Chapter 19

97 3 0
                                    

MIB - 19

*Abby*

Buong maghapon akong nagkulong sa kwarto. Linggo naman kaya walang pasok. Nakatingin lang ako sa bintana ng kwarto ko at pinagmamasdan ang malakas na ulan na bumabagsak sa lupa. Umuulan na naman, nakikisama ang panahon sa kalungkotan ko. Tumayo ako mula sa pagkakahiga at inayos ang buhok ko. Lumapit ako sa bintana upang malaya kong mapagmasdan ang kalangitan. Ang dilim nito, naririnig ko rin ang mumunting kulog na nanggagaling dito.

"Abby?"

Napalingon ako sa pintuan nang bumukas ito. Tumambad saakin si Mama na nag aalalang nakatingin saakin. Pumasok siya at umupo sa kama.

"Halika nga dito." Senenyasan niya akong umupo sa tabi niya. Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya.

"Bakit po?" Tanong ko.

"Alam kong may problema ka. May nangyari ba?" Hinawakan niya ang pisngi ko. Ngumiti lang ako at umiling. Ayaw kong sabihin kay Mama na nag away kami ni Ally.

"Yakapin nalang kita para hindi ka na sad." Napatawa ako nang yakapin niya ako. "Ma, hindi na po ako bata noh." Natatawang giit ko.

"Para saakin, ikaw pa rin ang baby ko." Sabi niya at mas lalong hinigpitan ang yakap saakin. Niyakap ko rin siya at sinandal ang ulo ko sa balikat niya. Natahimik kami.

"Ma?"

"Hmm?"

"May itatanong lang po sana ako." Mahinang sabi ko. "Ano yun?"

Matagal ko nang gustong itanong 'to. Pero everytime na itatanong ko, umaatras ang dila ko. Ayaw kong isipin ni Mama na hinahanap ko siya. Na hindi siya sapat para saakin.

"Where's my father?"

Lumuwag ang yakap niya saakin. Natahimik siya. Parang nagsisisi na tuloy ako. Ang tanga ko! Bakit ko tinanong yun?

"S-sorry po."

"Anak, pasensya ka na ah?"

Ngumiti ako at niyakap ulit siya.

"Okay lang po Ma. As long as nandito kayo sa tabi ko, sapat na po yun."

---

Buti nalang at tumigil na ang ulan. Mabilis kong kinuha ang jacket ko at nagpaalam kay Mama. Gusto ko lang maglakad lakad. Nabobored na ako sa loob ng kwarto ko. Kapag sunday kasi, palagi kaming nagma-mall ni Ally pero dahil nga sa nangyari, mag isa nalang ako ngayon haha.

Nakarating ako sa park medyo malapit lang sa bahay. Walang masyadong tao dahil siguro sa masama ang panahon. Umupo ako sa isang swing at buti nalang at hindi masyadong basa.

Napatingin ako sa mga taong nandito rin sa park. Lahat sila may mga kasama. Yung iba, kasama nila ang mga alaga nila. Sana dinala ko rin si Chewy para hindi ako nagiisa.

I feel so alone. Nakakalungkot palang mag isa. Yung wala kang makakausap. Actually, matagal na akong sanay mag isa. 1 year ago, ganito ang nangyari saakin. Yung walang kaibigan, walang kakulitan, walang makakausap at walang kasama. Dapat sanay na ako eh, pero dumating sina Ally. Pinaramdam nila saakin na hindi ako nagiisa pero ito, nag iisa na naman ako.

My Ideal BoyfriendWhere stories live. Discover now