MIB - 12
*Abby*
Hindi mawala sa mukha ko ang matamis na ngiti. Oo nga't tapos na ang 2 days na kasama ko si Luke pero magkaibigan pa rin kami. *sigh*
Kahit magkaibigan lang, okay na ako.
"Abby!"
Nilingon ko si Drake na tinawag ang pangalan ko. Kilala ko ang boses ng mukong na 'to.
"Drake," nginitian ko siya mang tuluyan siyang nakalapit saakin. "Nasaan sina Ally at Ashley?" tanong ko at nilingon ang likod niya.
Iniwan ko muna kasi sila dahil pinatawag kami ni Teacher Emma para batiin sa ginawa naming activity. Kahit mukhang wala naman silang natutunan sa idea ko ay masaya pa rin ako hehe.
"Ah, nandun si Ally sa room at si Ashley naman ay pinatawag ng teacher nila." napakamot siya sa ulo niya. "Samahan mo naman ako sa cafeteria, I'm hungry."
Napangiwi ako nang nag puppy eyes pa siya saakin. Hindi ko alam kung matatawa ako o ano. Lumingon ako sa paligid at baka sakaling may makakita sakanya na fans niya pero wala.
"Tara na nga." sabi ko at hinila siya.
---
Nagsisisi na ako kung bakit sinamahan ko si Drake gayun alam kong sikat siya dito.
Ang tanga ko talaga. Alam ko namang hindi siya basta basta dito dahil halos lahat ay tinitilian siya tapos sinamahan ko pa. Ayun tuloy, halos patayin na ako ng mga nakapaligid saamin.
"Oh my gosh! I can't believe it!"
"Tama ba 'tong nakikita ko? Si Drake, kasama ang loser na yan?!"
"I want to sabunot that girl right now. Argh!"
"Gosh! Ba't ang Drake ko pa ang kinulam niya?!"
"Malandi din pala yang Abby na yan."
Naibaba ko ang hawak kong kutsara nang marinig ko ang hindi kanais-nais na sinabi ng isang babae tungkol saakin. Okay, sabihan na nila ako ng panget, hampaslupa, o mukhang pera, pero hindi yata ako makakapayag na sabihan nila ako ng malandi na hindi ko naman ginagawa.
Tatayo sana ako para harapin ang babaeng yun pero ganun nalang ang pagkagulat ko nang tumayo si Drake at nilapitan ang babae.
"Excuse me miss," nilapit ni Drake ang mukha niya sa babaeng tila nanigas sa kinauupoan niya. "Next time na marinig kong sinabihan mo o kung sino man sainyo ng malandi si Abby, hindi ko kayo palalampasin. Okay?"
Tinignan ni Drake ang mga studyenteng natahimik na kanina lang ay nagbubulongan at nginisihan.
"Tara na Abby." hindi na ako nakareact nang hilain niya ako at sabay kaming lumabas ng cafeteria.
---
"I'm sorry."
"Huh?" nilingon ko si Drake. Pagkatapos ng walk out scene namin kanina sa cafeteria ay dito naman kami pumunta sa garden. Mabuti nalang medyo wala nang tao dito kaya walang take 2 haha.
"I said I'm sorry." parang inis niyang sabi. Napataas naman ang kilay ko. "Para saan nga?"
"Dahil sa nangyari kanina." bumuntong hininga siya. "Nang dahil saakin, nasabihan ka ng mga masasama."
Ibinaba ko ang kinakain kong hotdog at hinarap ko siya.
"Drake, matagal na akong sanay. Sanay na sanay na ako sa mga masasakit na sinasabi nila saakin kaya you don't have to say sorry. Hindi mo kasalanan." nginitian ko siya para ipakitang okay lang ako.
YOU ARE READING
My Ideal Boyfriend
Teen Fiction--- Ideal Boyfriend ko? Si Luke Valdez --- Basketball player, Mabait, Gentleman, Matalino, Mayaman at Gwapo. --- "Para siyang bituin, pwede mong pagmasdan pero hindi mo kayang abutin." -Abby.