UNEXPECTED LOVE 23Umaga na 'nung magising ako. Siguro mga alas singko palang ng umaga ay gising na ako. Maaga din ako akong nakatulog kahapon. Well, di naman siya lumabas kahapon sa loob ng tent niya. Hindi rin siya kumain ng gabihan dahil wala siyang gana. Nag bonfire sila kagabi pero hindi siya nakisali. Hindi naman siya interesado. Hindi siya sanay makihalubilo sa mga tao. Mas gugustuhin pa niyang makipagtitigan sa tent niya kesa makisali sakanila.
Mabuti nalang at hindi siya ginambala ni Kent kagabi.
Paglabas niya ay may iilan naring gising at may mga nagluluto narin sa ginawa nilang lutuan na de gatong. Malaking kawa iyon na para sa lahat.
Nagtimpla nalang siya ng kape. At naghanap ng pwesto.
Nakakita siya ng malaking bato sa medyo malayo kaya pinuntahan niya iyon at umupo doon. Mabuti doon at tahimik at walang gambala.
Sumimsim siya ng kape habang nakatitig sa magandang view ng gubat sa medyo ibaba. Kahit mahamog ay maganda parin itong pagmasdan. Lalo na siguro kapag wala.
"Nakapag-pahinga ka ba ng maayos?"
Muntik na niyang maibuga ang kaiinom lang niyang kape sa bigla nalang sumulpot na boses mula sa kung saan.
Tumingin siya sa gilid ng inuupuan niyang mataas na bato at nakita si Kent doon na nakasandal habang nakaupo sa malaking dahon na pinatong sa lupa. Tulad niya ay nagkakape din ito at nakatingin sa magandang view.
"Ano ba! Bat ka nanggugulat?!" Sita niya dito.
"Malay ko bang magugulat ka."
Inikot niya ang mata at bumalik sa dating pwesto, nakatingin sa view.
"Pakialam mo ba." Sagot niya.
"Tinatanong kita ng maayos."
"Pakialam mo nga dun? Kung may mangyare man saken wala kana'ng pakialam dun dahil wala ka naman dapat pakialam."
Hindi ito nakaimik.
"May pakialam ako dahil alipin kita." Maya-maya'y sabi nito.
Yeah right. Alipin niya nga pala ako. Tss.
"Ayos na'ko." Napipilitan niyang sagot.
Hindi ito sumagot.
"Alam mo, pwede ba wag ka nang mag tanong ng kung ano ano sakin na kunyare ay nag aalala ka sakin. Kasi alam mo, nakakagago, hindi ko alam kung inuuto mo ba ako o ano. Kung binabalak mo'ng paibigin ako at saktan sa huli, wag mo nang balakin ano? Kasi hinding hindi ako mahuhulog sayo. Wala sa bokabolaryo ko yan."
Pandidiretso niya dito. Isipin man nitong assuming siya, wala siyang pakialam. Nag lilinaw lang siya.
"Pero gusto kita."
Bumagsak ang panga niya sa paanan niya.
"At totoo'ng nag aalala ako sayo."
Dagdag pa nito.
Napabuntong hininga siya. May kung ano nanaman sa damdamin niya na ginugulo nito. At ayaw niya noon.
Sht. Pinag lololoko ba siya nito?
"Pinag-lololoko mo ba ako Kent?! Gusto mo hampas ko to sayong basong 'to?!"
"Ihampas mo. Basta ako nag sasabi lang ako ng totoo." Kalmadong sagot.
Bigla bigla ay tumibok ng mabilis ang puso niya sa sinabi nito.
Seryosong seryoso ang boses nito. At nakakapanibago ang ganito!
"Pinag lalaruan mo ba ako? Kasi hindi ka nakakatuwa. Dati kulang nalang ilibing mo na ako ng buhay tapos ngayon sasabihin mo'ng gusto mo ako? Baka nakalimutan mo ha, tatay ko pinatay ang mga magulang mo na dahilan at namatay din ang girlfriend mo."
"Alam ko."
"Oh? Eh bakit ganito? Gago ka ba? Tigilan mo ko ah."
Naiinis na sabi niya pero ang damdamin niya ay nag wawala na na hindi mo maintindihan. Dmn.
