Chapter 36

107 3 0
                                    

MIB - 36

"Abby's POV"

Naalimpungatan ako sa tunog ng cellphone ko. Sinubukan kong idilat ang mga mata ko kahit masakit at kinapa ang phone sa ilalim ng unan. Hindi ko na tinignan ang caller at basta nalang yun sinagot.

"Hello?" Walang gana kong bati.

"Abbyyyyy!"

Boses ng dalawang babae. Sigurado akong ang dalawang love birds. Sino pa? Edi sina Ally at Ash.

"Bakit kayo napatawag? Ang aga pa eh." Reklamo ko.

"Get up already. In 30 minutes pupunta kami dyan. Bye!"

"Huh? Teka--"

Binaba na nila ang tawag. Napahilamos nalang ako sa mukha ko at nagpagulong-gulong sa kama. Hayst! Inaantok pa ako eh! Tumingin ako sa phone ko at 7:30 na pala ng umaga. Masyado lang pala akong napuyat kagabi.

Wala na akong nagawa kundi bumangon na. Naghilamos muna ako bago bumaba. Nadatnan ko si Mama na gumagawa ng breakfast. Humalik muna ako sa pisngi niya bago naupo sa upuan.

"Nga pala Anak, tumawag sa akin kanina si Allison. Pinagpaalam ka niya sa akin, may pupuntahan daw kayo eh."

"Po? May pupuntahan kami?"

"Oo daw. Okay lang naman sa akin dahil bakasyon niyo na naman."

Sa bagay, wala na kaming pasok ngayon. Pero saan naman kaya kami pupunta?

"Titaaaaa!"

Umalingawngaw ang boses ng isang babae at dire-diretsong pumasok sa bahay namin. Sa totoo lang, naninibago ako sa bestfriend kong 'to. Simula nang maging sila ni Ash, naging hyper na siya at palatawa. Lagi rin siyang nakangiti at minsan nalang nagsusungit. Iba talaga ang epekto sa kanya ni Ash.

Lumapit siya kay Mama at humalik sa pisngi nito.

"Hindi ka manlang ba kumatok?" Tanong ko sa kanya.

"Uso pa ba yun?"

Napailing nalang ako. Umupo siya sa tabi ko at kumuha ng pandesal.

"Ikaw lang mag isa? Nasaan sina Ash?" Tanong ko at saktong pumasok si Ash kasama si Drake.

"Good morning po Tita!" Bati nila kay Mama at nag mano sa kanya. Kilala na ni Mama si Ashley dahil minsan na siyang nakapunta dito. Pero hindi pa alam ni Mama ang tungkol sa kanila ni Ally.

"Maupo muna kayo at ipaghahanda ko kayo ng kape." Sabi ni Mama.

"No need Tita, tapos na po kami kanina sa bahay." Sagot ni Drake. Iniwan muna kami ni Mama at nagpunta sa maliit na garden namin sa likod ng bahay.

Naupo rin ang dalawa at nag kwentuhan kami tungkol sa mga nangyari kagabi. Kung gaano kasaya ang party at kung gaano sila kapagod nang maka-uwi sila.

"Nga pala, may pupuntahan daw tayo?" Tanong ko. Sabay-sabay naman silang napatingin sa akin at parang natauhan dahil sa sinabi ko.

"Ah! Pack your things. Bilis!"

"Huh?" Takang tanong ko. "Pinapa-alis niyo ba ako sa bahay?"

"Lols!"

"Hahaha!"

"Mag empake ka na nga lang!" Sigaw sakin ni Ally. Tumawa lang sina Ash at Drake sabay thumbs up sa akin.

Tumawa rin ako sabay takbo patungo sa kwarto ko. Narinig ko pang sumigaw si Ally bago ako makapasok sa kwarto.

"1 week tayo doon kaya damihan mo ang damit mo!"

My Ideal BoyfriendWhere stories live. Discover now