MIB - 46
Pinayagan ako nila Mama at Papa na sa bahay muna ako mag stay. Malapit lang naman kasi ito sa school at mas komportable ako doon. Pero sinabihan nila si Ally na samahan nila ako doon at tuwang tuwa naman siya palibhasa pinayagan siya nina Tita at Tito.
Nandito ako ngayon sa bahay. Kung tahimik noon, mas tahimik ngayon. Namimiss ko na ang ingay ni Mama. Dati kasi ay pinupuntahan niya ako dito sa kwarto ko pagkatapos ay kukulitin niya akong kumanta. Para tuloy akong mag-isa ngayon. Nakakalungkot. Saturday kasi ngayon kaya nasa bahay lang ako buong araw. Mamaya pa dadating si Ally dahil may date raw sila si Ashley. Ang dalawang yun, hindi na mapaghiwalay. Nakakainggit.
Tumayo ako mula sa pagkakahiga at kinuha ang diary ko. Ang tagal ko na pala 'tong hindi nasusulatan. Kinuha ko ang ballpen ko at nagsimulang magsulat ulit. Ang dami kong kailangang isulat dahil sa dami ng nangyari nitong mga nakaraang araw.
Dear diary,
Alam mo bang ang dami kong dapat ikwento sayo? Tulad nalang ng mas minahal ko si Luke. Joke lang diary haha! Pero totoo naman eh, mas minamahal ko pa siya ngayon dahil sa mga nangyari nitong mga nakaraang araw. Mas nakilala ko pa siya. Katulad nung Intramurals namin, ang dami naming moments doon diary lalo na nung night party namin. Pero mas marami kaming moments nung nasa island kami na pagmamay-ari pala ni Papa. Alam mo bang natupad ang isa sa mga wish ko noon diary? Na makasama ko ang taong mahal ko habang pinapanood ko ang mga bituin sa langit. Natupad yun diary! Sabay kaming nakatingala noon sa langit at pakiramdam ko, nakalutang kami sa ulap dahil sa sobrang saya na nararamdaman ko.
Nakangiti ako habang bumabalik sa isipan ko ang mga masasayang moments na yun. Hanggang ngayon, napaka sariwa pa rin yun sa akin at alam kong kahit kailan, hinding-hindi ko makakalimutan yun.
...Pero diary, kahit napakarami na niyang pinakitang motibo sa akin para mag-assume na naman akong may gusto siya sa akin, hindi pa rin ako dapat umasa. Masakit umasa eh, nakakabasag ng puso haha. Dapat makutento na ako sa kung anong meron kami ngayon, bilang magkaibigan. Kahit papaano, napakaswerte ko pa rin dahil naging kaibigan ko siya diary, naging kaibigan ko yung lalaking mahal ko. Kaya dapat makuntento na ako doon kahit masakit. :)
Ibinaba ko ang hawak kong ballpen at pinunasan ang luha ko na tumulo na pala. Hindi ko pa rin talaga maiwasang hindi masaktan kapag naiisip kong hanggang doon lang yun. Masakit kasi eh. Tuwing naiisip ko yun, pakiramdam ko nababasag ang puso ko sa sakit.
Luke naman kasi eh, bakit ka ba nagpapakita ng mga motibo para isipin kong may gusto ka rin sa akin?
Nagpapakita nga ba siya o ako lang 'tong assumera?
Sinara ko ang diary ko at ibinalik sa cabinet. Ang gitara ko naman ang kinuha ko. Buti nalang nandito 'to kaya hindi ko mararamdaman na nag-iisa ako ngayon. Sinimulan kong kalabitin ang gitara. Pumikit ako at sasabayan sana ng kanta pero biglang tumunog ang phone ko na nasa tabi ko lang. Ibinaba ko muna ang hawak kong gitara at inabot ang cellphone ko pero muntik ko na itong mabitawan nang makita ko kung sino ang tumatawag.
Si Luke...
"H-hello?"
"Hi Kim, ako 'to si Luke."
Ba't ang pogi ng boses niya?
"Alam ko, uhm napatawag ka?"
"Wala lang. Busy ka ba?"
"Hindi noh. Wala nga akong ginagawa eh." Iniisip ka lang.
"Ganun ba? Nasaan ka ngayon?"
"Nasa bahay."
Tumayo ako at dumungaw sa bintana ng kwarto ko. I looked at the sky at napangiti. Ang ganda ng langit, kasing ganda ng mood ko.
YOU ARE READING
My Ideal Boyfriend
Teen Fiction--- Ideal Boyfriend ko? Si Luke Valdez --- Basketball player, Mabait, Gentleman, Matalino, Mayaman at Gwapo. --- "Para siyang bituin, pwede mong pagmasdan pero hindi mo kayang abutin." -Abby.