Chapter 47

103 2 0
                                    

MIB - 47

"Abby's POV"

Lunes ng umaga kaya sabay kaming pumasok ni Ally. Ganun pa rin, may mga nakatingin habang nagbubulongan, may mga bumabati kay Ally pero madalas ay sa akin nakatingin, pero ang nakakatuwa ay wala nang nakatingin ng masasama sa akin. Kahit hindi naging maganda ang simula ko sa school na 'to ay mamimiss ko pa rin 'to ng sobra. Dito ko nahanap ang mga totoong kaibigan ko at ang inspirasyon ko, si Luke. And speaking of Luke, kailangan ko siyang makita para mabuo na naman ang araw ko, hehe.

Nagpaalam ako kay Ally na may pupuntahan muna sa gym. Pero nginitian niya lang ako ng nakakaloko dahil alam na niya kung sino ang pupuntahan ko doon. Nang makarating ako ay marami na agad ang nakatambay sa bleachers. Hinanap agad ng mata ko si Luke pero wala siya.

Nasaan kaya siya? Baka late? or nasa classroom na nila?

"Wala siya." Bulong ko at tumalikod na para umalis. Malapit na rin kasing magbell kaya bumalik na ako sa room. Nagsimula ang discussion na nakatunganga lang ako. Tatlong subject ang dumaan at break time na. Sabay-sabay kaming apat nina Drake, Ash at Ally na pumunta sa cafeteria. 

Wala tuloy ako sa mood dahil hindi ko nakita si Luke. Ewan ko ba, pakiramdam ko kapag hindi ko siya nakikita parang hindi kumpleto ang araw ko. Nasaan ba kasi siya? Puntahan ko kaya sa room nila? Pero hindi ba nakakahiya yun? Bahala na.

"Ah guys, may pupuntahan muna ako sa library, mauna na kayo kapag natagalan ako ah?" Paalam ko sa kanila sabay tayo. Napatingin silang lahat sa akin.

"Samahan na kita." Sabi ni Drake at akma sanang tatayo pero hinarang ko ang kamay ko sa mukha niya. "Wag na. Dito ka lang."

"Okay. Bilisan mo ah?"

Lumabas na ako ng cafeteria at tinahak ang daan papuntang library. Sana nandoon siya at nagbabasa lang o di kaya'y naghahanap ng magandang book na babasahin. I really need to see him right now dahil pakiramdam ko hindi na babalik ang sigla ko kapag hindi ko siya nakita.

Hay Luke, bakit naging ganito na ang epekto mo sa akin?

Binati ko ang librarian at ngumiti naman ito sa akin. Tinignan ko lahat ng studyenteng nandoon pero walang Luke. Bumagsak ang balikat ko. Lumabas ako ng library at nagtungo sa gym. Sana this time nandoon siya.

Nagulat ako nang may makabangga akong babae. Sa sobrang lakas ng pagkabangga niya sa akin ay natumba ako at napaupo sa damuhan. Tinignan ko siya nang tumakbo siya na parang wala siyang nabangga. Pumunta siya sa likod ng gym. Tumayo ako at pinagpagan ang pwet ko. Ang sakit nun ah! Maglalakad sana ako pero muli akong napalingon sa dinaanan ng babae. Umiiyak ba yun kaya hindi niya ako nakita?

Namalayan ko nalang ang sarili ko na sinundan siya. Nakita ko siyang nakaupo sa isang bench. Sa tabi ng bench ay malaking puno kaya hindi siya naiinitan sa sinag ng araw. Naglakad ako palapit sa kanya at naupo sa tabi niya. Tama nga ako, umiiyak siya dahil naririnig ko ang hikbi niya. Sa tono palang ng iyak niya, alam kong nasasaktan siya.

"Miss, sorry kung sinundan kita dito ah? Ano kasi, nag-aalala lang ako." Sabi ko pero wala akong nakuhang sagot. Patuloy pa rin siya sa pagiyak at ni-hindi manlang niya ako tinapunan ng tingin.

"Nabangga mo ako kanina pero wag kang mag-alala dahil hindi naman ako galit." Mahina akong natawa. "Uhm kung gusto mo ng kaibigan nandito lang ako. Ako nga pala si Abby, ikaw?"

Umiiral na naman ang pagiging feeling close ko. Pero wala akong pakialam kahit magmukha akong kahiya-hiya dahil sa kinakausap ko siya kahit hindi naman niya ako kilala at hindi ko rin siya kilala. Ang sa akin lang, gusto ko siyang damayan. Alam ko kasi yung pakiramdam na malungkot ka pero walang dumadamay sayo. Yung kung kailan kailangan mo ng kaibigan na makikinig sayo pero wala. Kaya kahit hindi niya ako kaibigan, dadamayan ko pa rin siya.

My Ideal BoyfriendWhere stories live. Discover now