Chapter 11

96 3 0
                                    

MIB - 11

*Abby*

Maaga kaming dumating nina Drake at Ally sa school. At sempre, mawawala pa ba ang mga fans nila?

"Goodmorning Allison."

"Goodmorning Drake, want some coffee?"

"Ang ganda mo talaga Ally!"

"Mas lalong gumwapo si Drake!"

"Gosh! Is he even real?"

"Allison is so gorgeous."

I know, sila lang namang dalawa ang binabati at pinapansin nila. At natutuwa ako dahil doon. You know, I hate attention.

"Hi Abby."

Bigla akong napatigil or should I say, napatigil kaming lahat nang humarang saamin ang isang babae. Nakilala ko siya, siya yung kaklase ni Luke na pinuntahan ako sa room namin para papuntahin kay Teacher Emma.

"Hi." nakangiting bati ko. Saglit niya akong sinulyapan pagkatapos ay dali daling naglakad palayo. Hinatid ko siya ng tingin at kahit nagugulohan, nagpatuloy nalang kami sa paglalakad.

Weird.

---

"Gosh! Nandun na daw si Luke. Let's go girls!"

"I need to see my papa Luke!"

"Tara na girls!"

"Wait! Wait for me mga baklush!"

Tinignan ko ang mga grupo ng mga kababaihan at binabae na nagmamadaling lumabas ng cafeteria. Yung iba, halos itulak yung kasama para lang mauna. Napailing nalang ako habang natatawa.

Hindi ko na kailangan pang magmadali para makita si Luke. Well, nagkita na kami kanina pa. Pinagusapan kasi namin yung activity namin ngayon. Yun lang *sigh*

Atleast, buo na yung 24 hours ko.

"Tara na." nauna akong tumayo. Tumayo na rin si Drake pero nanatiling nakaupo ang dalawang kanina pa tahimik. Si Ally at Ashley.

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa dalawang 'to. Simula nang pumasok kami sa cafeteria, pareho silang tahimik. Kami nga lang ni Drake yung nagsasalita na kadalasan ay sila ang gumagawa.

"Hoy." tawag ko sakanila. Mukhang napansin naman nilang nakatayo na kami kaya sabay silang napatayo. Seryoso, anyari sa dalawang 'to?

"Nag away ba kayo?" tanong ko. Narinig kong tumawa si Drake kaya sa kanya naman ako napatingin. "Kailan ba naging ayos yang dalawang yan?" natatawang sabi nito. Natawa rin tuloy ako. Oo nga naman.

"Tara na nga."

---

Halos nandito na ang lahat ng tatlong section nang makarating kami sa Hall. As usual, agad hinanap ng mga mata ko kung nasaan si Luke. At yun, nakita ko siyang inaayos ulit yung mic.

"Pupunta na ako sa stage ah?" paalam ko sa mga kasama ko. Tumango lang sina Ash at Ally. Ewan ko sa dalawang 'to.

Aalis na sana ako nang maramdaman kong may humawak sa kamay ko. Napatingin ako kay Drake. "Bakit?" tanong ko.

"Goodluck. Wag kang masyadong ngingiti, baka mainlove ako." sabi nito sabay ngisi saakin. "Baliw." binitawan na niya ang kamay ko kaya pumanhik na ako sa stage at tumabi kay Luke.

Hindi nakaligtas sa paningin ako ang mga matang masasamang nakatingin saakin. Kulang nalang patayin nila ako eh. Siguro, nakita nila yung ginawa ni Drake. Hayyyy.

My Ideal BoyfriendWhere stories live. Discover now