oppps

38 4 0
                                    

Umalis siya dahil ayaw niya ng kape na timpla mo. Ayaw niya ng sobrang tamis o ng may pait.

Gusto niya ng iba.

Gusto niya ng kape sa kabilang kapihan, sa mas matamis; sa mas masarap.

Ayaw niyang malasahan ang pait ng pagmamahal—ng buhay, ng pag-ibig mo.

Ayaw niyang uminom ng kapeng pinakulo mo pa nang ilang panahon. Gusto niya ng mainit na kape sa bawat oras na gustuhin niya; gusto niya ng hindi nanlalamig; gusto niya ang templa ng iba.

Gusto niya ng iba, hindi ikaw.

Hindi ikaw ang kape niya.

POETRY THAT STAYSWhere stories live. Discover now