Chapter 6

152 6 0
                                    

MIB - 6

Happy new year guys! ^_____^ Enjoy reading!

---

*Ally*

Napansin ko ang pagiging matamlay ni Abby ngayon. Simula nang umalis siya kanina nang nasa cafeteria kami, ganito na siya. Matamlay.

"Pinagalitan ka ba ni Sir Thomas?" tanong ko nang hindi na ako makatiis. Naglalakad kami ngayon papuntang kotse. Uwian na at nauna na si Drake at si Ashley naman ay hindi ko alam at wala akong pakialam.

"Hindi." maikling sagot niya. Mas lalo akong nagtaka. Bihira lang maging ganito si Abby. Minsan ay kapag wala siya sa mood, pero bihira lang din siyang mawala sa mood. Imbis na kulitin siya mas mabuti nalang tumahimik.

Baka wala lang siya sa mood.

Dumating kami sa bahay nila na wala pa rin siyang imik. I can't take this. Pinigilan ko siya sa braso nang akma siyang baba. "May problema ka ba? May nangyari ba nang umalis ka kanina?" puno ng pagalalang tanong ko.

Hindi ako sanay na ganito si Abby.

"Pagod lang ako, Ally." pinanood ko siyang bumaba ng kotse. Dire-diretso lang siyang pumasok sa loob ng bahay nila. "Nag away ba kayo ng kaibigan mo, Allison?" rinig kong tanong ni Manong.

"Hindi po manong, baka pagod lang siya. Tara na po." muli kong sinulyapan ang bahay nila.

---

*Abby*

Sinilip ko ang kotse nila Ally at napabuntong hininga nalang ako nang makita kong naka alis na sila.

"Ma?"

Napakatahimik ng bahay. Pumunta ako ng kusina baka sakaling nandun si Mama pero wala. Sunod akong pumasok sa kwarto niya. Nakahinga ako ng malalim nang makita ko siyang nakahiga sa kama at natutulog. Agad kong kinuha ang isang piraso ng papel na nakita ko sa tabi ng kama niya.

Abby anak, may niluto akong pagkain at nandun lang sa kusina. Kumain ka na pagkatapos mong basahin 'to. Pagod si Mama kaya nauna na akong matulog. I love you anak! :))

Napangiti ako pagkatapos kong basahin ang sulat. Nilapitan ko si Mama at hinalikan sa noo pagkatapos ay lumabas na ng kwarto.

Naalala ko si Ally. Paniguradong nagaalala na yun sa inasal ko kanina. Mamaya magtampo pa yun sakin.

Kinuha ko ang cellphone ko na bihira ko lang gamitin at nag log in sa facebook. Saktong nakita ko siyang online.

Me: Uy bes!

Ilang sandali pa ay nagreply siya.

Allison Hernandez: Oh?

Napatawa ako. Paniguradong nakataas na naman ang kilay nito. Feeling ko nga nakikita ko ang mukha niya eh.

Me: Sorry kanina ah? Pagod lang talaga ako promise!

Allieon Hernandez: Talaga? Ano ba kasing nangayri?

Me: Wala talaga promise, mamatay ka man.

Allison Hernandez: Huwaw! Ako pa talaga mamamatay!

Me: BWAHAHAHA! Sige na bye na, goodnight bes labyuuu!

Allison Hernandez: Geh!

Pinatay ko na ang cellphone ko. Atleast okay na kami.

Nagpalit muna ako ng pambahay pagkatapos ay dumiretso ako sa kusina para kumain. Pagkatapos kong kumain, hinugasan ko ang pinagkainan ko at nagpasyang pumunta sa rooftop.

My Ideal BoyfriendWhere stories live. Discover now