MIB - 2
*Abby*
Kasalukoyan akong naglalakad papuntang library. Inutosan kasi ako ni Ms. Bea na ibalik yung hiniram niyang libro. Sana hindi nalang ako nagsinungaling kay Ally na may inutos si Ms. Bea saakin, ayun tuloy nagkatotoo.
Napatigil ako nang marealize kong madadaanan ko pala ang gym bago ako nakarating sa library. Pumunta kaya ako sa gym?
As usual, madaming tao sa loob kahit class hours. Gagawin talaga nila ang lahat makita lang si Luke. Kahit naman ako.
Balak ko sanang tumayo lang doon tulad ng palagi kong ginagawa pero napansin kong wala si Luke. Where is he? May nangyari ba? Bigla akong nag alala.
Nagpasya nalang akong hintayin siya, baka naman may ginagawa lang siya kaya siya nalate. Dahan dahan akong naglakad para umupo sa mga bleachers pero bago pa ako makaupo, nakarinig ako ng malakas na sigaw.
"MISS! YUNG BOLA!!!"
Lilingon sana ako para tignan kung sino yung sumigaw pero---
BOOOGGSSHHH!!!
Pakiramdam ko nawala lahat ng liwanag at umikot ang mundo.
---
*Ally*
"Gigising rin siya maya maya pa. Nagamot ko na ang bukol sa ulo niya at tumigil rin sa pag durogo ang ilong niya. Makakauwi na kayo kapag nagising siya." nagpasalamat muna ako sa school nurse bago pinuntahan ang kaibigan ko. Mahimbing siyang natutulog.
"Ano ba kasi ang ginagawa mo sa gym? As if naman may pinapanood ka doon---" nanlaki ang mata ko at napahawak sa bibig nang marealize kong-- ibig sabihin basketball player ang crush niya.
"A-arayy..."
Mabilis akong tumayo at nilapitan si Abby na nakahawak sa bandang noo niya.
"Anong nangyari?" tanong niya at nilibot ang tingin sa buong silid. Nasa clinic, malamang.
"Nagka amnesia ka ba? Kilala mo naman ako diba?" tanong ko at dahan dahan siyang sinuri. What if magka amnesia siya? Posible yun diba?
"Sino ka? Nasaan ako? Ano'ng pangalan ko? Ilan taon na ako? Kilala ba kita?" sunod sunod na tanong niya. Naku! Kung wala lang 'tong bukol kanina ko pa sinapak. "Infairness galing mong umarte. Oh kainin mo yan." sabi ko at inabot sakanya ang binalatan kong apple.
"Di seryoso nga, ano bang nangyari?" tanong niya ulit at kumagat sa binigay kong apple. "Hindi ko alam, ikaw nga dapat kong tanungin eh. May tumawag lang sakin na nasa clinic ka raw dahil hinimatay ka nang tamaan ka ng bola." sagot ko. Kumuha rin ako ng apple at kumagat.
"Naalala ko na! Sino kayang bwesit ang nakatama sakin ng bola?! Ang sakit nun ah!" gigil na sabi ni Abby at kumagat ng apple. "Alamin natin mamaya." kumagat rin ako ng apple.
"Nga pala, sino nagdala sakin dito? Hindi naman siguro ako naglakad papunta dito habang walang malay diba?"
Bago ako pumunta dito, nakasalubong ko si Luke. Baka siya yung nagdala sakanya at baka siya rin ang may kagagawan nito.
"Baka si Luke. Nakasalubong ko siya kanina habang papunta ako dito-- teka ba't ka namumula?" napangisi ako nang makita ko ang pamumula ng mukha niya. Magkasing pula na sila ng kinakain niyang apple.
"Huh? Sinong namumula?" umiwas siya ng tingin. Binitawan ko ang hawak kong apple at nag cross arms sa harap niya. "Umamin ka nga sakin bes, may gusto kaba doon?" nakangising tanong ko. Sinuri ko ng mabuti ang mukha niya. Imposibleng magkagusto si Abby kay Luke. Alam kong mabait si Luke, gwapo at famous pero kilala ko si Abby, puro studies siya.
YOU ARE READING
My Ideal Boyfriend
Teen Fiction--- Ideal Boyfriend ko? Si Luke Valdez --- Basketball player, Mabait, Gentleman, Matalino, Mayaman at Gwapo. --- "Para siyang bituin, pwede mong pagmasdan pero hindi mo kayang abutin." -Abby.