Chapter 42

101 2 0
                                    

MIB - 42

"Abby's POV"

Humigpit ang hawak ko sa apple at ramdam na ramdam ko rin ang lakas ng tibok ng puso ko habang nakatingin sa kanila.

"P-pwede mo bang ulitin yung sinabi mo Drake?" Halos nagmamaka-awang sabi ko. Hindi siya nagsalita bagkus ay umiwas lang siya ng tingin.

"Ally..." Tawag ko sa bestfriend kong hindi makatingin sa akin. "Tama ba yung narinig ko? S-sinong Tito ang tinutukoy 'nyo?"

"Abby, listen... pupunta dito sina Tita at sila na ang magsasabi sayo--"

"Si Mama? Alam niya ang totoo ganun?" Walang emosyong tanong ko. Uminit ang sulok ng mata ko at napasinghap nalang nang walang sumagot sa kanila.

"Si Mr. Park ba ang tinutukoy niyo?" Tanong ko at nang makita kong tumango sila, tumalikod ako at nagsimulang humakbang.

"Abby! Saan ka pupunta?"

Hindi ko sila pinakinggan at nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa nauwi sa pagtakbo.

---

Umupo ako sa isang bench at humarap sa dagat. Pinagmasdan ko ang mga alon habang patuloy na tumutulo ang luha sa mata ko. Wala na akong pakialam kahit pinagtitinginan na ako ng mga taong nakaupo rin sa mga katabi kong benches. Kinagat ko ang ibabang labi ko para patigilan ang luha ko pero wala pa rin. Nagmistula itong gripo na walang tigil sa pagtulo.

"I can't believe it, si Abby pala ang anak ni Tito."

Kung si Mr. Park ang tinutukoy nilang Tito, ibig sabihin siya ang tatay ko.

Si Mr. Park na hinahangaan ko simula palang, si Mr. Park na nagpaniwala sa akin na hindi lahat ng mga mayayaman ay masasama ang ugali at si Mr. Park na siyang dahilan kung bakit malungkot si Mama.

Naalala ko ang mga panahong tinatanong ko kay Mama kung nasaan ang tatay ko. At naalala ko rin kung paano bumabakas sa mukha niya ang sakit at lungkot kapag naririnig niya ang salitang tatay.

"Ma, nasaan po si Papa?"

Kitang kita ko ang pagkawala ng ngiti sa mga mata niya nang marinig niya ang tanong ko.

"S-sorry po Mama. Hindi na po ako magtatanong."

Simula noon, hindi ko na sinubukang itanong kay Mama kung nasaan si Papa. Sa tuwing tinatanong ko siya tungkol sa tatay ko, napapansin ko agad ang lungkot at sakit sa mga mata niya.

Okay na eh, okay na sa akin kahit wala akong tatay. Okay na sa akin na dalawa lang kami ni Mama as long as nakikita ko siyang masaya. Pero bakit ganito? Bakit nangyari ang ganito? Paano na si Mama? Makikita ko na naman ba ang lungkot at sakit sa mga mata niya?

Si Mama ang pinakamahalaga sa akin. Kapag nakikita ko siyang masaya, masaya na rin ako. Pero kapag nakikita ko siyang nalulungkot dahil sa tatay ko, kaya kong kalimutan na may tatay pa ako. Tuwing nadadatnan ko siyang umiiyak sa kwarto niya, alam kong ang tatay ko ang dahilan. Kaya ipinangako ko sa sarili ko na hinding hindi ko na hahanapin ang tatay ko dahil alam kong magiging malungkot na naman si Mama kapag nagkataon.

"Abby?"

Agad kong pinunasan ang luha ko nang may tumawag sa pangalan ko. Naramdaman kong pumunta siya sa harapan ko kaya nakita ko kung sino siya. Si Mark, yung lalaking nakilala ko noong unang araw palang kami dito sa isla.

"Are you crying? May nangyari ba?" Ramdam ko ang pag-alala sa boses niya nang umupo siya sa tabi ko. Hindi ako umimik. Katulad ng sabi ko, mas lalo akong naiiyak kapag may taong nagco-comfort sa akin.

My Ideal BoyfriendWhere stories live. Discover now