Chapter 22

120 3 0
                                    

MIB - 22

"Drake's POV"

Everything's okay. The issue about Abby and Ally is now over. Isa lang ang problema namin, at yun ay ang surprise namin kay Abby ngayon. Peace offering ng pinsan ko sa bestfriend niya, actually.

We planned it after naming malaman kung sino talaga ang may kagagawan ng news na yun. Which is si Joey. And speaking of Joey Choi, na suspended siya for 1 week. 1 week is not enough para sa kagaguhang ginawa niya pero desisyon yun ni Abby. Yeah, si Abby... si Abby na mismong victim but knowing her, malambot ang puso niya kahit kanino. And that's one of the reason why I love her.

"Drake!"

Tumigil ako sa pag arrange ng mga ballons sa sahig nang tawagin ako ni Ashley. Nandito kami ngayon sa dorm ko. Yeah, dito namin gaganapin ang plano.

Lumapit ako sa kanya. Nasa may table siya at hinahanda ang mga pagkain.

"Kami na ang bahala dito, puntahan mo na si Abby."

"Sige. But make sure na tapos na ang lahat before kami dumating, okay?"

"Yeah yeah, bilis!"

Kinuha ko ang susi ng motor ko sa side table at tumakbo na palabas. Nadaanan ko pa ang landlady na nakatingin sa akin. Kinindatan ko lang siya. Kinuha ko ang helmet at sinuot. Sumakay na sa motor ko at agad kong pinaharot papuntang Western Academy. Wala pang 5 minutes ay nakarating na ako. Nginitian ko lang ang guard nang tignan niya ako ng masama.

"Hayy, ang batang 'to." Rinig ko pang sabi niya. Tumakbo na ako papuntang classroom. Kinikindatan ko lang ang mga babaeng nagtitilian habang nakatingin sa akin. Mga babae nga naman.

Nakita kong palabas siya ng classroom. Dahan dahan akong lumapit sa likuran niya at tinakpan ang dalawang mata niya.

"Drake?"

Napangiti ako at pumunta sa harapan niya.

"Paano mo nalaman?"

"Duh! Ikaw lang kaya gumaganyan sa akin noh." Inirapan niya ako. Mas lalo tuloy akong napangiti. Ang cute niya kapag ginagawa yun -- no, she's always cute.

"Let's go." Hinawakan ko siya sa kamay pero hinila niya pabalik.

"Nag cutting ka kanina noh?" Tanong niya. Napakamot nalang ako sa ulo ko. Sinabi ko kasi sa kanya na mag ccr lang ako pero ang totoo, pumunta ako sa dorm.

"Oo." Sagot ko at isang hampas sa braso ang natanggap ko. Buti nalang at malalaki ang muscle ko kaya hindi masakit. Pero gustong gusto ko kapag ginagawa niya sa akin yun.

"Tara na kasi." Muli ko siyang hinila.

"Saan ba kasi tayo pupunta? Tsaka malapit na ang time oh!"

"Basta, I'm sure you will like it." I said at muli siyang hinila. Mabuti nalang at nagpahila na siya. Nakangiti lang ako habang hawak ang kamay niya. Ang sarap talaga sa pakiramdam kapag hawak mo ang kamay ng taong mahal mo.

"Nga pala Drake, bakit hindi pumasok si A-ally?"

I know, naiilang siya kapag binabanggit niya ang pangalan ni Ally. Pero alam kong miss na miss na niya ang pinsan kong yun. And ofcourse, Allison missed her too.

"May inasikaso lang siya." I answered.

Nakarating kami sa gate. Nginitian ko lang ang guard at wala na siyang nagawa kundi buksan ang gate. Dumiretso kami sa parking lot.

"Here." Inabot ko sa kanya ang isang helmet na para sa kanya talaga. Binili ko yan simula nang sabihin sa akin ni Ally na sunduin ko siya para sabay kaming papasok.

My Ideal BoyfriendWhere stories live. Discover now