UNEXPECTED LOVE 40Naging successful ang operation ni Thalia. Pero hindi parin siya pwedeng pumasok. Naalala niya ang sinabi nung doctor na nag-opera kanina.
"Akala ko bibitaw na siya kanina e. Kung iba siguro baka hindi naka-survive but I'm wrong parang lumaban talaga siya. She's indeed a strong girl."
Nakasilip lang siya sa salamin ng pinto at pinagmamasdan ito. Medyo may kulay na ang mukha nito hindi katulad ng nakita niya noong isang araw. Dalawang araw na kasi itong nandito sa hospital at nagpapagaling nalang.
Sabi ng doktor baka pag gising na siya pwede na siyang makapasok.
At hindi na siya makapaghintay na gumising ito. Halo halo ang mga nararamdaman niya. Hindi niya alam kung ano ang unang sasabihin niya dito sa oras na magising ito.
Tatanggapin niya kahit ano pang isumbat nito sakaniya, o kung magalit pa ito sakaniya at pahirapan siya tatanggapin niya. Tatanggapin niya ang lahat ng iyon maliban nalang kung paalisin siya nito sa buhay niya. Iyon ang hinding hindi niya gagawin. Hinding hindi. Dahil sa mga oras na ito hindi na siya ito bibitawan pa.
Simula ngayon ipinapangako na niya sa sarili na hindi na siya basta basta magagalit dito hanggat hindi niya nalalaman ang paliwanag nito.
Ni hindi pa nga siya umuuwi. Mga kaibigan nalang niya ang nagdadala ng mga kakailanganin niya dito. Hindi naman nagrereklamo ang mga ito at naiintindihan naman siya. Sinasamahan pa nga siya ng mga ito para may kausap naman siya pero minsan ay hindi dahil pumapasok ang mga ito sa paaralan. Lalo nat magtatapos na sila. Siya, wala na siyang pakialam basta ang importante ay masamahan niya ang taong pinakamamahal niya. Oo na, inaamin na niya. Tss. Alam naman na niya talaga pero pilit lang niyang itinatanggi dahil parang masyadong mabilis.
Pero kung mawawala lang naman ito sa buhay niya nang hindi niya pa nasasabi kung gaano ito kaimportante, parang mababaliw ata siya.
Kapag dumating na talaga yung taong parang para sayo, walang mabilis o matagal kung iyon naman talaga ang nararamdaman mo.
Nabulabog siya nang makarinig ng mga tunog ng takong na parang nagsisitakbuhan ang mga may ari. Kunot noong napalingon siya. Bawal ang maingay dito.
Medyo nasorpresa siya nang makita ang dalawang kaibigan ni Thalia.
Sa pagkakatanda niya'y ito sina Janine at Melissa, wala yung Rose Ann.
Nasorpresa din ang mga ito nang makita siya.
"Anong ginagawa niyo? Bawal ang maingay dito." Kunot noong sabi niya dito.
"Pasensiya ka na. Kailangan kasi naming magmadali. Hinahabol kasi kami ng mga tauhan ng mga daddy namin. Nahuli si Rose kaya hindi namin siya kasama." Yung Janine ang sumagot.
"Tumakas kami. Gusto naming makita si Thalia. Tapos nalaman namin sa school na nandito siya."
May mga kulay itim sa baba ng mga mata nito at kalat kalat ang make up. Mukhang nagsi-iyak. Siguro dahil sa nalaman nila na nandito si Thalia. Mukha na silang mga aswang.
"S-si Thalia?" Naluluha nilang tanong. Sabay pa nga sila.
Tinuro niya ang katapat na pinto. "Bawal pumasok. Dito lang kayo pwedeng tumingin." Umalis muna siya sa pwesto niya.
Nag uunahang lumapit ito sa pinto at sumilip doon. Rinig niya ang mga impit na iyak nito.
Tumingala siya at kumurap. Nakakadala kasi ang iyak ng mga ito.
Hindi nagsasalita ang mga ito at tahimik lang na umiiyak. Rinig sa buong hall way ang mga hikbi nito.
"A-anong nangyare sakaniya?" Sumisinok na tanong ng isa.
"Bumalik ang sakit niya noong bata palang siya. Ngayon, kailangan niyang mag undergo sa heart transplant. Successful naman. Ngayon hinihintay nalang siyang magising."
