Chapter 17

104 3 0
                                    

MIB - 17

*Third Person's POV*

Lumipas ang ilang araw na patuloy pa ring usap-usapan sa buong campus ang boses na narinig nila 1 week ago. Ang boses ni Abby. Kampante naman si Abby na hindi nila malalaman na siya ang nagmamay-ari ng boses na yun kaya hindi nalang niya pinapansin ang mga sinasabi ng mga studyenteng nadadaanan niya sa hallway. Ang boses na yun lagi ang topic nila. At hindi niya ito nagugustohan.

Maingay ang buong klase nila Abby dahil vacant time nila. Palibhasa wala pa ang teacher kaya nag iingay sila. Nauuna sa ingay sina Nicole at ang mga kaibigan nito. Sa bandang gilid naman ay si Drake na kinukulit si Abby. At sa tabi nila ay si Allison na nakatingin sa phone niya at nakangiti.

"Good morning class!"

Automatic na nawala ang ingay nang marinig nila ang seryosong boses na 'yun. Bumalik sa dati ang ayos nila, nakaupo ng maayos at tila mga batang nakatingin sa harapan kung saan nakatayo ang isang lalake.

"Good morning Sir Luis." Magalang at sabay sabay na bati nila dito.

"Proceed to the Music room." Ang sabi nito at lumabas na. Pagkalabas ng guro ay doon umingay na naman ang buong klase. Iba't ibang reklamo ang maririnig.

"Argh! I hate Music!"

"Ang panget kasi ng boses mo HAHAHAHA!"

"Sana by group."

"Sa wakas, maririnig na nila ang napakagandang boses ko!"

"I thought wala ng music music na yan?!"

"Argh! I don't know how to sing!"

Habang patuloy na umuugong ang reklamo ng isa't isa, tahimik naman si Abby. Nakaramdam siya ng kaba. Ito na nga ba ang pinaka ayaw niya, pinipilit niyang iwasan pero ngayon, mukhang malabo na.

"Bes, it's okay. Pwede ka naman ulit mag excuse." Tumabi sa kanya si Ally at inakbayan. Ngumiti lang siya dito pero hindi nagsalita. Lumabas na sila ng kanilang classroom at naglakad papuntang Music room. Medyo malayo ito sa kanilang bulding kaya nagiingay sila habang naglalakad.

"Wait, si Luke oh!"

Automatic na napalingon si Abby sa itinuro ng isa sa mga kaklase niya. At tama nga ito, kita niya mula sa kinatatayuan nila si Luke at kung hindi siya nagkakamali ay sa Music room ito papunta. Katabi niya ang babaeng pinuntahan siya sa kanilang classroom at ang bumati sakanya isang araw. Kung hindi siya nagkakamali ay Joey ang pangalan nito.

---

"Okay class listen, You are going to have a Practical Test."

Hindi na napigilan ng isa't isa ang reklamo dahil sa narinig. Si Abby naman ay pasimpleng nakatingin lang kay Luke na nakaupo sa isang upuan katabi ng kanilang Teacher na si Sir Luis.

"Quiet!" Sigaw nito dahilan para matigil ang ingay. "And this time, ang practical test niyo ay isa isa at hindi by group." Dagdag nito at binalingan ng tingin ang dalawang taong nakaupo.

"And this is Luke Valdez and Joey Choi, sila ang napili ko para magbigay ng grado sainyo."

Marami ang nagtilian at halos maglaway sa kakatingin kay Luke. Ngumiti si Luke dahilan para lalong magtilian ang mga studyente. Ngumiti lang din ng pilit si Joey.

Nakaupo silang lahat sa sahig. Nasa loob sila ng Music room at nagkakalat sa paligid nila ang mga iba't ibang musical instruments. Marami ang natuwa dahil nandito si Luke, maliban kay Abby. Natutuwa siya dahil nakita niya si Luke, pero hindi niya magawang kiligin.

My Ideal BoyfriendWhere stories live. Discover now