Chapter 24

93 4 0
                                    

MIB - 24

"Abby's POV"

"Guys, listen please!"

Nakatayo ako sa harapan. Nasa likuran ko ang white board namin kung saan mismo tumatayo ang mga teachers. Wala kaming teacher dahil break time kaya ngayon ko sana gagawin ang meeting na sinabi ni Ally kahapon.

"Narinig niyo naman ang announced yeasterday diba?" Tanong ko.

"Yeah!"

"Intramurals! Wohoo excited na ako!"

Kaniya-kaniya sila ng sagot. Mabuti naman at nakuha ko na ang atensyon nila. Maliban nalang kina Nicole na naghihikgikan sa likuran na para bang wala ako sa harapan nila. Sanay naman ako sa ugali nila kaya hindi ko nalang pinansin at sure naman akong nakikinig rin sila.

"So, aware naman kayo na may mga gagawing booth right?"

Tumango sila.

"Gusto ko lang malaman kung may suggestion kayo."

As expected, marami ang nagtaas ng kamay. Itinuro ko si Mia na nakataas ang kamay. May idea yata.

"Gusto ko yung kissing booth."

Napangiwi ako. Sa dinami-rami ng idea, ba't ganun yung sa kanya?

"Really Mia really? Tingin mo may hahalik sayo?"

Nagtawanan kami sa sinabi ni Anton. Napatayo naman si Mia at malakas na sinabunutan ang buhok ni Anton.

"Any idea?" Tanong ko.


"Marriage booth!"

Mas lalo akong napangiwi. Ano bang nangyari sa mga kaklase ko? Ang lalaswa ng mga naiisip nila.

"Guys! Ibahin natin yung sa atin okay? Atsaka I'm sure nakuha na yan ng iba." Sabi ko.

"Bakit ka pa nagtatanong kung may suggestion kami kung hindi mo rin naman papayagan. Duh!"

As usual, biglang sumabat si Nicole. Napailing nalang ako. Ang init pa rin ng dugo sa akin.

"Pasalamat nga kayo at binibigyan niya tayo ng chance na sabihin ang gusto natin kahit pwede namang hindi at diretsuhin nalang kung ano ang gusto niya because she's the president and the leader."

Napangiti nalang ako nang magsalita si Drake. Siya talaga ang taga pag ligtas ko. Hindi na muling nagsalita si Nicole.

"So? Uhm Ano na?"


Walang nagsalita kaya nagsalita ulit ako.

"Actually may idea na ako. Pero hindi ko alam kung papayag kayo."

"What is it?"

"Alam naman namin na maganda yang idea mo Ms. President."

"Say it!"

Feeling ko nakahinga ako ng maluwag sa sinabi nila. May tiwala sila sa akin.

"Horror booth." Mahinang sabi ko sapat na para marinig nila.

Akala ko hindi sila papayag pero...

"Good idea nga yun!"

"Oo nga! Exciting yung ganun eh."

My Ideal BoyfriendWhere stories live. Discover now