Kapag talaga nagsabi itong nagbibiro lang ito ngayon ay babangasan niya ito ng malakas.
"Hindi ko alam. Naguguluhan ako. Pilit ko namang iniiwasan ang pagkakagusto ko sayo pero habang lumilipas ang mga araw ay lalo lang nadadagdagan. Kasalanan mo naman e." Seryoso parin ang boses nito.
Napakunot noo siya. "Ano namang kasalanan ko dun? Baka sabihin mong inaakit kita ah? Yuck! Never in a million years na aakitin kita."
"But you did. Alam mo yun, kada titingin ka sakin grabe makahatak yang mata mo na hindi ko maiwasang titigan ka. At sobrang tapang mo para gawin ang mga pananakit na hindi ka natatakot kung anong kalalabasan ng gagawin mo. At gusto ko yung mga babaeng matatapang lalo na kapag tungkol na sa kaligtasan ng taong mahalaga sakanila. At ikaw iyon, handa ka'ng magpaalipin para lang hindi mapahamak ang mga kaibigan mo, handa kang gawin lahat wag lang silang masaktan. Kaya kapag pinagtatanggol mo sila laban sa mga kabalbalan ko at sa mga nambubully sakanila lalo lang nahuhulog ang loob ko sayo. At masyado kang maganda sa paningin ko. Yung tipong palaging fierce yung datingan ng mukha mo at the same time ay litaw na litaw yung alindog mo. Inaakit mo ata ako e. At nagtagumpay ka sa ginawa mo.
Ang sarap sa feeling ng pinagluluto mo ako kahit palagi kang nakabusangot at lagi kang nagdadabog. At ang cute mong tingnan kapag nagdadabog."
Huminga ito ng malalim. "Wala man sa kilos ko pero gusto talaga kita. Bahala ka kung maniniwala ka. Basta ako nagsabi lang naman."
Sa isang banda ng isip niya ay nakikita na niya ang sariling nagsusuka ng rainbow sa lahat ng sinabi nito. Lalo na sa sinabi nitong Maganda daw siya at Cute.
Ngunit nanatili lang siyang seryoso.
"Yung girlfriend mo? Anong ganap nun sayo? Naka-move on ka na ba?" Hindi naman sa nag a assume siya sa sinabi nito, nag tatanong lang naman siya kung sakali mang totoo ang sinasabi nito.
"Wala naman akong balak na palitan na siya agad dahil mahal ko parin siya. Bakit? Iniisip mo ba'ng jojowain na kita agad?"
"Hoy! Ang kapag naman ng pagmumukha mo! Hindi ako nag aasume ano! Nag tatanong lang ako!"
"Bat ka sumisigaw?"
"Tss."
"Mahal ko parin siya. At gusto lang kita okay? Sinasabi ko lang naman e."
Hindi niya alam kung anong irereact sa sinabi nito. Halo-halo kasi ang nararamdaman niya sa mga oras na ito.
"Yun naman pala. Edi dapat hindi mo sinasabi sakin ang mga bagay na'yan kung mahal mo parin siya."
"Bakit? Selos ka?"
"Yaks ka!"
Padabog na bumaba siya ng bato at nagsimulang mag lakad kung saan ang mga tent.
"San ka pupunta?"
"Edi babalik na hindi ba obvious?"
"Bat ka babalik agad?"
"Problema mo ba? Sususo ka ba?" Dire-direstong lumabas ang salita sa bibig niya na hindi man lang pinag iisipan.
Agad na nag init ang mukha niya sa sinabi at nanlaki ang mga mata nang marealize ang sinabi.
Napangisi ang isa.
"Pwede ba?" Tanong nito. Ngising-ngisi.
"Bwisit ka!"
"HAHAHAHA"
*—*—*
A/N: So ayan. I-start ko na yung love life nila. So simula palang 'to. Wala pa tayo sa ¼ ng story.Thank you sa mga nag babasa at nag f-follow. ❤❤❤
@ImTheSexyRed
BINABASA MO ANG
Unexpected Love ✔
Romance"I will ruin you to pieces, Thalia Montes. Just how your father ruined me." He dangerously said. ©Cttoofthephoto