MIB - 33
"Abby's POV"
Hindi mawala sa mukha ko ang ngiti habang pinagmamasdan sina Ash at Ally na magkatabing nakaupo. Nakasandal ang ulo ni Ally sa balikat ni Ash at nakayakap naman sa bewang niya si Ash. Nakatitig sila sa isa't isa na parang sila lang ang tao sa mundo.
"Guys, you look so cute together!" Bati ko sa kanila at tuluyang lumapit.
"Oh, you're here." Gulat na sabi ni Ally at umayos ng upo.
Pareho silang umiwas ng tingin pero hindi nakaligtas sa akin ang ngiti sa kanilang labi. Sus! If I know, kinilig sila sa sinabi ko hehe.
"Where's Drake?" Tanong nila.
"May inasikaso lang sa booth pero susunod lang daw siya." Sagot ko at umupo sa harapan nila. Ilang sandali pa ay dumating si Drake na agad umupo sa tabi ko.
"Hurry up and order." Utos sa kanya ni Ally.
"Your blackmail is now over, couz. Abby already know my feelings for her so wala ng epekto yang pam-blackmail mo." Nakangising sagot ni Drake. Nagtatakang nagkatinginan naman kami ni Ash.
"Bwesit ka! Wala kang utang na loob." Sigaw sa kanya ni Ally.
Tumawa lang si Drake at tumayo matapos akong tanungin kung ano ang gusto ko. Hinawakan ni Ally si Ash at sabay silang pumuntang counter. Naiwan tuloy akong mag isa. Sana man lang isinama nila ako, noh?
Bumalik na kami sa booth matapos kaming mag break. Pinalitan namin sina Mia na pagod na rin at sinabi ko sa kanila na mag break muna sila. Hindi bumalik si Ash sa booth nila dahil kaya naman daw yun ng mga kasama niya. Bakit hindi nalang niya sabihin na hindi niya kayang mahiwalay kay Ally kaya hindi siya bumalik doon. Hehe.
Tinignan ko ang phone ko kung anong oras na at nakita kong 12:30 na pala ng hapon. Napangiti ako nang maalala ko si Luke. Makikita at makakasama ko ulit siya mamaya. Can't wait!
"Uhm guys, kayo muna ang bahala dito ah?" Paalam ko kina Loisa na naiwan dito sa entrance ng booth. Habang sina Ally at Ash ay nandoon na sa loob at tinatakot ang mga studyente. Lols hahaha! Oo, sumali rin si Ashley. Grabe talagang babaeng 'yun. Si Drake naman ay busy sa pag ikot sa buong campus, naghahanap yata ng chicks. Well, sana nga makahanap na siya.
"Yes, Ms. president." Ngumiti ng nakakaloko si Loisa at sumaludo pa. Natawa nalang ako at nakipag apir sa kanya.
---
Tumambay muna ako sa isang bench at buti nalang walang nasulat na 'Bawal maupo dito' kundi makukulong na naman ako, okay sana kung si Luke na naman ang makakasama ko. Kahit ilang araw pa kami doon. Hehe landi ko.
"Hi, Abby!"
"Anong ginagawa mo dito, Abby?"
"Abby, ice cream gusto mo?"
Nginingitian ko lang ang mga studyenteng napapadaan sa akin at binabati ako. Hayst, hindi pa rin pala nila nakakalimutan yung pagkanta namin ni Luke 2 days ago. Sino ba niloloko ko? Paano ba nila makakalimutan yun? Impossible.
"Kim!"
*Dug* *Dug* *Dug* *Dug*
Dear heart; Please, kumalma ka muna okay? Here we go again.
Nilingon ko si Luke na patakbong lumalapit sa akin. Natulala nalang ako habang hindi inaalis sa kanya ang tingin ko. Bakit ba napaka gwapo ng nilalang na 'to? Pawisan man, tumatakbo man, nakasimangot man... palagi pa ring gwapo.
Kaya kita mas lalong minamahal eh.
"Kanina ka pa ba?" Tanong niya nang tuluyan siyang makalapit sa akin. Kinalma ko muna ang sarili ko at tumikhim bago sumagot.
YOU ARE READING
My Ideal Boyfriend
Teen Fiction--- Ideal Boyfriend ko? Si Luke Valdez --- Basketball player, Mabait, Gentleman, Matalino, Mayaman at Gwapo. --- "Para siyang bituin, pwede mong pagmasdan pero hindi mo kayang abutin." -Abby.