Chapter 21

117 4 0
                                    

MIB - 21

*Ashley*

"Guys, thank you talaga ah?"

Natawa lang kami sa sinabi ni Abby. Nandito pa rin kami sa student's plaza at pinag uusapan kung paano namin mahuhuli ang may kagagawan ng news na yun about Ally. Kapag nahuli namin siya, patay siya sa akin.

"Abby, you don't have to thank us. You know that I'll do everything just for you." Seryosong sabi ni Drake. Sus, nagpapa pogi points na naman kay Abby.

"Thank you Drake." Ngumiti si Abby. Nakita kong napangiti rin si Drake. Pinagmasdan ko sila, bagay sila.

"Ehem!" Tumikhim ako kaya napatingin sila sa akin. "I have to go. May pupuntahan pa ako."

"Saan? Samahan na kita."

"No, dito ka lang. Mauna na ako, bye!" Kumaway lang ako at umalis na.

Natanaw ko ang classroom namin pero imbis na dumiretso, lumiko ako papuntang library. Alam kong nandoon siya. And I'm right, nadatnan ko siyang nasa sulok ng library. Nakasandal sa usual spot namin. Hindi agad ako lumapit, punagmasdan ko muna siya. Hindi ko alam kung alam ba niyang nakatayo ako malapit lang sa kanya o masyadong malalim ang iniisip niya kaya hindi niya ako napansin. Napangiti ako. God! I miss her.

"Hey,"

Umupo ako sa tabi niya. Napatingin siya sa akin at parang nagulat nang bigla akong dumating. So I was right, malalim nga ang iniisip niya kaya hindi niya agad ako napansin.

"Ashley," Bulalas niya. Imagination ko lang ba yun o parang nailang siya sa akin? Pero bakit naman siya maiilang sa akin diba? Baka naman hindi.

"Are you okay?" Tanong ko.

"No."

Natahimik kami. Pareho kaming nakatingin sa harapan. Napansin ko ang librong nakalapag sa hita niya. Nakabaliktad yun at sa tabi ng hita niya ay isang bag. Hindi siya pumasok, same with us.

"Do you trust her?" I asked.

"Who?"

"Abby."

"I always trust her." Pumiyok ang boses niya. "I'm s-sorry..."

Hindi ako nagsalita. Diretso pa rin akong nakatingin sa harapan. Hinihintay na magsalita ulit siya.

"N-nadala lang ako ng emosyon ko. I even s-slapped her." Suminghap siya. She's crying.

"I know, hindi niya kayang gawin yun. But I was so stupid! Hindi ko man lang siya hinayaang magsalita. And worst, naniwala akong siya nga ang gumawa nun."

Tama nga ako. Alam kong katulad namin, hindi rin naniniwala si Ally na si Abby nga ang gumawa ng bagay na yun.

"How did you know?" Tanong ko.

"I knew from the start. At ngayon ko lang napagtanong mali ako, sobrang mali ako."

Suminghot siya. She's still crying. I want to hug her pero hindi ko ginawa.

"I wanted to say sorry. Pero everytime na nakikita ko siya, naalala ko yung pag sampal ko sa kanya. Sinaktan ko siya, physically and emotionally."

Pinunasan niya ang basa niyang pisngi.

"K-kaninang umaga, hinarangan niya ako para kausapin pero hindi ko siya pinansin. I know, inaakala niyang galit ako sa kanya pero ang hindi niya alam, sa sarili ko ako galit."

This time, humarap na ako sa kanya... with smile on my face. Masaya ako, masaya akong magiging okay na ang lahat.

"Why are you smiling--"

My Ideal BoyfriendWhere stories live. Discover now