Chapter 7

134 5 0
                                    

MIB - 7

*Abby*


Dear diary,

Hindi pa rin ako makapaniwala. Ayaw pa rin mag sink-in sa utak ko ang nangyayari. Okay, ganito kasi yun diary... makakasama ko si Luke sa loob ng dalawang araw!!! Nagets mo diary? Si Luke, MAKAKASAMA KO SA LOOB NG DALAWANG ARAW! Gusto kong mag sisigaw sa saya, diary! Ikaw at ako ay iisa kaya alam kong alam mo ang nararamdaman ko. LOL. Ah basta, ang alam ko lang ay sobrang saya ko.

Sinara ko ang diary ko at niyakap ang katabi kong unan. Hindi ko magawang isara ang labi ko sa kakangiti. Well, masisisi niyo ba ako? Excited na ako, sana mag umaga na.

Nang umalis ako sa room nina Luke ay lutang ako. Ang nasa isip ko lang ay, makakasama ko siya sa loob ng dalawang araw.

At nang ibalita ko sa room ang good news na dala ko, nagulantang ang lahat at nagtatalon sa saya.

(Flashback)

Pumasok ako sa room at tumayo sa harapan nilang lahat. Napansin kong wala na ang Teacher namin pero hindi ko na pinansin. Nakangiti akong humarap sa lahat.

"Guys, I have a good news!" excited na sabi ko. Nakuha ko naman ang atensyon nila.

"Pinatawag ako ni Teacher Emma kanina at sinabi niya saakin na..." sinadya ko silang bitinin. Pfft! Kitang kita ko ang curiosity sa mga mukha nila.

"Ano ba yan!"

"Pabitin pa eh!"

"Ituloy mo na!"

Natatawa ako sa mga mukha nila. Pero tumikhim ako at nagpatuloy sa pagsasalita. "Sa loob ng dalawang araw, magkakaisa tayo. Ang section natin at ang dalawa pang section. Pero sa filipino subject lang daw sabi ni Teacher Emma--" hindi ko na naituloy ang sinasabi ko dahil nagsigawan na sila sa tuwa.

(End of flashback)

Hindi lang ako ang natuwa kundi pati buong classmates ko.

Ang pinu-problema ko lang ngayon ay kung paano ako kikilos sa harap ni Luke ng normal. Ni makita ko nga lang siya feeling ko sasabog na ang puso ko eh, ano pa kaya kung katabi ko na siya at nakikipag usap? Baka himatayin pa ako at maibalita nalang na, "babaeng nahimatayin dahil sa sobrang kilig!" LOL.

"Abby!"

Napatayo ako nang marinig kong tinawag ako ni Mama. Dali dali akong bumaba at nadatnan ko siya sa sala.

"Po?" tanong ko. 

"Hindi ka pa kakain? Kanina pa kita tinatawag ah?"

"Sorry po Ma, busog pa po ako eh." pagdadahilan ko. Busog naman talaga ako.

"Oh sige, maaga kang matulog ah?"

"Opo."

Bumalik ako sa kwarto ko at kumuha ng unan. Pupunta nalang ako sa rooftop. Napasulyap ako sa orasan na nakadikit sa dingding at 8:30 na pala ng gabi.

Humiga ako sa duyan at mahinang nag swing. Napatitig ako sa mga bituin na kumikislap kislap sa langit. Ang gaganda nila!

Then suddenly, naalala ko si Luke.

"Para kang mga bituin, ang hirap mo kasing abutin."

Malungkot akong napangiti. Bigla nalang din kasing kumirot ang puso ko eh. Hayyyyy.

Kung tutuusin, parang bituin si Luke. Magandang pagmasdan, pwede mong tignan pero hindi mo kayang abutin.

"Okay lang kahit hindi kita maabot, malaya naman kitang napagmamasdan."

My Ideal BoyfriendWhere stories live. Discover now