MIB - 37
"Abby's POV"
Hindi mawala sa mukha ko ang matamis na ngiti. As in nakangiti lang ako all the time. Nakarating na kami sa island na pagmamay-ari ni Mr. Park ayun kay Ally. Wow lang diba? He's incredibly rich. Biruin mo, siya pala ang may idea na mag stay kami dito for 1 week. He's so kind. Kapag nagkita kami, pasasalamatan ko siya ng sobra.
For now, sa rest house kami mag i-stay habang nandito pa kami. And of course, siya rin ang may ari nito. Masyadong malaki itong rest house para sa aming lima. Mabuti nalang at may mag-asawang nagbabantay dito kaya may kasama kami. Sina Mang Waldo at Aling Lina ang mag-asawang yun. May katandaan na sila at ang babait nila pareho.
"Lalabas muna ako ah?" Paalam ko kina Ally at Ash.
"Wag kang masyadong lalayo." Sabi ni Ally. Sinimangutan ko siya.
"Hindi ako bata."
"Sunduin mo nalang ako, I'm older than you."
Ngumiti ako ng inosente at tumango. "Yes, Ate."
"Hahaha! You heard that? Ate daw oh? Ate din kaya itawag ko sayo?" Natatawang sabi ni Ash.
"Shut up. At ikaw, lumabas ka na."
Tumawa muna ako bago tuluyang lumabas. Nagkatinginan pa kami ni Ash sabay kindat sa isa't isa. Ang sarap talagang asarin ni Ally. Thanks to Ash, may karamay na akong asarin siya at may karamay na rin ako kapag napikon yun.
"Hey, where are you going?"
Nakasalubong ko si Drake na may mga dala pang gamit. Kawawang mukong, siya kasi ang nautosan na ibaba lahat ng dala naming gamit.
"Maglilibot-libot muna ako." Sagot ko.
"Okay, wag kang lalayo ah?" Sabi niya at umalis na.
Sabing 'di ako bata eh.
Lumabas nalang ako. Baka may makasalubong pa ako tapos ganun rin ang sasabihin. Pero kapag si Luke siguro ang mag sabi ng ganun sa akin, kikiligin ako, hehe. Bakit parang naging malandi na ako? Lols.
Huminga ako ng malalim at napapakit nang madama ko ang malamig na simoy ng hangin. Ang sarap ng hangin dito. Hindi ko natikman ang hangin kaya ko nasabing masarap. Pero totoo, ang sarap talaga. Malayong malayo sa village namin. Doon, hindi ka halos makahinga dahil sa usok ng mga kotse tapos isama mo pa na ang init-init. Hindi katulad dito na walang mga sasakyan, hindi maingay, at masarap sa pakiramdam ang hangin. Kung pwede lang sanang dito na tumira eh, pero hindi pwede.
Nagsimula akong maglakad. May mga cottages akong nadadaanan sa mga gilid. Napangiti ako nang mabasa ng tubig ang mga paa ko. The water is blue at maputi ang buhangin. Ang sarap siguro mag swimming mamaya kapag wala nang araw.
Nginingitian ko ang mga taong nakakasalubong ko. Napapatingin kasi sila sa akin kaya nginingitian ko nalang sila. Hindi masyadong marami ang tao dito. May mga nakikita rin akong mga teenagers katulad namin. May mga couples rin at mga families. Sana sinama ko nalang dito si Mama. I'm sure, mag-isa na naman yun o dikaya'y nandoon na naman sa salon at tumutulong.
"Hi miss."
Napatigil ako sa paglalakad nang may isang lalaki na bigla nalang lumapit sa akin. Mukha naman siyang mabait kaya ngumiti ako.
"Hello." Bati ko pabalik.
"You're alone?" Tanong niya sa akin.
Hindi, kasama ko ang imaginary friend ko.
"Oo, nandoon pa kasi yung mga kasama ko." Sagot ko.
"By the way, I'm Mark. And you are?"
Napatingin ako sa kamay niyang nakalahad sa akin. Ngumiti ako at tinanggap yun.
YOU ARE READING
My Ideal Boyfriend
Teen Fiction--- Ideal Boyfriend ko? Si Luke Valdez --- Basketball player, Mabait, Gentleman, Matalino, Mayaman at Gwapo. --- "Para siyang bituin, pwede mong pagmasdan pero hindi mo kayang abutin." -Abby.