SPELL 2:14

1.2K 59 19
                                    

Hello Guys!

        I want to greet all Jailene Minions and Elders, Jaileners. JLuvers, Sharlenatics a HAPPY JAILENE DAY! Advance greeting ko sya kasi baka di ako makaupdate bukas. mwahhhh. My update is for all of you.

Keep praying and believing always. Take care.

(play the Captain wonder song from youtube clip of Ani Chloe)

*********************

* Mr. SuperHero*

(Shar POV)

        Nanginginig ako sa takot ng makita kong nagsusuntukan si Gilbert at isang lalaking tumulong sa akin.

        Sunod na sunod ang pagsuntok nila sa isa't isa habang ako ay nakatulala lang sa marahas na kaganapan sa harapan ko. Puro pasa at duguan na ang mukha ng dalawang nagsusuntukan.

        Babawi naman ng suntok si Gilbert ng suntukin sya ng lalaki sa mukha nito.  Bumawi din ng sipa ang lalaki kay Gilbert. Nagpapalitan sila ng suntok at tadyak at nagpagulong-gulong na sa buhanginan. Buti dumating sina Paul at Mika at inawat ni Paul ang dalawa para tumigil ito.

        'Napayakap na lang ako kay Mika dahil sa takot. Takot akong makitang nasasaktan ang lalaking tumulong sa akin.

        " Uie Gilbert. Walang hiya ka. Wag na wag mong hawakan kahit isang hibla ng buhok ni shar kundi ako ang makakalaban mo!" Sinuntok naman ng lalaki si Gilbert sa tiyan nito na syang ikinabagsak nito sa buhangin. Inawat naman ni Paul ang lalaking tumulong sa akin at sabay sabay na kaming umalis papuntang sasakyan.

________________________________________________

( Jai POV)

        " Pre naman dapat tinawag mo ako para makatikim din yung Gilbert sa akin!"  pagmamayabang ni Paul sa akin ng makarating na kami sa aking sasakyan. Napalingon naman ako sa kasalukuyang takot na mukha ni Shar. Nilapitan ko sya.

" Ok ka lang Sharleng?" alala kong tanong sa kanya.

        Tahimik lang syang nakatitig sa akin. Bigla nya akong niyakap at umiyak sya sa aking mga bisig. I touch her back para mafeel nya that I care for her.

" I hate you! Bakit ka nakipagsuntukan sa manyakis na yun. Tignan mo ang nangyari sa mukha mo.!" Natawa naman ako sa inasta ni Shar sa akin. Pinagsusuntok nya ang dibdib ko habang umiiyak pa rin ito.

        " At ngayon tumatawa ka pa. Tse! " Bumitaw sya sa pagkakayakap sa akin. " Dali na Miks alis na tayo"

" Ehem parang may nakalimutan ka ha" pagpapacute ko sa kanya.

The Unbreakable Spell (JAILENE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon