nito ng totoo sakaniya. Dahil kung alam niya lang lahat ng mga nagawa niya noong una palang, hindi siya tatakas at tatanggapin ang mga parusang para sakaniya. At kaya pinipilit niyang mabuhay pa ay dahil gusto niyang pagbayaran ang mga kasalanan niya sayo. You see, hindi siya sobrang sama. Hindi rin siya sinungaling. Ngayon, kung pinagbigyan mo lang sana siya ng pagkakataong magpaliwanag hindi sana hahantong ang lahat ng ito sa ganitong sitwasyon."
"Bakit hindi mo sinabi agad saakin gayong alam mo naman pala!"
"Ni ayaw mo ngang makinig e! Oo nga't nasaktan ka pero hindi naman ibig sabihin non sa isasara mo na ang tenga mo para sa mga paliwanag! At siya ang may sabi nito. Siya daw ang magsasabi sayo. Pero anong ginawa mo? Iniwan mo pa siya sa gitna ng ulan. Hindi mo man lang siya binalikan para isilong. Dahil habang naglalakad ka patalikod sakaniya ay may nangyayare nang masama sakaniya."
Napayuko siya. Umalog ang balikat niya sa pag iyak.
"All along sinisi ko siya sa lahat tapos.. tapos.." Hindi niya na natapos dahil sinakop na siya ng pag-iyak niya.
Sising-sisi siya sa lahat ng mga ginawa niya. Ang dami niyang sinayang na panahon. Kung sana nakinig siya..
Tumayo siya at sumilip sa pinto na may salamin at tiningnan mula doon ang dalaga.
Maraming nakakabit ditong mga aparato. Sobrang putla nito.
Gustong gusto niyang abutin ito at hawakan ang mga kamay nito. Sabihing lumaban ito dahil naghihintay siya. Nais din niyang humingi ng tawad. Kahit araw araw siyang humingi ng tawad dito gagawin niya basta mabuhay lang ito.
Naramdaman niya ang pagtapik ni Ivan sa balikat niya.
"Magiging maayos din ang lahat. Si Thalia pa. Ang tapang niyan diba."
"I HAVE good news to you." Sabi ng doktor. Basta nalang itong sumulpot sa harap niya. Pinauwi na niya si Ivan dahil malalim na ang gabi. Nagpumilit pa itong samahan siya pero tumanggi siya.
Agad siyang napatayo dahil sa sinabi nito.
"Ano ho iyon?"
"Someone volunteer a heart for the patient Thalia, hiling daw ito ng anak bago ito magpaalam. Nabundol kasi ito ng kotse kanina."
"Anong pangalan ng donor?"
"Betty Atreo."
Napangiti siya sa sinabi nito.
"K-kailan siya ooperahan? Makakasurvive ba siya?"
"Ooperahan siya 3 hours from now. Ngayon, 50-50 ang chance na makasurvive siya pero gagawin namin ang lahat para maging maayos siya. Let's just pray for her."
KATABI niya ang mama ni Betty Atreo, ang babaeng nabundol at namatay.
"Palaging bukambibig ni Betty si Thalia. Ang bait daw nito sakaniya kahit mataray daw ito. Kinuha nitong taga laba si Betty, mataas ang bayad nito kay Betty at doon pa pinapakain minsan at pinapadalhan pa kami ng pagkain. Mabait na bata si Betty tumigil siya sa pag aaral dahil sa kahirapan namin at tutulong nalang daw siya sa gastusin sa bahay."
Nakikinig lang siya sa sinasabi nito. Medyo paos na ito siguro dahil sa kakaluha nito sa pagkawala ng anak.
"Isang araw nung kumatok daw siya sa apartment nito hindi daw ito sumasagot. Pumasok siya at nakita niya daw na nakahandusay daw si Thalia sa sahig. Agad niya daw itong dinala sa hospital at nalamang may sakit ito sa puso."
Kumuyom ang mga kamao niya. Nagagalit siya sa sarili dahil wala siya sa tabi nito nung mga panahong kailangan nito ng kasama at mag babantay dito.
"Sinamahan na din ito ng anak ko doon hanggang sa pag uwi. Pumayag naman ako dahil mukhang alalang-alala siya kay Thalia. Binigyan siya nito ng napakaraming pera pagka-uwi nila. Mahigit sampung milyon ang dala ng anak ko pag uwi niya. Ayaw niya nga daw tanggapin kasi ang dami pero nagpumilit ito. Para daw iyon saaming buong pamilya namin. Tuparin ang mga pangarap ng mga kapatid niya at lumipat daw kami sa magandang bahay at magtayo ng negosyo. Hindi narin naman daw niya iyon magagamit dahil hindi na siya mag tatagal.
Tapos kanina bumili lang siya ng kakainin namin hindi na siya nakabalik agad. Kaya sinundo ko na siya at nakita ko nalang siyang nakahandusay sa gitna ng kalsada at duguan. May ibinilin siya saakin. Kung sakaling mamatay man siya gusto niya daw idonate ang puso niya kay Thalia. At ang pera daw na ibinigay ni Thalia ang gamitin namin para makaahon sa hirap."
Napahagulgol ito. Hinaplos niya ang likod nito.
"Maraming salamat sa anak niyo. Napakabait niya para gawin iyon kay Mo— Thalia."
"Hindi ko naman siya masisisi dahil mabait naman ang batang yan. Nakilala ko na yan. Mataray nga lang."
"Maraming salamat po talaga. Hinding hindi namin makakalimutan ang ginawa ng anak mo."
@ImTheSexyRed
BINABASA MO ANG
Unexpected Love ✔
Romance"I will ruin you to pieces, Thalia Montes. Just how your father ruined me." He dangerously said. ©Cttoofthephoto