UNEXPECTED LOVE 21Tatlong araw na ang nakalipas mula nang matapos ang punishment niya. Hindi narin naman siya ginagambala ni Rain, which is good. Ganun din naman si Calvin. Hindi pa siya pinapansin nito. At hindi niya alam kung mabuti iyon o hindi.
At ang mga kaibigan niya, as usual, ganun parin. At ang buhay niya, ganun parin, alipin parin. Kagaya ngayon, naglilinis siya sa hide out ng mga ito habang sila naman ay naglalaro ng baraha. Ang ingay nga e. Sigaw nang sigaw.
"May camping kami bukas. Sumama ka." Napatingin siya kay Kent na nakahiga sa sofa. Malapit siyang naglilinis dito.
Hindi ito kasali sa laro kaya iyong tatlo lang ang naroon.
"Ayoko." Sagot niya. Hindi siya sumasama sa mga gawaing sobrang nakakapagod na makakapag trigger ng pagsikip ng paghinga niya at pagsakit ng dibdib niya. Iyon ang pinaka-ayaw niyang mangyare. Pakiramdam niya kasi mamamatay siya e.
"May usapan tayo diba? Sa ayaw at sa gusto mo sasama ka."
"Sa ayaw at sa gusto mo din, hindi ako sasama." Matigas na aniya.
"Alipin kita kaya gagawin mo kung anong gusto ko. Baka nakakalimutan mo kung bakit nandito ka."
Napahinga siya ng malalim at tiningnan ito. "Hindi naman sa lahat ng oras gagawin mo akong alipin mo, gagawin mo kung anong gusto mong gawin ko. May mga gusto rin akong gawin sa para sa sarili ko. Anong gusto mo, puro nalang ikaw? Unfair yun."
Sana naman talaban ito ng mga sinabi niya. Ibinalik niya ang tingin sa winawalis niyang kalat.
"Dinadramahan mo ba ako?"
"Nagpapaliwanag lang ako."
"Pwes, sinasabi ko sayo hindi yan tatalab sakin. Sasama.Ka.Bukas."
"Ayoko sabi!"
"Hindi! Sasama ka at dadalhin mo ang mga gamit ko bukas!"
"Hindi ako sasama at ikaw magdadala ng mga gamit mo bukas!"
"Sasama ka! Ano pang silbi ng pagiging alipin mo kung hindi ka naman mauutusan!"
"Ayoko nga sabi! Ang kulit! Kahit kaladkarin mo ako bukas hindi ako sasama."
"Hindi na kita kailangang kaladkarin kung kaya ko lang din naman kita'ng kontrolin. Mamili ka, ipapa-rape ko yang mga kaibigan mo o sasama ka sakin bukas?"
Putangina! Ayan nanaman siya sa putanginang yan!
Hindi siya umimik at nanatili lang nakatingin dito.
"Tol!" Tawag nito sa mga kaibigan niya nang hindi siya sumagot.
"Oh!" Sagot ng mga ito.
"Kunin niyo ang mga kaibigan ni Montes at rape-in niyo sa harap niya. Ngayon na."
Agad na nagsitayo ang mga ito na parang pabor na pabor sakanila ang gagawin.
Kumuyom ang mga kamao niya. Hindi niya alam kung nagbibiro ito o kung seryoso ito sa sinabi niya.
Pero hindi niya kayang irisk ang mga kaibigan niya dahil lang sa ayaw niyang sumama dito. Kahit pa hindi sila nagpapansinan, alam naman niyang mahalaga din naman siya sa mga kaibigan niya.
Kaya nga niya ginagawa ang mga ito para narin sa kaligtasan nila diba.
Pero pano naman ang kaligtasan ko?
Napabuntong hininga siya.
"Sige na, sasama na ako."
Pagsuko niya.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love ✔
عاطفية"I will ruin you to pieces, Thalia Montes. Just how your father ruined me." He dangerously said. ©Cttoofthephoto