Chapter 5

148 7 0
                                    

MIB - 5

*Abby*

"2 minutes..."

Hindi ko pinansin ang Teacher namin at sinagutan nalang ang tatlong tanong na hindi ko pa tapos sagutan.

"Okay pass your papers, finish it or not."

Tumayo ako at ipinasa ang papel ko. Binalingan ko ng tingin si Ally na nakabusangot ang mukha. "Anyari? Don't tell me--" sinamaan ko siya ng tingin. Hindi siguro 'to nag study kagabi. "Nakatulog ako eh tsaka nawala sa isip ko na may quiz tayo ngayon." nakasimangot na sabi niya.

"Abby, pinapatawag ka ni Sir Thomas." rinig kong sigaw ni Loisa, isa sa mga kaklase ko. "Punta muna akong faculty." paalam ko kay Ally, tumango lang siya.

---

"Good morning Sir, ba't niyo po ako pinatawag?" magalang na tanong ko kay Sir Thomas, isa sa mga subject teacher namin.

"We have a meeting so hindi muna ako makakapasok ngayon. And because you are the president of the class, kailangan mo munang bantayan ang mga kaklase mo. Okay ba sayo?"

"Yes sir." nakangiting sagot ko. Yes, ako ang presidente ng klase namin.

"You may go." ngumiti ako at lumabas na ng faculty.

---

Napatigil ako sa paglalakad palabalik sa room namin nang makita kong makakasalubong ko si Luke. Kusang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko siya. Ganito ang epekto niya saakin, yung tipong bumibilis na ang tibok ng puso ko makita lang siya.

Gusto ko sanang lumiko pero wala naman akong malilikuan, kung liliko ako sa cafeteria ang mapupuntahan ko at malayo pa yun sa room namin. Napabuntong hininga nalang ako. Bakit ba ako umiiwas? as if naman makikilala niya ako at papansinin.

Huminga ako ng malalim at nagsimulang maglakad.

3 meters...

2 meters...

1 meter...

Malapit ko na sana siyang malampasan nang...

"Hi Abby!"

*Dug* *Dug* *Dug*

Lumingon ako at tinignan siya. Natulala ako sa ganda ng ngiti niya. Kahit araw araw ko pa yan nakikita, hindi pa rin ako nasasanay.

"Saan ka galing?" tanong niya at bahagya pang lumingon sa faculty na pinanggalingan ko.

"Pinatawag kasi ako ni Sir,"

Gosh! Sana hindi niya mahalatang kinakabahan ako.

"Ah, I see." ngumiti siya. "Sige bye." nagsimula na siyang maglakad. Hindi ko na napigilan at, "W-wait!" lumingon siya at tinignan ako.

"T-thank you kanina, you know... yung kanina sa likod ng cr." kinagat ko ang dila ko. Napahigpit rin ang hawak ko sa skirt ko.

"Okay lang, mag ingat ka sa susunod." Tumalikod na siya at naglakad palayo.

Mag ingat ka sa susunod ...

Mag ingat ka sa susunod ...

Mag ingat ka sa susunod ...

Mag ingat ka sa susunod ...

Nagpaulit ulit sa utak ko ang huli niyang sinabi. It was just a simple words pero ang laki ng meaning niya saakin at epekto. Concern siya saakin!

"Thank you, lord." bahagya akong tumingala sa langit at napangiti, na parang wala ng bukas.

---

My Ideal BoyfriendWhere stories live. Discover now