Chapter 50

117 2 0
                                    

MIB - 50

"Abby's POV"

Ito na yung araw na pinaka-hinihintay ng lahat. Yung araw kung saan pinaka masaya raw sa highschool life. Sabi nila, itong araw daw yung hinding-hindi mo makakalimutan kahit tumanda ka na at magka-anak. Dahil once daw na dumaan ito sa buhay mo, mananatili daw ito sa isipan at puso mo. Char lang. Memorable nga daw sabi nila. Lalo na kung maka-sayaw mo ang taong special sayo. Pero ewan ko, hindi ako ganun ka-excited 'di tulad noon. Aaminin ko, excited pa rin ako pero hindi na katulad ng dati. Feeling ko gusto ko nalang mag-kulong sa kwarto buong araw at hindi um-attend sa JS Prom namin.

Wala akong gana eh.

Alas-nuwebe palang ng umaga pero nandito na sina Ally at Ash sa bahay. Dito ako natulog kagabi kasama ang isang maid galing sa mansion. Ayaw kasi ni Papa na mag-isa akong matutulog dito kaya pinasama niya yung isang maid para daw may kasama ako. Mabuti na rin yun, ayaw kong mapag-isa.

Hindi gaya ko ay sobrang excited ng dalawang 'to. Kulang nalang ay hilain nila ang oras para mag alas-sais na. 6 PM kasi ang start ng Prom sabi nila. Wala eh, hindi ko masyadong naintindihan yung mga sinabi ng mga Student council kahapon nang pumunta sila sa room para ipaliwanag yung mga gagawin sa Prom. Busy kasi ako sa pag-hanap kay Luke dahil hindi nila ito kasama. Psh. President tapos siya yung wala. Oh baka naman ayaw niya lang akong makita? Okay, assuming pa Abby.

"Hindi ka excited?" Tanong sakin ni Ash. Humiga siya sa kama at nangalumbaba habang nakatingin sa 'kin. Nakaupo naman ako sa headboard ng kama at nasa lap ko ang unan.

"Medyo."

"Pupunta nga pala dito si Kimberly, sinama siya ni Ally." Sabi niya. Napangiti ako. Ilang araw ko na palang hindi nakikita ang batang yun. Namimiss ko na siya.

"Nandyan na yata sila." Tumayo si Ash at tumakbo sa baba. Tumayo rin ako at sinundan siya. Nang makababa ako ay saktong pumasok sina Ally kasama si Kim. Agad itong tumakbo papalapit sa akin kaya lumuhod ako at sinalubong siya ng yakap. Natawa ako nang muntik na kaming matumba.

"Kailangan mo na yatang mag diet baby." Natatawang sabi ko. Sinubukan ko siyang buhatin pero agad ko rin siyang binaba. Ang bigat eh.

"Ilan ba ang kilo ng batang 'to?" Tanong ko kina Ally. Nagtawanan kami. Hinawakan ko sa kamay si Kim at bumalik kami sa kwarto ko.

"Bakit mo siya dinala dito?" Tanong ko kay Ally. Napatingin ako kay Kim nang tumakbo siya palapit sa picture frame na nakalagay sa side table ng kama ko at tinignan ito.

"Wala siyang kasama sa bahay nila eh."

Walang kasama? Nasaan ang kuya niya? Wala namang pasok ngayon eh. Oo nga pala, baka tumutulong siya sa pag-aayos ng Prom.

"Ateee! Come hereee~" Rinig kong tawag sakin ni Kim. Natatawa akong tumayo at nilapitan siya. Hawak na niya yung frame na may laman na picture ko.

"Bakit baby?" Malambing na tanong ko.

"May ganito po si kuya ehhh~" Nakangusong sabi niya sabay pakita ng frame.

"Hmm?" Takang tanong ko.

"Sa room ni kuya~"

Huh? Picture ko? Sa room niya?

"Nandyan na yung delivery. Kumain na tayo, I'm hungry." Sigaw ni Ash mula sa baba. Kinuha ko yung frame at ibinalik sa pwesto. Hinawakan ko ang kamay ni Kim at sabay kaming bumaba.

---

After naming kumain ay naglaro muna kami ni Kim bago siya umuwi. Sinundo siya ng Yaya niya. Ayaw pa nga niyang umuwi pero hinahanap na raw siya sa bahay nila kaya wala na siyang nagawa. Gusto pa niyang ako ang maghatid sa kanya pero umayaw ako. Ayaw kong makita siya.

My Ideal BoyfriendWhere stories live. Discover now