MIB - 44
"Abby's POV"
Naunang bumalik sina Papa at Mama sa manila. Naiwan naman kami para mag mag impake at susunod lang kami. Nang matapos kong ayusin lahat ng gamit ko ay bumaba ako sa kusina dahil tiyak na nandoon sina Aling Lina at tama nga ako dahil nadatnan ko siyang nagwawalis doon.
"Aling Lina." Tawag ko sa kanya. Umupo ako sa table at kumuha ng apple saka kumagat. Ang sarap talaga ng mansanas.
"Oh Abby, iha. Gusto mo ba ng kape?"
Umiling ako. "Wag na po."
Pinanood ko siyang nagpatuloy sa pagwawalis. May katandaan na siya pero ang lakas-lakas pa rin niya.
"Aling Lina, may anak po ba kayo?" Hindi ko maiwasang itanong. Simula kasi noong unang araw namin dito ay silang dalawa lang ang nakikita ko. I wonder kung may anak sila at kung nasaan ito.
"May anak kami pero," Bumakas ang lungkot sa mga mata niya pero nandoon pa rin ang ngiti niya, isang malungkot na ngiti. "Nasa isang malayong-malayong lugar siya. Kahit papaano, panatag ang loob namin dahil alam naming masaya na siya kung nasaan man siya."
Alam ko na agad kung ano ang ibig-sabihin ni Aling Lina. Wala na ang kanilang anak. Nakakatuwa lang dahil kahit ganun ang pinagdaanan nila, nagagawa pa rin nilang ngumiti na parang walang mabigat na pagsubok na dumating sa buhay nila. Alam kong sobrang sakit mawalan ng anak, pero nakayanan nila ito.
May mga tao talaga na kahit gaano kahirap ang pinagdaanan nila, nagagawa pa rin nilang ngumiti. At isa lang ang masasabi ko sa mga ganung tao, I salute you.
"Sigurado po akong binabantayan niya kayo mula sa langit." Nakangiting sabi ko. Tumango-tango si Aling Lina at gumanti ng ngiti sa akin.
Tapos na kaming mag empake kaya lumabas na kami ng rest house dala ang mga gamit namin. Nakasunod sa amin ang mag-asawa at kahit hindi nila sabihin, alam kong malungkot sila dahil aalis na kami, katulad namin.
"Mamimiss namin kayong mga bata kayo, bumalik kayo ah?" Mangiyak-iyak na sabi ni Aling Lina. Binaba ko ang hawak kong bag at niyakap siya. Naramdaman kong niyakap niya rin ako pabalik, ng mahigpit. Sigurado akong naalala niya ang anak niya.
"Mamimiss rin po namin kayo Aling Lina, Mang Waldo." Tumingin ako kay Mang Waldo na nakangiti rin sa amin. "Mag-iingat po kayo dito ah? Wag po masyadong magpapagod."
Tumango sila. Dumating na ang sasakyan namin kaya nagpaalam na kami. Sa huling pagkakataon ay nilingon ko sila, kumaway ako nang makita kong kumakaway sila.
Mamimiss ko sila kahit sandali ko lang sila nakasama.
---
"Ma, sa bahay muna ako didiretso ah?" Sabi ko kay Mama sa phone. Narinig ko siya nagsalita, mukhang kausap niya si Papa. Ilang sandali pa ay sinagot niya ako.
"Sige, anak. May extra ka namang susi diba?"
"Opo, nasa bag ko."
"Sige, pupuntahan ka nalang namin ng Papa mo doon."
"Sige po, bye Ma. I love you." Nakangiting sabi ko. Natahimik sa kabilang linya kaya natawa ako ng mahina. "I love you rin po kay Papa, pakisabi."
"Ayun, napangiti ang Papa mo. I love you too rin daw." Narinig ko silang tumawa. "Bye na anak."
Binaba ko na ang tawag at nilagay sa bag yung phone ko. Doon ko lang napansin na nakatingin pala silang lahat sa akin. Si Drake na nagmamaneho ay nakatingin sa akin mula sa mirror, si Luke na nasa passenger seat ay nakalingon sa akin, sina Ally at Ash na pinapagitnaan ako ay parehong nakatingin sa akin at si Sam na nasa likod ay nakadungaw rin ang ulo sa akin. Okay, ang we-weird nila dahil bukod sa nakatingin silang lahat sa akin, nakangiti pa silang lahat.
YOU ARE READING
My Ideal Boyfriend
Teen Fiction--- Ideal Boyfriend ko? Si Luke Valdez --- Basketball player, Mabait, Gentleman, Matalino, Mayaman at Gwapo. --- "Para siyang bituin, pwede mong pagmasdan pero hindi mo kayang abutin." -Abby.