MIB - 1
*Abby*
Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko-- cellphone yun. Hindi naman kami mayaman para bumili ng alarm clock. Bumangon na ako at pumasok sa banyo. Sandali ako tumunganga bago hinubad lahat ng damit ko. Nagbilang muna ako ng tatlo bago binuhos ang tubig sa katawan ko.
Napasigaw ako nang dumampi sa katawan ko ang malamig na tubig kasabay nito ang tuluyang pagkagising ng diwa ko. 5:30 palang ng umaga kaya antok na antok pa rin ako. Ewan ko ba kung bakit hindi pa rin ako nasasanay. Mabilis kong tinapos ang pagligo ko at nagpalit ng damit bago bumaba sa kusina para maghanda ng almusal namin. Simpleng kape at pandesal lang na binili ko kanina sa bakery ang hinanda ko. Araw araw namang ganito kaya sanay na sanay na ako. Pinanganak akong mahirap at wala akong pinagsisisihan. Oo nga't mahirap lang kami pero mayaman naman ako sa pagmamahal na binibigay ng Nanay at bestfriend ko. Kung pera nga lang ang pagmamahal, malamang milyonaryo na ako.
Dalawang palapag lang 'tong bahay namin. Hindi naman kami sobrang hirap to the point na nagtitinda na si Mama ng isda sa palengke. May kaya naman kami at may parlor kami at si Mama ang nagmamanage.
"Ma, gising na pala kayo." agad akong lumapit kay Mama at humalik sa pisngi niya. "Breakfast is ready hahaha!" natatawa kong sabi kaya natawa rin si Mama.
"Breakfast ka dyan." natatawang sabi niya at umupo kaya umupo na rin ako at kumuha ng pandesal. Pagkatapos namin ay niligpit ko muna ang kusina bago bumalik sa kwarto para magbihis.
"Anak nandyan na si Ally!" rinig kong sigaw ni Mama galing sa baba. "Pakisabing mabilis lang po ako!" sigaw ko rin at binilisan ang pagbihis. Nang tapos na ako ay tinignan ko muna ang hitsura ko sa salamin. Nakapagsuklay naman ako kaya tumakbo na ako pababa. Nadatnan kong nagtatawanan si Mama at si Ally -- ang bestfriend ko.
"Ma, alis na po kami." humalik muna ako kay Mama bago kami lumabas ng bahay ni Ally. As usual, nasa tapat naman ng bahay namin ang kotse nila at ang driver. Wala na akong nagawa kundi sumakay nalang.
Bestfriend kami ni Allison Hernandez or Ally for short. Halos kapatid na din ang turingan namin. Ewan ko ba kung bakit naging kaibigan ko siya, siguro dahil magkasundo kami sa lahat ng bagay. Marami ang pagkakaiba namin ni Ally. Mayaman siya at ako mahirap. Maganda siya samantalang ako hindi. Famous siya pero ako hindi kilala. Marami rin ang naghahabol sakanya sa school dahil nga maganda, mayaman, mabait at matalino. Halos perfect ang bestfriend ko kaya minsan, nahihiya akong sumama sakanya. Ilang beses ko nang sinabi sakanya na wag niya akong sunduin pero makulit siya eh. Gusto niyang sabay kaming papasok at sabay uuwi. Minsan sa bahay siya natutulog. Pero sa bahay nila, never akong natulog doon. Minsan lang ako pumunta doon at dahil yun sa gusto niyang imeet ko ang parents niya. Mababait ang parenst ni Ally at alam kong nagmana ito sakanya kaya kahit papaano ay nabawasan ang kaba sa dibdib ko. Minsan--ay hindi madalas pala ay naririnig kong kaya ko daw kinakaibigan si Ally ay dahil sa pera. Mukha raw akong pera eh. Hindi ko naman yun pinapansin pero minsan ay nasasaktan rin ako. Like hello, kinaibigan ko siya dahil mahal ko siya hindi dahil sa mayaman siya. Pero hindi ko din naman sila masisisi, bakit sa lahat ng tao sa school, bakit ako pa ang naging kaibigan ni Ally.
"Hoy!" nagising ang diwa ko nang magsalita si Ally. "Bakit?" takang tanong ko.
"Kanina ka pa kaya tulala dyan. Siguro iniisip mo na naman na dapat hindi kita sinundo noh?" masungit na sabi niya. Napailing nalang ako dahil sanay na akong nagsusungit siya.
"Yeah tama ka, sinabi ko nama kasi sayong tigilan mo na ang pagsundo saakin." seryosong sabi ko. "At ilang beses ko rin ba sasabihin sayo na gusto kong sabay tayong papasok sa school? Para saan pa at may bestfriend ako kung magiisa lang akong papasok diba?" susunod na sabi niya kaya wala akong nagawa kundi manahimik at tanggapin na talo na naman ako. Kapag talaga pahabaan ng salita, lagi akong talo.
YOU ARE READING
My Ideal Boyfriend
Teen Fiction--- Ideal Boyfriend ko? Si Luke Valdez --- Basketball player, Mabait, Gentleman, Matalino, Mayaman at Gwapo. --- "Para siyang bituin, pwede mong pagmasdan pero hindi mo kayang abutin." -Abby.