MIB - 16
*Abby*
"Beyb, don't do that again."
Napatingin ako kay Drake nang magsalita siya. Nakapangalumbaba kasi ako sa arm chair ng upuan ko at sa harap ko ay si Drake.
"Do what?" Takang tanong ko.
"Don't pout, baka hindi ako makapag pigil at mahalikan kita."
Sinamaan ko siya ng tingin pero tumawa lang siya at nag peace sign. Itong mukong na 'to, ganito na siya these past few days. Ewan ko kung naka drugs ba o sadyang baliw. Ako nalang lagi ang pinagtitripan.
Magsasalita sana ako nang dumating ang teacher namin. Napatingin ako sa katabi kong upuan dahil hindi pa dumadating si Ally. Where's that girl?
Hindi na ako umangal nang doon umupo si Drake. Ilang sandali pa ay tumunog na ang bell kaya lumabas na ang teacher namin."Psst, narinig niyo ang boses diba?"
"Yeah, ang ganda ng boses niya."
"I want to know who's that girl."
"I think familiar sakin ang boses na yun."
"Really?"
"Yeah, parang katulad noong idol ko na kumakanta sa isang bar."
Hindi ako umimik. Pinakinggan ko nalang ang mga sinasabi nila. Hindi ako natutuwa honestly. Siguro kung ako pa yung dati, baka nakangiti na ako at natutuwa sa mga naririnig. Pero iba na eh. Hindi na ako yung dating Abby na mahilig sa gitara at pagkanta.
"I love her voice." Sabi ng isa sa mga kaklase ko at sinang-ayunan pa ng iba.
Me too, I loved my voice. I missed my voice. I miss the old me. Pero wala eh, nagbago na. May mga bagay talaga sa mundo na nagbabago at mahirap yun ibalik.
"Ang lalim ng iniisip mo, Babe."
"Tigilan muko Drake."
Kahit papaano, napangiti ako dahil kay Drake. Napabuntong hininga nalang ako at tumayo. Kinuha ko ang bag ko at nilagay sa likod. Napatingin ako kay Drake nang kunin niya rin ang bag niya at isinabit sa kaliwang braso.
"Dito ka lang." Sabi ko.
"No. Sasama ako." Parang batang sabi niya.
"Gusto kong mapag isa. Please."
Halatang nabigla siya sa sinabi ko. Ewan ko kung imagination ko lang ba yun o totoo ang nakita ko, nakita kong lumungkot ang mga mata niyang laging nakangiti.
"Sorry, you can go."
Pinanood ko siyang naglakad sa dati niyang pwesto at umupo. Nilabas niya ang phone niya at hindi na ako binalingan ng tingin.
Okay, what was that?
---
Napapikit ako nang maramdaman ko ang malakas na hangin na humampas sa mukha ko. Nandito ako ngayon sa favorite place ko, sa rooftop. As usual, mag isa lang ako dito.
Lumapit ako sa railings at pinanood ang mga nagkakalat na mga studyente. Malapit na pala ang uwian. Napangiti ako nang matanaw ko sina Ash at Ally na naglalakad at nagtatawanan. I'm so happy na okay na sila.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng skirt ko at pinaandar. Tumambad saakin ang nakangiting mukha ni Luke. Napangiti rin tuloy ako. Hindi ko siya nakita ngayong araw and I miss him, so much. Feeling ko isang taon ko siyang hindi nakita. Ganun naman talaga kapag mahal mo ang isang tao diba? Yung kapag hindi mo siya nakikita, feeling mo hindi buo ang araw mo. Katulad ko, hindi buo ang araw ko dahil hindi ko siya nakita.
YOU ARE READING
My Ideal Boyfriend
Teen Fiction--- Ideal Boyfriend ko? Si Luke Valdez --- Basketball player, Mabait, Gentleman, Matalino, Mayaman at Gwapo. --- "Para siyang bituin, pwede mong pagmasdan pero hindi mo kayang abutin." -Abby.