MIB - 34
"Abby's POV"
Last day of Intramurals.
Nakakapaghinayang lang dahil ang bilis ng panahon. Pero alam kong excited na ang lahat para sa party mamayang gabi, kasama na kami. But for now, kailangan muna namin tapusin ang responsibility sa booth namin. Ini-enjoy rin namin dahil ito na ang last day nitong booth kaya okay lang sa amin kung natatapakan na kami o natutulak ng kung sino-sino.
Katulad ngayon...
"Boooooo!"
"Ahhhhhh! Get away you freaking monster!"
Napaupo ako sa sahig nang itulak ako ng isa sa mga babaeng ginulat ko at tumakbo sila palayo. Natatawa akong tumayo at pinagpagan ang pwet ko.
Hindi ko itatanggi na nag eenjoy ako sa ginagawa ko. Kahit palagi akong naitutulak at minsan ay nahahampas pa, okay lang as long as nag eenjoy ako--kami. Alam ko namang lahat kami nag eenjoy dito pati na rin itong mga pumapasok dito.
Lagpas ala-una na ng hapon at tuloy pa rin ang mga pumapasok. Lahat kami pagod na. Sinabi sakin nina Mia na papalitan nila ako pero hindi ako pumayag. Tama na yung pahinga ko kahapon. Ang sakit na rin ng kaliwang braso ko dahil dito ako madalas nahahampas. Mabuti nalang at hindi nila naisipang hilain at sabunutan ang buhok ko kundi hindi ko na alam ang gagawin ko, hahaha! Lols.
Biglang bumukas ang ilaw at pumasok sina Mia at ang iba pa na naka assign sa labas ng booth. Pare-pareho silang mukhang haggard at pawisan. Actually, lahat pala kami. Mabuti nalang at dumating sina Anton na may dala-dalang mga mineral water at pagkain.
"Sakto! Gutom na ako." Sabi ni Mia at naunang kumuha ng mineral water at sandwich pero pinigilan siya ni Anton. Pinanood namin siyang kumuha ng sandwich at isinubo kay Mia.
"Ayiieee!"
Napuno na naman ng hiyawan ang bawat sulok ng classroom. Hindi talaga nabibigo ang dalawang 'to na pasayahin kami. Walang duda, bagay na bagay talaga sila. Kailan kaya magkaka-aminan ang dalawang 'to? Eh halata namang may gusto sila sa isa't isa eh. Sus!
Nagsimula na rin kaming kumain. Katabi ko sina Drake at Ally. Wala si Ash dahil tumutulong rin siya sa booth nila pero alam ko pupunta rin yun dito.
"Hello? Where are you?"
Bigla akong napatingin kay Ally na may kausap pala sa phone niya. Nandoon na naman ang matamis niyang ngiti kaya alam kong si Ash yun.
"Punta ka dito--or ako nalang ang pupunta dyan? Okay sige, bilisan mo ah? Bye--I love you too!"
Tinago niya ang phone niya at uminom ng coke. Hindi mawala sa labi niya ang matamis na ngiti. Namumula rin ang mapuputi niyang pisngi at kagat kagat niya ang ibabang labi niya. Inshort, kinikilig siya. Ganito pala magmahal ang isang Allison Hernandez? Lols!
"Excuse me?"
Napatigil kaming lahat sa pagtatawanan at sabay sabay na napalingon sa nagsalita. Nakatayo sa pintuan ang isang lalaki at nakatingin sa amin.
"Abby Mendoza?" Tawag niya sa pangalan ko.
"Bakit?"
Tumayo ako at nilapitan siya. Mukhang may sasabihin yata eh. Nakatingin sa akin sina Drake at ang iba, mukhang hinihintay rin kung ano ang pakay nito.
"Pinapatawag ka sa Principal office."
Principal office? Bakit kaya?
"Sige, salamat." Sabi ko at nginitian yung lalaki. Umalis na siya kaya muli akong bumalik sa mga kasama ko.
YOU ARE READING
My Ideal Boyfriend
Teen Fiction--- Ideal Boyfriend ko? Si Luke Valdez --- Basketball player, Mabait, Gentleman, Matalino, Mayaman at Gwapo. --- "Para siyang bituin, pwede mong pagmasdan pero hindi mo kayang abutin." -Abby.