MIB - 4
*Abby*
Tahimik lang si Ally habang pauwi kami sa bahay. Nanibago ako dahil lagi naman siyang maingay at madalas ay kinukulit ako. Kanina nang madatnan ko siya parang wala siya sa mood at parang inis na ewan? Ewan, nababaliw na yata bestfriend ko. Imbis na kulitin ko siya, tumahimik nalang din ako. Maya maya pa ay nakarating na kami sa bahay na wala paring imik si Ally. Hindi na ako nakatiis at kinalabit ko siya.
"Bes, anyari sayo?" worried na tanong ko. Minsan lang naman 'tong mawala sa mood eh. Oo nga't masungit siya pero iba pa rin kapag tumahimik siya. "Wala, I'm just tired. Oh, nandito na pala tayo. Bye Abby." kiniss niya ako sa pisngi kaya kahit nagugulohan, bumaba na lang ako. Kumaway ako sa papalayong kotse bago lumasok sa bahay. Nadatnan kong nagluluto si Mama.
"Hi Ma!" hyper na sabi ko at hinalikan siya sa pisngi. "Oh nandito kana pala tamang tama luto na 'tong paborito mong adobo. Mag bihis kana para sabay tayong kumain." sabi ni Mama habang abala pa rin sa pagluluto. "Wow my favorite!" tuwang tuwa sabi ko sabay takbo sa kwarto ko para magbihis. Paborito ko talaga ang adobo.
Nang tapos na akong magbihis bumaba na ako. Amoy na amoy ko ang mabangong amoy ng adobo. Nagugutom na tuloy ako.
"Tikman mo anak," sabi ni Mama sabay lapit sakin ng kutsara na may laman na sabaw. Hinipan ko muna ito bago tinikam. Nag thumbs-up ako kay Mama para sabihing ang saraaaap ng luto niya. "Lahat naman ng pagkain masarap sayo eh." biro niya sakin. "Eh hindi kaya!" nagmamaktol sa sabi ko. "Ihanda mo na ang mga plato." natatawang sabi niya. Naghanda na akong mga plato at baso.
"Kainan naaaa!" sabi ko sabay kuha ng adobo. Natatawang pinanood ako ni Mama. Napaka swerte ko dahil naging magulang ko ang katulad niya. Kahit wala akong tatay, hindi pa rin siya nagkulang. Siya ang tumatayong Nanay, Tatay at kapatid ko. Katulad ngayon, hindi na siya ang Nanay ko kundi siya na ang kapatid ko. Hayyys sobrang thankful ako at binigyan ako ng Diyos ng Nanay na tulad niya.
"Magpahinga ka na anak, ako na ang bahala dito." sabi ni Mama nang matapos namin ubusin yung adobo. " Ako na po Mama, alam kong pagod kayo kaya pahinga na po kayo." nakangiting sabi ko. "Sus, ayaw mo na naman akong napapagod." natatawang hirit ni Mama bago umakyat sa kwarto niya.
Tumayo na ako at sinumulang hugasan ang pinagkainan namin. Nang matapos ako ay umakyat na ako sa kwarto. Saglit akong nag review dahil may quiz kami bukas. Pagkatapos ay humiga na ako sa kama.
Bumangon ako mula sa pagkakahiga nang maalala ko ang Diary ko. Kinuha ko ito mula sa loob ng cabinet. Matagal ko na palang hindi nasusulatan 'to. Kumuha ako ng ballpen at binuklat ang Diary ko. Simpleng Diary lang siya, makapal na notebook lang at nilagyan ko ng mga iba't ibang design para magmukhang maganda at elegant.
Una kong nakita ang sinulat ko noong una ko siyang nakilala. Si Luke. Actually, karamihan ay tungkol sakanya. Kung gaano kasaya ang araw ko nang mangyari ang pangayayaring yun-- nung pinahiram niya ako ng payong. Siguro para sa iba simpleng pangyayari lang yun pero para saakin, napakahalaga nun. Unang beses na may lalakeng gumawa sakin nun. Napaka gentleman niya talaga kahit kailan.
Napangiti ako nang sinimulan kong basahin ang unang sinulat ko -- 2 months ago.
Dear dairy,
Alam mo bang napakasaya ko ngayon araw? May nakilala kasi akong napakabait na lalake. Pinahiram niya ako ng payong niya. Nakakakilig diba, diary? Kilala ko siya dahil lagi siyang pinaguusapan sa school pero hindi ko akalaing ganun pala siya kabait. First time na may gumawa nun sakin diary kaya hindi ko mapigilan ang saya at kilig ko hahaha! ^______^
YOU ARE READING
My Ideal Boyfriend
Teen Fiction--- Ideal Boyfriend ko? Si Luke Valdez --- Basketball player, Mabait, Gentleman, Matalino, Mayaman at Gwapo. --- "Para siyang bituin, pwede mong pagmasdan pero hindi mo kayang abutin." -Abby.