UNEXPECTED LOVE 41Parang nanigas siya sa kinahihigaan nang marinig ang boses ni Kent.
"Buti naman gising kana. Pero ayos lang kung tulog ka ngayon." Suminghot ito. Umiiyak.
Naguguluhan siya sa mga ginagawa nito. Parang nitong araw lang galit na galit ito sakaniya.
Hinaplos nito ang palad niya sa mukha nito.
"Miss na miss na kita. Kung alam mo lang kung gano kita ka-miss. Alam mo bang halos hindi ako makatulog nung mga time na magkagalit tayo—no, ako lang pala ang galit. Miss na miss na kita. Ang tanga tanga ko para hindi makinig sa mga paliwanag mo. Alam ko na ang lahat. And I'm sorry dahil sinisi kita sa lahat. Sisingsisi ako. I'm so sorry.
"Gagawin ko ang lahat para pagbayaran ko mga kalasanan ko sayo. Kung nalaman ko lang ng mas maaga sana hindi na humantong ang lahat sa ganito. I'm so sorry. Ang dami kong sinayang na panahon para makasama ka. Para ma-angkin ka. Montes mahal na mahal kita at nag sisisi ako sa mga ginawa ko sayo. Please wag mo na akong tatakutin ng ganon. Ayokong mawala ka.
Kung makikita mo, galit na galit ako noon pero deep inside gustong gusto kitang ikulong sa mga bisig ko kapag nasasaktan na kita. Pero pinapangunahan ako ng pride ko at ng paninindigan kong ipaghihiganti ko si Kyra. Pero ngayon hindi na iyon mauulit."
Panay ang iyak nito habang sinasabi iyon. Parang gusto niyang maiyak sa mga sinasabi nito. Sadyang hindi lang siya makapaniwala. Siya? Iniiyakan ng isang Kent Harry Pinker?
Naramdaman niya ang pag-yakap nito sa katawan niya at ang paghilig ng ulo nito sa tiyan niya.
"Gustong gusto na kitang mayakap. Miss na miss na kita. Please wag mo akong tatakutin ulit ng ganon dahil sising-sisi na ako. Parang mababaliw ako kakaisip sayo. Mahal na mahal kita Montes, mahal na mahal kita."
Idinilat niya ang mga mata niya. Umangat ang isang kamay niyang hindi hawak nito at hinaplos ang buhok ni Kent.
Naramdaman niya ang paninigas nito.
"Miss na miss na kita at mahal na mahal din kita. Wag kang mag-alala. Hindi ako galit sayo. Gusto lang kitang makasama." Sabi niya.
Mabilis itong napaupo at pinunasan ang mukha pero tuloy tuloy naman ang luha nito sa pagdaloy.
Uminit ang pakiramdam niya sa mga sinabi nito. Parang gusto niyang maiyak sa tuwa.
"G-gising ka na pala." Sabi lang nito. Parang gusto niyang matawa dito dahil hindi maampat ang pagluha nito.
Hindi nagtagal ay napahagulgol ito at napayakap sakaniya.
"I-im so sorry. Sorry. Sorry. Sorry. Kasalanan ko 'to. Sana patawarin mo ako." Iyak nito.
"Wag mo akong iiwan. Mahal na mahal kita Montes. Mahal na mahal."
Niyakap niya ito pabalik.
"Mahal na mahal din kita Kent."
"HINDI pa ako patay." Nangingiting sabi niya sa mga kaibigan niya na nagsisi-iyakan habang nakayakap sakaniya. Ito agad ang ginawa ng mga ito pagka-pasok sa loob ng kwarto niya.
Nagulat pa siya nang magsipasok ang mga ito dahil hindi naman siya nag expect dahil nasa ibang bansa ito diba? Tapos ang iitim ng ilalim ng mga ito. Nahulas na yung eye liner nila.
Nagsiupo ang mga ito. "Nakakainis ka. Ano ba yung sinend mong voice mail? Para namang mamamatay kana kung magsalita ka." Melissa
"Oo nga. Kaya naghanap kami ng paraan para makatakas kasi hindi ka naman namin makontak at baka may nangyare na sayo." Janine
BINABASA MO ANG
Unexpected Love ✔
Romance"I will ruin you to pieces, Thalia Montes. Just how your father ruined me." He dangerously said. ©Cttoofthephoto