"Sandali lang kami nawala tapos g-ganito na ang nangyare sakaniya." Umiiyak na sabi nung Melissa.
"Ako ang may kasalanan kaya nagkaganiyan siya." Pag-aamin niya.
Hindi siya nakatingin sa mga ito pero kita niya sa gilid niya na tumingin ang mga ito sakaniya.
"Walang hiya ka." Mahina ngunit nanggigigil na sabi ni Janine. Bawal kasi ang maingay dito.
"A-ah I'm sorry po pero pwede po ba'ng dun nalang kayo sa baba mag usap? Bawal po mag eskandalo dito." Sabi ng isang nurse.
"Sa susunod niyo na ako awayin o kung ano man ang gusto niyong gawin saakin. Baka magising siya pag alis ko, gusto kong ako ang pinaka unang makita."
"Hindi niya gugustuhing makita ka dahil sa ginawa mo." Nagpipigil na sabi Melissa atska ito umalis kasama ang isa pa.
Napabuntong hininga nalang siya at tumingin kay Thalia.
"I'm sorry." Bulong niya at umupo sa sahig at sumandal sa pader.
Gagawin ko ang lahat mapatawad niya lang ako.
"MISTER.. mister." Nagising siya sa mahinang tapik sa balikat niya. Bumungad sakaniya ang nakangiting doktor ni Thalia. Habang nasa likod naman nito ang tatlo nang kaibigan ni Thalia. Nakasibangot ang mga ito.
"Gising na si Ms. Montes at pinapa-una ka ng mga babae'ng nasa likod ko na makita ang pasyente. Gusto mo daw kasing ikaw ang unang makita ng pasyente sa pag gising nito."
Tulala siyang napatingin dito at tinambol ng kaba ang dibdib niya.
"G-gising na siya?"
"Yes." Nakangiting tango nito. "Pero hindi pa siya pwedeng magpwersa okay? Yung pagtawa, yung pagiging emosyonal at baka makasama, siguro kapag fully healed na siya ay pwede na."
Tumango siya at nagpasalamat dito. Isang beses siyang sumulyap sa mga kaibigan nito bago pumasok sa kwarto'ng nanlalamig ang mga kamay.
PAGKA-ALIS ng doctor ay pumikit siya. Hindi niya alam kung paano siya nabuhay? Ang alam niya'y parang mamamatay na siya nung mga oras na iyon.
Tinanong niya nga ito kung paanong buhay pa siya. Ngumiti lang ito at sinabing 'Miracle did happened'.
Sinabi din nitong mabubuhay pa siya ng matagal. Naguguluhan siya.
Masakit ang dibdib niya kaya hindi siya gumagalaw.
Sa ngayon, gusto niyang makita si Kent pati ang mga kaibigan niya.
Hindi niya alam kung nananaginip ba siya nung mga oras na marinig ang boses ni Kent.
"I'm sorry. Sorry. Sorry."
"Wag kang bibitaw please? Mahal kita. Wag mo muna akong iwan."
Sana ay totoo nalang ang lahat ng mga narinig niya.
Hindi siya galit dito. Walang kahit ano. Ang gusto niya lang ay magka-ayos na sila. Mahal niya ito at ayaw niyang ganito sila. Ngayong sinabi ng doktor na mabubuhay pa daw siya ng matagal gagawin niya ang lahat para makuha ang kapatawaran mula dito.
Nabaling ang atensiyon niya sa taong humawak sa kamay niya na dinala sa pisngi nito. Ramdam niya ang mainit na likido sa palad niya.
Hindi siya gumalaw sa pwesto at nanatiling nakapikit lang.
"Montes.."
Nabulabog ang buong diwa niya nang marinig ang boses nito.
*-*-*
A/N: Base sa nabasa ko more than 5 years lang ang pwedeng itagal ng mga taong pinalitan ang puso. Pero may nabuhay daw ng 30 years. So yeah. Bigyan natin sila ng forever at wag nang banggitin kung kailan maeexpire si Thalia. Haha. Beside this is only an imagination so yeah.
@ImTheSexyRed
BINABASA MO ANG
Unexpected Love ✔
Romance"I will ruin you to pieces, Thalia Montes. Just how your father ruined me." He dangerously said. ©Cttoofthephoto