MIB - 38
"Abby's POV"
I can't believe this.
Pinanood ko silang apat na kumakain ng inihaw na isda. Walang nagsasalita sa kanila at kain lang sila ng kain. Nakapalibot sila sa isang table at sa gitna nila ay ang ginawa kong toyo na may kasamang luya. Isa-isa ko silang tinignan. Natatawa ako promise. Hindi ko na mapigilan ang tawa ko kaya pumasok muna ako sa loob ng rest house at doon pinakawalan ang kanina ko pa pinipigilang tawa.
"Grabe--pftt hahaha! Ano ba naman yan? Ngayon lang ba sila nakatikim ng ganun? Hahahaha--ang cute cute nila--hahaha--Lols!"
Napaupo ako sa sofa at hinawakan ang panga ko. Kanina ko pa gustong tumawa. Ang cute cute talaga nilang tignan. Para silang mga batang nakakakita ng paboritong nilang laruan nang ipakita ko sa kanila ang isda matapos kong ihawin. Hay! Mga rich kids nga naman oh.
Tumayo ako at bumalik sa labas. Natatawa na naman ako nang makita ko ang mga mukha nila.
"Grabe Abby! Ang sarap pala nito noh?" Sabi ni Drake at ipinakita pa sa akin ang hawak na isda na nasa stick.
"Ngayon lang ako nakatikim ng ganito. Sayang yung 16 years na pagkabuhay ko dahil ngayon ko lang 'to natikman." Sabi ni Ash at nagpatuloy sa pagkain.
"Sana ginawa natin 'to noon." Sabi naman ni Ally.
"Ang sarap nito, Kim."
Yung tawa ko, napalitan ng ngiti. Hay, I'm so glad na nagustuhan nila. Akala ko mandidiri sila sa ganun pero kita mo nga naman, gustong gusto pa nila.
"Nagustuhan niyo ba?" Tanong ko. Sabay sabay silang nag thumbs-up. Lumapit ako sa kanila at naupo sa tabi ni Ash. Kumuha rin ako ng isda at isinawsaw sa maanghang na toyo at kinain.
Habang nagkukwentuhan kami ay biglang dumating sina Mang Waldo at Aling Lina na may dalang mga prutas. Tumayo ako para lapitan sila at kinuha ko ang mga dala nilang baskets. Mukhang mabibigat ito eh. Biglang may kumuha ng dalawang basket at siya na ang nag pasok nito sa loob. Si Luke. Napangiti nalang ako.
"Kumain na po ba kayo?" Tanong ko sa kanila. Hindi kasi sila namamalagi dito sa rest house eh, may sarili silang bahay sa kabilang banda pero dinadalaw naman nila kami.
"Tapos na, iha. Mukhang nagkakatuwaan kayo rito ah?" Nakangiting sabi sa akin ni Aling Lina. Matanda na siya at kapansin-pansin ang panghihina niya pero ganun pa man, palagi pa rin siyang nakangiti.
"Ah opo haha, gusto niyo po bang kumain nitong inihaw naming isda?" Muling tanong ko.
"Aling Lina, masarap po ito. Hinding-hindi po kayo magsisisi kapag natikman niyo 'to." Biglang sabat ni Drake.
Tumawa ang mag-asawa kaya natawa rin ako. Kahit kailan talaga oh!
"Huwag na iho." Natatawang sabi ni Aling Lina at bumaling sa akin. "Mauuna na kami ah, mag-iingat kayo rito."
Tumango ako at ngumiti. Hinatid ko sila ng tingin hanggang sa mawala na sila sa paningin ko. Bumalik ako sa table at nakita kong nakaupo na rin si Luke.
"Matutulog na ba tayo?" Tanong ni Ash.
"I'm so tired. Bukas nalang tayo maglibot." Sagot ni Ally.
Pagod na rin ako. Lahat naman yata kami napagod ngayong araw. Lalo na kaninang nag swimming kami.
"Pumasok na tayo." Muling giit ni Ash at nauna nang tumayo. Sumunod sa kanya si Ally at pumasok na sila sa loob. Naiwan kaming tatlo. Nanatili silang nakaupo kaya tumayo nalang ako at pumasok na rin.
YOU ARE READING
My Ideal Boyfriend
Teen Fiction--- Ideal Boyfriend ko? Si Luke Valdez --- Basketball player, Mabait, Gentleman, Matalino, Mayaman at Gwapo. --- "Para siyang bituin, pwede mong pagmasdan pero hindi mo kayang abutin." -Abby.