MIB - 51
"Abby's POV"
Ang sarap sa tenga ng romantic music na pinapatugtog nila. Patuloy pa rin ang kasiyahan ngayong gabi, well kasiyahan lang nila. Iginala ko ang mata ko sa paligid. Mukhang enjoy na enjoy ang lahat. May mga nagsasayaw na sa malawak na dance floor. Yung iba kasama nila ang mga jowa nila, yung iba naman ay mga kaibigan lang nila. Lahat nakangiti, naghahagikgikan at nagkukwentuhan. Ang saya nilang tignan.
Sumasama sa ganda ng ambience ang dancing light na pagala-gala sa paligid. Ang ganda tuloy tignan. Sana ganito nalang kaganda palagi ang quadrangle. Lols.
Patuloy pa rin sa kwentuhan ang mga kasama ko sa table. Hindi pa rin bumabalik si Drake mula nang makaupo ako. Naki-upo dito sina Mia at Anton and guess what? Sila na daw! Oh diba? Sabi na eh. Alam kong may gusto sila sa isa't isa noon pa man. Sana all.
Uminom ako sa hawak kong apple juice. Isang oras na ang nakalipas pero wala pa rin siya. Late ba siya? Nandito naman lahat ng students council eh. Pati vice president nila nandito pero bakit wala siya? Wag niyang sabihing hindi siya pupunta? H-Hindi. Baka late lang siya.
"He has a fever. Hindi siya makakapunta."
Napatingin ako kay Ally na katabi ko nang sabihin niya yun. Doon ko lang napansin na nakatingin na pala silang lahat sa akin. Sinubukan kong ngumiti nang sa ganun ay hindi nila mahalatang tuluyan na akong nawalan ng gana.
Siya lang ang ipinunta ko dito. Gusto ko lang naman siyang makita kahit ngayong gabi lang eh. Pero bwesit lang. Sana pala hindi nalang ako pumunta dito. Wala din naman siya eh, ano pang silbi ng gabing 'to kung hindi ko lang siya makikita? Hindi pa rin mabubuo ang gabi ko kung wala siya.
Tumingin ako sa kalangitan. Maraming bituin, pero hindi nito kayang pawiin ang lungkot na nararamdaman ko ngayon. Siya lang ang makakapawi nitong lungkot ko. Siya lang ang bituin na gusto kong makita ngayong gabi. Pero wala siya.
"Abby, cr muna kami ah?"
Tumango lang ako kay Ash. Tumayo sila ni Ally at umalis. Sunod na nag-paalam sina Anton at Mia at umalis na rin sila. Naiwan ako sa table nang mag-isa. Huminga ako ng malalim at ininom ang laman ng baso ko. Hindi ko hahayaang masira na nang tuluyan ang gabi ko.
Tinuon ko nalang ang pansin ko sa pagtingin sa mga schoolmates ko na nagkakatuwaan. Nakita ko pa si Joey na may kasamang lalaki, yung classmates ni Ash na si Ralph. At si Nicole na kasama ang mga kaibigan niya. Napansin niya yatang nakatingin ako sa kanya kaya lumingon siya sa akin. She smiled at me na ginantihan ko naman.
Umiwas ako ng tingin at tatayo sana pero biglang namatay ang lahat ng ilaw sa buong quadrangle. Natira lang ay ang spotlight na nakatutok pa rin sa stage. Muntik na akong mapasigaw sa gulat dahil sa biglang pagkamatay ng ilaw pero nagtaka ako dahil hindi manlang nag react yung iba. Parang ako nga lang yung nagulat eh. Bigla ring namatay yung music at nawala yung ingay ng mga tao. Wala akong masyadong makita dahil hindi nakakatulong yung spotlight. At ganun lamang ang gulat ako nang bigla itong tumutok sa akin.
"Happy birthday to you... happy bithday to you..."
Sa isang iglap ay lahat sila kumakanta ng 'happy birthday' habang nakatingin sakin. Hindi ako makapag-salita. Nanatili akong nakatayo at gulat na gulat.
"Happy birthday... Happy birthday... Happy birthday Abbyyyy~~"
"Oh my god!" Bulalas ko at napatakip sa bibig nang sumulpot ang mga kaibigan ko dala ang isang cake. May sindi ang candle kaya nakita ko ang nakangiting mukha ni Drake na siyang may dala ng cake. Lahat sila nakangiti sa akin habang papalapit. Habang ako, gulat na gulat at nagsisimulang manubig ang mga mata ko. Birthday ko pala ngayong araw na 'to.
YOU ARE READING
My Ideal Boyfriend
Teen Fiction--- Ideal Boyfriend ko? Si Luke Valdez --- Basketball player, Mabait, Gentleman, Matalino, Mayaman at Gwapo. --- "Para siyang bituin, pwede mong pagmasdan pero hindi mo kayang abutin." -Abby.