Chapter 20

103 6 0
                                    

MIB - 20

*Ashley*

Maaga akong dumating sa school. Nginingitian ko nalang ang mga studyenteng bumabati saakin dahil nagmamadali ako. May kailangan akong gawin. Imbis na sa room pumunta, agad akong dumiretso sa Freedom Board. Buti nalang at walang pang masyadong tao kaya walang makakapansin sa akin.

Bumungad saakin ang malaking bond paper at ang speaker na nandoon pa rin hanggang ngayon. Nagtaka ako. Akala ko ba nawala na ito dahil pinunit ni Abby? Well, magtataka pa ba ako? I know, pinalitan ito ng kung sino mang may pakana ng news na yun. Pasimple ko itong kinuha kasama ang speaker. Tinago ko muna sa bag tsaka nagmamadaling pumunta sa cafeteria. Nadatnan kong nakaupo si Drake at halatang malalim ang iniisip.

"Hey," Bati ko at umupo sa upuang kaharap niya. Tumingin-tingin ako sa paligid at buti nalang walang tao dito maliban sa aming dalawa at si Manang Lucy.

"Nakuha mo na?" Tanong nito saakin. Tinutukoy niya ang kinuha ko kanina sa Freedom Board. Tumango lang ako.

"By the way, where's Abby?" Tanong ko.

"Susunduin ko siya after nating mag usap."

"What about Ally?"

"Mamaya pa siguro papasok."

Tumango tango lang ako. Nag aalala na ako kina Ally at Abby. Hindi ko alam kung paano sila pagbatiin. Hindi ko pa nakakausap si Ally since noong saturday. At si Abby naman, tinatawagan ko kahapon pa pero hindi sumasagot.

"So, anong gagawin natin?" Basag ko sa katahinikan. This is the first time na mag usap kami ni Drake nang kaming dalawa lang. Usually kasi ay sama sama kaming apat pero hindi naman kami awkward sa isa't isa. He's also my friend.

"Kailangan nating alamin kung sino ang gumawa nito. Posibleng may kasama siya dahil nagawa niyang gayahin ang boses ni Abby."

Yung boses na 'yun. Boses talaga ni Abby, pero hindi kami tanga para mapaniwala. Si Ally, hindi ko alam kung naniniwala ba siyang si Abby talaga yun o hindi. Kailangan ko siyang makausap mamaya.

"You're right." I agreed. "Pero, nakausap mo na ba si Ally?"

"No. Lagi siyang nasa kwarto niya. Hindi ko pa siya nakikita since yesterday."

Napabuntong hininga nalang ako at tumayo. Malapit na ang time at siguradong magsisidatingan na ang iba.

"Puntahan mo na si Abby. Kailangan mo pang magpa pogi points sa kanya." Ngumiti ako ng nakakaloko at kinindatan siya. Napangiti rin siya at tumayo na.

"Boto ka saakin ah?" Tanong niya.

"Of course!"

Natawa nalang ako nang tumabo na siya palayo.

Bumalik na ako sa room. Nagsimula na ring magsi-datingan ang mga kaklase ko at teacher. Nagsimula na siyang mag disscuss pero hindi ko magawang makinig.

Pumasok sa isipan ko ang mukha ni Ally noong huli ko siyang nakita. Noong thursday. Umiiyak siya at kitang kita ko sa mga mata niya ang matinding kalungkutan. Nilapitan ko siya pero tumakbo na siya palayo. Hindi ko pa alam ang nangyayari pero dahil sa mga kaklase ko, nalaman ko. Kalat sa buong campus ang pagsampal ni Ally kay Abby.

Hindi ko alam kung sino ang uunahin kong lapitan, si Ally o si Abby. Pero alam kong mas nasasaktan si Abby. Kahit hindi niya ipakita, alam kong bumalik sa isipan niya ang nangyari dati. Alam kong pakiramdam niya, nag iisa na naman siya. But thanks to Drake dahil nandyan siya para kay Abby.

"Goodbye class!"

Nakahinga ako ng maluwag nang lumabas na ang teacher namin. Inayos ko na ang mga gamit ko at nilagay sa loob ng bag. Tumayo ako at sinabit ang shoulder bag sa balikat ko.

My Ideal BoyfriendWhere stories live. Discover now