Chapter 27

97 4 0
                                    

MIB - 27

"Abby's POV"

Gusto kong magtago. Gusto kong tumakbo palayo. Pero saan? Saan ako tatakbo at magtatago? Alam kong darating ang oras na mag kikita-kita kaming muli at alam kong hindi ko na sila matatakasan pa. Katulad ngayon.

"Abby..."

Nandito kami sa isang coffee shop sa tinatambayan namin dati. Nakaupo sa iisang table kagaya ng dati. Nakayuko lang ako at pinaglalaruan ang dalawang kamay ko. Kaming lima lang ang nandito. Nasa labas si Drake at naghihintay. Kahit hindi ako mag angat ng tingin, alam kong nakatingin silang lahat sa akin.

"N-namiss ka namin hehe."

Nag angat ako ng tingin at sinalubong ang mga tingin nila. Alam kong hindi na nakangiti ang mukha ko.

"May kailangan ba kayo?"

Hindi ko alam kung normal pa ba ang boses ko o kasing lamig na yun ng mga kamay kong nanginginig.

"How are you?"

Bumaling ang tingin ko kay Jane. Ang pinaka matanda sa amin noon at ang pinaka seryoso.

"Yan lang ba?"

"A-Abby, may sasabihin kami."

1 year ago, dito sa mismong table na inuupoan namin, nagtatawanan kami at nagkukulitan. But that was 1 year ago, because everything has changed.

"Ano yun?"

Tinignan ko sila isa-isa. Si Jane na nakatingin sa akin, katabi niya si Lia na malungkot na nakatingin rin sa akin. Sa tabi ko ay si Thea na nakayuko at sa tabi niya ay si Jenny na ininom ang kape niya.

"Gusto naming mag sorry--"

"Past is past guys. Besides, matagal ko nang nakalimutan yun." Ngumiti ako pero alam kong hindi umabot sa mata.

"Abby, alam naming nasaktan ka sa ginawa namin pero gusto lang naming sabihin sayo na sobrang pinagsisisihan namin yun." Sabi ni Lia.

Hindi ako umimik. Nakatingin lang ako sa kapeng hawak ko.

"Abby, please..." Sinubukang hawakan ni Thea ang kamay ko pero mabilis ko itong iniwas.

"Pinagsisihan?" Sinalubong ko ang mga tingin nila. "Bakit ngayon lang? Bakit ngayon lang kayo lumapit sa akin at humingi ng sorry? You know what guys, past na yun kaya kalimutan nalang natin."

Tumayo ako at kinuha ang bag ko.

"Excuse me." Sabi ko at umalis na. Nadatnan kong naka abang sa labas si Drake at napatingin sa akin nang makita ako.

"What happened--"

"Let's go."

---

Hindi na nagtanong si Drake nang makarating kami sa bahay. Nginitian ko lang siya ng pilit at nagpasalamat sa pag hatid sa akin. Agad akong pumasok sa bahay at nakita ko si Mama na nakaupo sa isang sofa.

"Oh, anak."

Lumapit ako sa kanya at humalik sa pisngi niya.

"Akyat na po ako."

Hindi ko na siya hinintay na magsalita at pumanhik na sa kwarto ko. Nilagay ko ang bag ko sa table at pabagsak na humiga sa kama. Naramdaman ko ang pagtulo ng luha sa pisngi ko na agad kong pinunasan.

Nakita ko sila. Ang mga taong tinuring kong totoong kaibigan pero tinraydor lang ako. I hate to say this pero oo, namiss ko sila. Kahit nagawa nila sa akin yun, hindi ko pa rin nakakalimutan yung mga masasayang alaala namin.

My Ideal BoyfriendWhere stories live. Discover now