Prologue

539 13 0
                                    

---

Siya si Luke Valdez,

Gwapo
Matalino
Mabait
Gentleman
Mayaman
At higit sa lahat, basketball player.

Sino ba naman ang hindi mabibihag sa katulad niya? Halos lahat ng hinahanap ng karamihan ay nasa kanya.

Kung sa iba, nagustohan siya dahil gwapo siya o magaling siya magbasketball pero iba yung saakin... dahil yung saakin, dahil sa kabaitan niya kaya ako nahulog.

---

Nagsimula ang lahat nang minsan ay pauwi ako. Umuulan nun at sakto namang wala akong dalang payong dahil naiwan ko sa loob ng locker ko. Bukod sa nakauwi na ang bestfriend kong si Ally ay wala rin akong ibang kaibigan na makakasabay na may dalang payong. Hindi naman ako mayaman na may sundo dahil isang hamak na mahirap lang kami.

"Lord, bakit ngayon pa? Ang malas ko talaga." sabi ko sa sarili ko habang nakatingala sa malakas na buhos ng ulan. Wala na masyadong tao sa paligid dahil malapit na ring dumilim ang paligid. Buti nalang at nakatakbo ako dito bago pa bumuhos ang ulan.

Napatingin ako sa suot kong relo at 6:25 na pala! Patay ako kay Mama nito. Ang malas talaga ng araw na 'to.

"Bahala na." akma sana akong tatakbo nang may humila saakin pabalik sa kinatatayuan ko. Takang nilingon ko ito at kusang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko ang lalakeng may dalang payong, nakasuot ng itim na jacket at nakangiting nakatingin saakin -- si Luke Valdez.

"Malakas ang ulan, paniguradong magkakasakit ka kung itutuloy mo ang binabalak mo. Sa'yo muna itong payong ko." inabot niya sakin ang payong niya pero hindi ko kinuha. Nananatiling nakatingin ako sa gwapong mukha niya. Natawa siya ng mahina at kinuha ang kamay ko at ipinahawak sakin ang payong. Magsasalita sana ako nang bigla siyang tumakbo.

"T-teka!" sigaw ko pero huli na. Nakatakbo na siya at kitang kita ko kung paano siya nabasa ng ulan. Napatingin ako sa kamay ko at sa hawak kong payong. Wala sa sariling napangiti ako at napahawak sa bandang dibdib ko. A-ang lakas ng tibok ng puso ko!

"Luke Valdez, ang bait mo talaga."

Hindi malas ang araw na 'to, dahil isa itong blessing.

Simula nang araw na 'yun, nakikita ko nalang ang sarili kong pinapanood siya habang nagp-practice ng basketball o di kaya kapag naglalakad siya. Feeling ko buo na ang araw ko makita lang siya at feeling ko hindi mabubuo ang araw ko kapag hindi siya nakikita kaya nga ginagawa ko ang lahat makita lang siya kahit patago lang.

Akala ko paghanga lang ang nararamdaman ko para sakanya pero mali ako. Hindi ko alam na unti-unti na pala akong nahuhulog sakanya. Yes, I love him. I really love him. Siya ang first love ko, ang kauna-unahang lalakeng bumihag sa puso ko. At masakit, dahil kung kailan tumibok 'tong pasaway kong puso, doon pa sa taong imposibleng mapasaakin. Matagal ko nang tinanggap na hanggang tingin lang ako sakanya, na okay lang saakin kahit hindi niya ako mapansin-- pero masakit din pala.

Subaybayan ninyo ang kwento ko. Kung paano magmahal ang isang Abby Kim Mendoza. At kung paano niya tiniis na magmahal ng patago.

***

END OF PROLOGOE.

Enjoy reading guys ^______^

#LovelyPark

My Ideal BoyfriendWhere stories live. Discover now