Chapter 39

96 2 0
                                    

MIB - 39

*Ashley's POV"

We decided na maglibot muna sa kabilang banda ng isla. On the other side kasi ay mga mga restaurants, hotels at isang mall doon. Sobrang ganda talaga ng isla ni Tito Arthur. No wonder, marami ang pumupunta dito even if this is a private island.

"Are you done? They are waiting outside. Bilisan mo."

Kinuha ko ang cellphone ko bago lumabas ng kwarto. Tumambad sa akin si Ally na nakakunot ang noo. I thought hindi na siya magsusungit? She promised me that. Inborn talaga ang pagiging masungit niya.

"Sorry." Sabi ko at pa-sweet na ngumiti. She just rolled her eyes and holds my hand tapos hinila na niya ako. Napangiti ako habang nakatingin sa kamay naming magka-hawak. I love it everytime she holds my hand as if sa kanya lang ako. Posible bang kiligin sa sariling iniisip? Kasi kinikilig ako sa naiisip ko, haha.

"Tara na?" Sabi ni Drake nang makarating kami sa labas. Napatingin ako sa katabi niyang si Abby. Nakangiti na ulit siya, lagi naman eh. Naalala ko na naman tuloy ang nangayari kahapon. I was so scared that time. Yung feeling na hindi mo alam ang gagawin mo kundi umiyak nalang at panoorin siyang nalulunod. Hays, but thanks god, she's now okay.

Nakarating kami sa kabilang banda ng isla and Drake's right, marami nga mga tao dito. Karamihan ay mga teenager tulad namin. May mga nakikita rin kaming isang pamilya na masayang nagkukwentuhan. Umiwas ako ng tingin at ibinaling nalang sa babaeng katabi ko. I miss my Dad and Mom.

"Guys, may pupuntahan lang kami ah?" Paalam ni Drake at hinila si Abby. Napatingin ako kay Luke pero hindi manlang nagbago ang ngiti niya. Isn't he jealous? Wala ba siyang nararamdaman para kay Abby? Tsk. I thought.

"Hindi mo sila susundan?" Masungit na tanong ni Ally sa kanya. Nagtaka naman ang mukha niya at umiling. God, Luke!

"No?"

"Ugh! Bahala ka. Umalis ka na nga rin."

Pilit siyang ipinagtulakan ni Ally at tumawa lang si Luke bago itinaas ang kamay at siya na mismo ang umalis.

"I can't believe him. Hindi ba siya nagseselos?" Inis na sabi ni Ally.

"Maybe, wala siyang nararamdaman kay Abby." Sagot ko pero naghihinayang rin ako.

Hindi na siya sumagot. I saw a mini-bar sa gilid. It was just a little counter at may mga beach umbrella naman sa gilid. Ang cute ng design kaya hinila ko si Ally at umorder kami ng lame juice.

"Is this a date?" Natatawang tanong niya. Napangiti rin ako dahil sa ngiti niya. Nakakahawa ito eh. "If you think so, then this must be our first date. What do you think?" Sagot ko at kinindatan siya. Mas lalong siyang napangiti at umiwas ng tingin. Aww she's so cute, hahaha! Namumula na ang mukha niya.

---

Nakatingin lang ako sa mga taong dumadaan habang nakaupo pa rin sa table namin. Mag-isa lang ako dahil may pinuntahan muna si Ally. She told me na may bibilhin lang daw siya at hintayin ko lang daw siya. Nababagot na ako dito. 10 minutes na ang nakalipas at wala pa rin siya.

"Hi, pwede bang maki-upo?"

Napatingin ako sa lalaking biglang lumapit sa akin. He's holding a cup of juice at nakangiti siya sa akin. Nakakahiya namang tumanggi kaya tumango nalang ako. Umupo siya sa upuan ni Ally kanina.

"Mag-isa ka lang?" Ilang sandali pa ay tanong niya sa akin. Umiling ako at ibinalik ang tingin sa phone.

"Are you single?" He asked again. Ngumiti lang ako ng pilit at hindi sumagot.

My Ideal BoyfriendWhere stories live. Discover now