Chapter 41

95 3 0
                                    

MIB - 41

"Allison's POV"

Habang naka indian-sit sa buhangin at may hawak na isang baso ng lemon juice, pinanood ko sina Abby at Ash na nagsasabuyan ng tubig. Ilang sandali pa ay dumating si Drake at nakisali sa kanila. Sa kabilang banda naman ay nakaupo sina Luke at Sam habang nagkukwentuhan at minsa'y pinapanood rin ang tatlo.

Napangiti ako habang pinagmamasdan ang tumatawang si Ashley. Kasalukuyan siyang hinahabol ni Abby at Drake. Ilang sandali pa ay si Abby naman ang hinabol nila at sinasabuyan ng tubig. Nawala ang ngiti ko nang dumako ang tingin ko kay Abby. Habang pinagmamasdan ko ang nakangiti niyang mukha, unti-unti kong nararamdaman ang pagbigat ng dibdib ko.

Ganiyan pa rin kaya ang ngiti niya kapag nalaman na niya ang katotohanan?

Napabuntong hininga ako nang bigla kong maalala ang naging usapan namin noon ni Tito.

(Flashbacks)

Huminga ako ng malalim bago binuksan ang pintuan ng office ni Tito. Nakita ko siyang nakatalikod mula sa akin at tinatanaw ang hardin mula sa malaking bintana dito sa office niya. Mukhang malalim ang iniisip niya dahil hindi niya ako napansin.

"Tito." Tawag ko dito. Lumingon siya sa akin at umupo sa swivel chair. Senenyasan niya akong umupo na agad ko namang sinunod. Gusto ko sanang itanong kung bakit pinapunta niya ako dito pero ayaw ko naman siyang pangunahan.

Tinignan ko si Tito nang hindi siya magsalita. Seryoso ang mukha niya na minsan lang naming makita. I mean, seryoso talaga si Tito pero kapag trabaho na ang pinag-uusapan pero kapag ibang tao na ang kaharap, napakabait niya at palangiti. Ibang-iba sa nakikita ko ngayon.

"Allison." Tawag niya sa akin sa loob ng limang minutong pananahimik.

"Yes Tito?" Agad kong sagot.

"Gaano mo katagal kakilala si Abby?"

Abby? Abby Kim Mendoza?

"We were bestfriends for almost 1 year na po, Tito." Sagot ko kahit hindi ako sigurado kung si Bes ba ang tinutukoy niya.

"What about her mother?" Muling tanong niya sa akin.

Mas lalo akong naguluhan. Bakit interesado siya kay Abby at kay Tita?

"Tito, may problema po ba sa kaibigan ko?"

Nakita kong napahilamos siya sa mukha bago tumingin sa akin. Ngayon ko lang napansing mukhang pagod na pagod si Tito at walang tulog.

"Allison..." Tumingin si Tito sa mga mata ko at nakita kong may namumuong luha sa mga mata niya.

"Abby is my daughter."

(End of flashbacks)

Ininom ko ang natitirang laman ng baso at ibinaba ito. Tumayo ako at pumasok sa rest house nang hindi nagpapaalam. Agad akong humiga sa kama at niyakap ang unan. Matagal akong nakatitig sa kisame hanggang sa tumunog ang phone ko. Inabot ko ito at tinignan kung sino ang tumatawag.

Tita Diana is calling...

Bumuntong hininga ako bago sinagot. "Hello, Tita?"

"Allison, kamusta na kayo dyan?"

Tumayo ako mula sa pagkakahiga at dumungaw sa bintana. Pinagmasdan ko sina Abby na patuloy pa ring naghahabulan.

"Okay naman po, how about you? Okay ka lang ba dyan?" Tanong ko.

My Ideal BoyfriendWhere stories live. Discover now