MIB - 14
*Third Person's POV*
Seryosong nakikinig si Abby kay Ms. Bea na nagtuturo sa harapan. Ang ilan sa mga kaklase niya ay natutulog o dikaya'y nakikipag daldalan sa katabi. Ang ilan naman ay nakikinig rin katulad niya.
"That's all for today. Goodbye class!" sabi ni Ms. Bea nang tumunog na ang bell hudyat na tapos na ang second period. Lumabas na ito sa classroom kaya nagsi-tayuan rin ang mga studyente para lumabas ng classroom at pumunta sa cafeteria.
Kinusot ni Drake ang mga mata niya nang marinig niya ang mga ingay at yabag ng mga kaklase niya. Nakatulog kasi ito habang nakikinig kay Ms. Bea, at ngayon lang ito nagising. Agad naman siyang napansin ni Abby at sinamaan ng tingin. Napangiti lang si Drake at nagkamot ng ulo.
"Hoy kupal, natulog ka na naman noh?" tanong sakanya ni Abby or more like sermon.
"Hindi mo ako masisisi, Abby." seryosong sabi ni Drake. Nagtaka naman ang dalaga. "Bakit?"
"Dahil hindi ako nakatulog," inilapit nito ang mukha sa mukha ng dalaga. "Sa kakaisip sayo." at kinindatan si Abby. Agad gumuhit ang ngiwi sa mukha niya.
"Corny mo." sabat ni Ally na katatapos lang ayusin ang mga gamit. Sinamaan naman siya ng tingin ni Drake pero inirapan niya lang ito.
"Let's go, I'm already hungry!" reklamo ni Ally at nauna ng lumabas. Kinuha naman ni Abby ang bag niya at sabay silang lumabas ni Drake.
"Nasaan si Ash?" tanong ni Abby nang tuluyan silang makalabas. Kadalasan kasi ay nauuna si Ashley pumunta sa classroom nila para sabay sabay silang pumunta ng cafeteria.
"There she is."
Natanaw nilang nakangiti at patakbong lumalapit sa kanila si Ashley. Hindi alam ni Ally pero bigla nalang siyang napangiti nang makita ang dalaga.
Parang kailan lang, I hate that smile. Bulong niya sa sarili niya.
"Hi guys!" bati ni Ash at humalik sa pisngi ni Abby. Nagulat nalang si Ally nang bumaling sakanya si Ashley at humalik rin sa pisngi niya. Naiwan tuloy siyang malakas ang kabog ng dibdib.
"Bes?" tawag pansin sakanya ni Abby nang hindi ito gumalaw. Nagsimula na palang maglakad ang tatlo pero naiwan siya sa gitna ng hallway. "Ah yeah." napailing nalang siya at sumunod sa mga kasama.
---
"Uhm guys, sorry. I forgot to tell you na may iuutos pala sakin si Sir Luis." hinging paumanhin ni Abby nang makarating sila sa cafeteria. Nakaupo na sila sa table nang maalala ni Abby na kailangan pala niyang puntahan si Sir Luis, ang isa sa mga Teacher nila.
"I'll go with you." diretsong sabi ni Drake. "Wag na. Samahan mo na 'tong dalawang 'to mamaya kung ano pa gawin nila." ngumiti ng nakakaloko si Abby.
"Pero--"
"Stay here Drake." sabi ni Abby at tuluyan ng umalis sa cafeteria.
Naglakad patungo sa Faculty office si Abby. Nandyan pa rin ang mga matang nakatingin sakanya. Well, hindi naman talaga maiwasan eh. Kahit saan siya banda pumunta ng campus, may mga mata pa ring nakamasid. Hayyyyy!
Lumiko sa kanan si Abby. Natigilan siya nang marealize niyang madadaanan na naman niya ang gym kung saan nandoon ang Ideal man niya, si Luke.
YOU ARE READING
My Ideal Boyfriend
Teen Fiction--- Ideal Boyfriend ko? Si Luke Valdez --- Basketball player, Mabait, Gentleman, Matalino, Mayaman at Gwapo. --- "Para siyang bituin, pwede mong pagmasdan pero hindi mo kayang abutin." -Abby.