Chapter 45

92 8 0
                                    

MIB - 45

"Abby's POV"

Back to school na ulit. Masaya akong pumasok dahil makikita ko na naman ang mga mukha ng mga kaklase ko. Namiss ko sila eh kahit hindi nila ako namiss. At sempre, sabay na naman kaming pumasok ni Ally dahil sinundo niya ako. Kasama pa niya si Ash at Drake kaya ang ending, apat na tuloy kaming pumasok. Nag sorry ako kay Kuyang driver na maaga akong sinundo dahil sa utos ni Papa na ihatid ako sa school. Mabuti naman at mabait siya kaya naitindihan niya at bumalik na siya sa mansyon.

Nauuna sa amin sina Ally at Ash sa paglalakad habang nasa likuran naman nila kami. Ewan ko kung ako lang ba ang nakakapansin pero feeling ko nakatingin sa akin lahat ng nadadaanan naming studyente. Oo, sa akin talaga at nagbubulongan pa sila. Anong meron?

"Abby Kim Mendoza, or should I say, Abby Kim Mendoza Park."

"I envy her. Huhu."

"Is that true? That she was the only daughter of Mr. Arthur Park?"

"It was definitely true! Look at her, halata namang may lahi siyang koreana eh."

"Mas lalo ko tuloy siyang hinahangaan. Hayyy!"

"Ang hirap na nga niyang abutin noon, mas naging mahirap pa ngayon."

Ang lakas ng mga bulongan nila kaya hindi kataka-takang naiinitindihan ko ang mga sinasabi nila. Hayy, alam na nilang anak nga ako ng isang Mr.Park? Ang bilis naman! Kung ang ako ang masusunod, ayaw kong ipaalam. Hindi dahil sa kinakahiya ko si Papa o hindi ako proud na anak niya ako, kundi dahil sa ayaw kong magbago ang tingin nila sa akin.

"Abbbbbyyyy!"

Umalingawngaw ang isang matinis na boses pagpasok namin sa clasroom. Muntik pa akong matumba nang patalon akong yakapin ni Mia. Oo siya yung sumigaw na parang ilang metro ang layo niya sa akin. Kahit kailan talaga ang babaeng 'to. At sempre, to the rescue naman agad si Anton at hinila si Mia palayo sa akin. Nakatanggap tuloy siya ng isang malakas na batok mula kay Mia. Ito ang namiss ko eh, ang kulitan nila.

"Araykupo! Mama!" Parang batang daing ni Anton at hinimas ang kawawang batok niya.

"Buti nga sayo. Doon ka na nga!" Sigaw niya. "Abbyyyy!" Bumaling sa akin si Mia at muli akong niyakap. Natawa ako at niyakap siya pabalik. Namiss ko talaga ang babaeng 'to kahit 1 week lang kaming hindi nagkita-kita.

Nagulat ako nang kumalas siya sa yakap at yumuko.

"B-bakit?" Tanong ko.

"I'm sorry. Nawala sa isip ko na anak ka pala ni Mr. Park." Nakayukong sabi niya.

Ito nga ba yung sinasabi ko eh. Kaya ayaw kong malaman nila kasi alam kong ito ang magiging resulta. Iiwasan nila ako at itatrato na parang nakakataas. Mag-iiba yung tingin nila sa akin dahil para sa kanila, mas mataas ako. Hayys.

"Listen Mia, at kayo rin guys..." Tumingin ako sa mga kaklase kong nakatingin rin pala sa amin. Nakita ko rin sina Nicole na nakaupo sa likuran at nakatingin sa akin. "Pwede ba akong humingi ng favor? Pwede bang magpanggap kayo na hindi niyo nalaman na anak ako ni Papa? Pwede bang wag magbago ang tingin niyo sa 'kin at iwasan niyo ako? At pwede bang, isipin niyo na ako pa rin naman 'to? Yung Abby na presidente niyo lang at hindi anak ng may-ari ng school na 'to? Kasi ayaw kong magbago kayo eh, ayaw kong iwasan niyo ako. Kaya please, magpanggap kayo na wala kayong nalaman tungkol sa akin."

Sandali kaming natahimik. Ilang sandali pa ay nakita kong tumango sila kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong mapangiti.

"Thank you guys."

My Ideal BoyfriendWhere stories live. Discover now