MIB - 25
"Abby's POV"
Alam kong nagtatakang nakatingin sa amin si Ally. Paano ba naman kasi eh hindi kami nagpapansinan ni Drake. Actually, siya lang yung hindi namamansin simula nang higitin niya ako kanina sa gym. Sinusubukan ko naman siyang kausapin pero mukha talaga siyang inis at nagtitipid pa ng sagot kaya tinigilan ko na siya. Bahala siya dyan.
"Anyari sa inyo?"
"Wala!"
Nagkatinginan kami ni Drake nang sabay kaming sumagot. Iiwas sana ako ng tingin pero papanganga ako nang irapan niya ako. Seriously? Inirapan ako ni Drake?! BWAHAHA! Ang cute cute niya!
"Dyan na nga kayo."
Tumayo si Ally at lumabas ng room. Buti nalang wala kaming teacher. Hinarap ko si Drake at kinalabit. Kanina pa kasi siya nakatingin sa phone niya.
"Hoy mukong."
"Oh?"
Oh? Sabi na eh, wala 'to sa mood. Kilala ko na kaya siya.
"Ang sungit mo ah?" Natatawang sabi ko.
"Pake mo?"
Ang sungit talaga ng lalakeng 'to. Ba't ba 'to nagsusungit? May nagawa ba ako? Wala naman ah!
"Sorry na!" Sabi ko nalang. Kahit hindi ko alam kung ano ang sinusungit sungit niya, magsosorry nalang ako kesa namang hindi niya ako pansinin. Naalala ko noong hindi niya ako pinapansin, ang sungit sungit pa. Ayaw ko nang maulit yun.
"K."
"Anong K?"
"Wag ka ngang makulit naglalaro ako!" Sigaw niya. Napatawa tuloy ako. Hindi ko alam na may ganitong side pa si Drake hahaha!
"Uy sorry na kasi."
Sinundot ko ang tagiliran niya dahilan para mapatalon siya. Opps, mukhang alam ko na ang kahinaan niya.
"Ano ba--hahaha-- Abby!"
Mas lalo ko tuloy siyang sinundot sa tagiliran at tudo iwas naman siya.
"Sorry na diba?" Natatawang sabi ko.
"Oo na--hahaha--tigilan mo nga yan--"
Tinigilan ko na siya nang makita kong namumula na ang nukha niya sa kakatawa. Napapatingin tuloy sa amin ang mga iba naming kaklase.
"May kiliti ka pala sa tagiliran ah." Nakangising sabi ko.
"Psh! Akala mo pinapatawad na kita?"
"Hindi ba? Atsaka wala naman akong ginawang masama ah?"
"Wala? Halika ilibre mo ako."
Hindi na ako naka-angal nang higitin niya ako palabas ng room.
---
"Ally's POV"
Mag isa akong lumabas ng classroom. Wala lang. Gusto ko lang mapag isa. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero namalayan ko nalang na dinadala na ako ng mga paa ko sa library. Hindi ko alam kung bakit dito pa. Siguro ay dahil special ang lugar na 'to para sa akin.
Bakit special?
Dahil dito kami naging okay ni Ash. Dito kami naging mag kaibigan at dito ko rin siya nakilala nang lubusan.
I hated her. Past tense.
Akala ko noon plastic siya. Yung kinakaibigan niya lang ang lahat para makakuha ng atensyon. Akala ko lang pala ang lahat. And now, nagsisisi na ako kung bakit ganun ang tingin ko sa kanya.
YOU ARE READING
My Ideal Boyfriend
Teen Fiction--- Ideal Boyfriend ko? Si Luke Valdez --- Basketball player, Mabait, Gentleman, Matalino, Mayaman at Gwapo. --- "Para siyang bituin, pwede mong pagmasdan pero hindi mo kayang abutin." -Abby.