BAGO DUMATING ANG TAONG MANANAKIT SA'YO

18 3 0
                                        

Hangga't 'di pa huli ang lahat,

Gawin mong katawa-tawa ang lahat.

Kulayan mo ng mala-rainbow ang kili-kili mo,

Balutan mo ng tissue ang puno ng kapitbahay n'yo,

Ikadena mo ang sarili mo,

Saka mo tahulan ang mga aso nyo,

Hangga't hindi pa huli ang lahat,

Subukan mo na lahat,

Magdala ka ng isang lata ng nido sa factory ng lactum,

Magbenta ka ng selecta sa harapan ng tindahan ng magnum,

Magpatugtog ka ng hard metal songs sa hatinggabi saka mo itodo ang volume,

Magtraffic enforcer ka saka mo sakyan lahat ng taxing kolorum.

Hangga't 'di pa huli ang lahat,

Idaan mo na sa kalokohan ang lahat,

Parahin mo lahat ng jeep kahit 'di ka sasakay,

Labhan mong paulit-ulit ang damit mong matagal nang nakasampay,

Yung tito mong napapanot ay regaluhan mo ng suklay.

Hangga't di ka pa nakakatagpo ng katapat,

Gawin mo na ang lahat,

Gawin mong sawsawan yung banlawan ng sandok,

Uminom ka ng sleeping pills saka mo labanan ang iyong antok,

Unahan mo sa pagtilaok ang manok.

Hangga't ang tanghali ay nanatiling tapat,

Bumuo ka na pagbibidahan mong alamat,

Gawin mo na ang lahat,

Hangga't 'di pa huli ang lahat.

Magpaasa ka na, dahil kapag dumating na siya,

Ikaw naman ang aasa,

Ikaw naman ang mawawalan ng saya.

Hangga't bata ka pa,

Magpakasaya ka na,

Hangga't di pa dumadating yung taong sasaktan ka,

Magliwaliw ka na

Unahan mo na yung tadhana,

Papatakin mo na ang 'yong mga luha,

Ang sarili mo ay saktan mo na ng kusa,

Hanggang ang sakit ay humupa.

Dahil kapag dumating na siya,

Babalutin ka ng poot,

Mananaig ang takot,

Maghahari ang lungkot.

Maiisipan mong huwag nalang magmahal muli,

Kaya namnamin mo na ang bawat sandali,

Kalimutan mo yung mga hindi nanatili,

Magpasalamat ka sa mga taong hindi ka pinili.

Hangga't nananaig pa ang saya sa buhay mo,

Hangga't di pa sa kanya umiikot ang mundo mo,

Sanayin mo na ang sarili mo,

Bago pa dumating ang taong mananakit sa'yo. BAGO DUMATING ANG TAONG MANANAKIT SA'YO"

POETRY THAT STAYSStories to obsess over. Discover now