Chapter Twenty Eight

4.1K 117 5
                                    


UNEXPECTED LOVE 28

"San ba tayo pupunta?" Tanong niya habang naglalakad kasunod nito.

"Mangunguha tayo ng prutas. Iipunin natin."

"Para saan?"

"Basta. Sumunod ka nalang."

Hindi nalang siya umimik at sumunod nalang. Kanina pa siya tanong ng tanong dito kasi naeexcite na siya kung saan ba sila pupunta. Ngunit hindi naman siya nagpahalata.

Nag eenjoy siyang maglakad sa malawak na kakahuyan. Malinis na hangin. Tapos maraming hayop sa paligid.

Bigla niyang naalala si Moy. Kumusta na kaya yung unggoy na yun. Palagi naman niya iyong iniimbakan ng pagkain doon. Siguro naman kakasiya yun habang wala siya. Kaso sa sobrang takaw ng unggoy niya, hindi siya sigurado. Kaya ang taba nun e. Sana magtipid siya.

"Andito na tayo."

Napabalik siya sa katinunan mula sa malalim na pag isip nang magsalita ito.

Tumingin siya sa paligid at labis na namangha.

Wow.

Ang dami nga'ng prutas. Mga nagtataasang puno ng star Apple at mangga. Ang dami ring bunga.

Labis siyang natakam habang pinagmamasdan ang maraming Star Apple na nagkukulay pula na. O mas tamang sabihing dark violet.

Dumapo ang mata niya sa puno ng mangga. Marami ring mangga. Malalaki at manilaw nilaw na. Bigla siyang naglaway sa nakita.

"Parang ngayon ka lang nakakita niyan ah." Nang tingnan niya ito at aliw na aliw itong nakatingin sakaniya.

Inirapan niya ito. "Aakyat ako." Sabi niya at humakbang papalapit sa puno. Ngunit mabilis siya nitong pinigilan.

"Wag na. Ako nalang. Ikaw nalang taga sambot tapos ilagay mo sa dala nating basket." Hindi na siya nito pinagsalita at agad na umakyat sa puno ng Star Apple.

Siya naman ay kinuha ang basket na may nakalagay na asin na nakalagay sa maliit na garapon, may kutsilyo at dalawang kutsara. Nilabas niya iyon nilagay sa tuyong dahon para may malagyan ng mga prutas ang basket na dala nila.

"Oh ito. Sambutin mo."

Mabilis siyang tumayo at sinambot ang inihulog nito.

"Ayos ah." Nakangising sabi nito.

Mabilis niyang nilagay iyon sa basket at kinunutan ito ng noo.

"Bakit?"

"Siguro kung ibang mga rich kid tumili na at baka mahulugan. Kaso naisip ko, iba ka pala."

Mabilis niyang kinagat ang likod ng pisngi at tinaasan ito ng kilay. Ramdam niya ang pag iinit ng pisngi sa sinabi nitong..

"...kaso naisip ko, iba ka pala."

"Parang tanga." Bulong niya.

Ilang beses ba niyang sasabihing hindi lahat ng rich kid e maaarte? Siguro mga kakilala niyang rich kid e maaarte.

"Kung mahuhulugan man ako, hindi ako titili no. Hindi naman ako tumitili."

"We? Hindi ka tumitili?"

"Hindi."

"Pag napatili kita, bibigyan mo'ko ng isang halik."

"Nababaliw ka na." Inirapan niya ito.

"Seryoso ako."

"Bahala ka sa buhay mo. Parang tanga."

"Sabi mo yan ah." At bigla itong ngumisi.

Unexpected Love ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon