Chapter 31

105 4 0
                                    

MIB - 31

"Abby's POV"

Second day of Intarmurals.

All booth's are now open. Horror booth, Marrage booth, Kissing booth and etc. Excited ang lahat of course. Ito na kasi ang pinakahinihintay ng lahat eh.

6 palang ng umaga ay nandito na kami sa classroom para mag prepare. Dumating na rin ang mga costumes namin at ako ang magiging white lady. Tapos na kaming make up-an at ready na kaming lahat. Nakabili na rin kami ng yelo at ketchups. Everything's okay at hinihintay lang namin na mag 9 A.M dahil doon na kami magpa-papasok.

Naka close ang entrance door at may ilaw pa sa loob. Medyo kinikilabutan lang ako sa paligid dahil nakakatakot talaga. Kung hindi ko lang talaga nasaksihan kung paano namin ito ginawa, malamang matatakot na ako.

"Guys!" Tawag ko sa atensyon nila. Hindi man halos lahat ng section ay nandito, atleast marami pa rin kami. At nandito rin ang mga kaibigan ko, kaya masaya na ako.

"Again, thank you so much sa pagtulong niyo. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala kayo guys, kaya maraming maraming salamat." Nginitian ko silang lahat. "And let's just enjoy this day."

Itinaas ko ang kanay kamay ko at tinignan sila isa-isa. Agad naman silang lumapit sakin at ipinatong ang mga kamay nila sa kamay ko.

"Team Abby!"

Napatawa nalang ako sa sigaw ni Anton.

Team Abby?

---

Dahan dahan akong lumapit sa tatlong babaeng magkaka-hawak kamay na naglalakad. Ramdam ko ang takot nila at kung saan-saan nalang sila nakatingin.

"Woooo!"

"Ahhhhhhh!"

Palihim akong tumawa nang magsi-gawan sila at nagsitakbuhan palayo pero nabangga naman nila ang babaeng may mahabang buhok at may hawak na malaking manequin. Mas lalong lumakas ang sigawan nila at nagtatakbo palayo.

Nakakatakot talaga si Ally hahaha! Ang haba kasi ng wig niya at nakatakip ito sa buong mukha niya. Kaya tell me, sino nalang ang hindi matatakot kapag makita siya? Plus yung hawak niyang dummy na nakakatakot rin.

Ibinaba ko muna ang hawak kong yelo at tumayo ng tuwid. May paparating kasing isang babae at isang lalaki. Nakakapit ang babae sa braso ng lalaki at rinig na rinig ko ang pag-hinga niya ng malalim. I bet, she's scared. Hahaha! Ay, ang sama ko.

"Hihihihihi."

Tumawa ako ng nakakalibot nang nasa likod na nila ako. Dahan dahan silang napatingin sakin at nang makita nila ako...

"Oh shit!" Mura ng lalaki.

"Ahhhhhhh!"

At tumakbo na sila palayo sa akin. Napailing nalang ako. Ang init na ng pakiramdam ko. I think, 2 hours na kami dito simula nang mag open kami. Ang haba pa ng pila ayun kina Mia na siyang nagpapapasok sa mga studyente. Mabuti nalang at walang mga outsiders dahil sigurado akong baka pati gabi, may pumapasok dito.

Alam ko naman kasing ito ang isa sa mga inaabangan nilang booth eh. Kaya nga ito ang naisip ko, kasi alam kong bebenta.

I think, I need a break.

Dumaan ako sa exit door at nadatnan kong nandoon ang iba pa naming kasama. Hinubad ko ang suot kong white gown at naupo sa isang upuan. Agad naman akong inabutan ni Jessa ng mineral water na agad ko namang ininom.

"Pagod ka na?" Tanong niya sakin.

"Medyo, ang init kasi nitong suot ko eh." Sagot ko. Ang totoo niyan, pagod talaga ako. Kanina pa kasi kami nandito eh at isa pa, ang sakit na rin ng mga paa ko at may mga kalmot rin ako sa dalawang braso. Minsan kasi ay naa-apakan ako ng mga tumatakbo at kinakalmot ako o di kaya'y nahahampas ako. Okay lang naman sakin eh, okay lang talaga. Mabuti nalang at tungkulin namin 'to.

My Ideal BoyfriendWhere stories live. Discover now