New Beginning

910 38 8
                                    


The school year started again. Bagong kabanata na naman sa buhay ni Shar ang nangyari. Ang ganap na pagiging dalaga nya ang nagbukas sa kanyang isipan na di sya dapat mapadaig sa sakit ng nakaraan, na di nya hahayaang mabalot ang katauhan nya ng galit. No need to live in misery of the past. Learn to live life with love.

Hey Kingdom High. Here I am again. Nice to be back again after a long vacation.

Napapangiti si Shar habang pinagmamasdan ang malawak na soccer field. Napapatawa sya sa mga naging experience nya sa nakaraang school year. Di nya lubusang maisip na dito pa rin sya mag-aaral sa kabila ng lahat ng pinagdaan nya.

"Hey girls look oh I have new book found in the bookshop nearby the university. I think it is interesting." Sabi ng babaeng nasa unahan ni Shar.

" really? Whats the title of the book by the way?" Sagot ng kasama nitong babae.

" How to impress the guy and make him fall in love with you. " Doon napahalakhak si Shar.

Naalala nya ang librong kinahumalingan nilang basahin ng barkada, ang librong naging dahilan ng pagiging malapit nya sa kapatid na si Jai.

Hmmm hindi ko naintindihan ang ipinahiwatig ng last step doon sa libro. Sabi doon eh express your true feelings for the guy you like. No matter what the outcome at least nasabi mo sa kanya na mahal mo sya sa paraang alam mo at iyon ang di ko pinansin noon dahil inunahan ni PAIN at HATRED ang puso ko at di iniisip ang ikakaligaya ng taong mahal ko. Truly the saying " You cannot let anyone love you back. The only thing you want to be proud of to yourself is you learn to love someone without any favor in return and be happy for what is his/her happiness. Hindi naman kailangan ng commitment para mahalin mo ang  isang tao. Hindi kailangan na ipilit ang sarili para mahalin ka din nya.

" uie babae. Anayare? Late na tayo sa klase natin." Reklamo ng nakapamewang na bestfriend ni Shar. Ngumiti sya dito at inakbayan ang mataray na bestfriend.

Naglakad na sila sa kanilang college building habang masayang nag-uusap usap.

Papasok na sana sila sa hall ng may nakita si Shar na isang black motor na nakapark sa may parking area. Naalala nya tuloy dito si Jai. Laking gulat nya na ang nakasakay sa motor ay si Jai mismo. Matagal na nya itong di nakikita. Last ata nyang kita dito ay yung sa court room pa.

Kumurap sya sa pagtitig sa binata ng mapansin nyang tumama ang dalawang mata nila. Pero ang mas pinagtataka nya ay ang makitang malungkot na mata ni Jai. Nginitian nya ito at hinatak si Mika papasok sa hall.

Napailing si Mika sa nakita. Batid nyang may puwang pa rin si Jai sa puso ng kaibigan pero mas magandang ilayo ang kaibigan sa taong possible na manakit sa kay Shar muli at iyon ay si Jai.

Pumasok sila sa room. Marami na ring student. Ang iba klasmeyt din nila dati. Ang iba pamilyar lang ang mukha dahil kacollege lang nila. This time kasi medyo makakasama na nila ang kanilang kaklase na parehong kurso. At malimit na nilang makakasama ang ibang di nila kakurso.

Umupo sina shar sa bandang unahan ng silid. Abala sya sa pagkukuwento kay Mika ng biglang nagtilian ang mga babaeng kaklase nila.

" oh my gosh girl.. klasmeyt natin si fafa Jai. Swerte natin" sabi ng isang kaklase nila.

Iniluwa ng pinto ang napakagwapong nilalang sa school. Medyo misteryoso pa rin ang aura ni Jai. Pero di tulad ng dati na di namamansin kung may bumabati sa kanya eh ngayon ay masasabi mong para syang ibang tao, he is smiling widely to them all while greeting them also.

Napanganga si Mika sa nakita. Si Shar naman ay napatitig din sa pagiging cool guy ni Jai at napaisip sa sarili,"iba din pala ang epekto kung inlove ang isang tao. Talaga napakagaling ni Ella para mapabago ng tuluyan si Jai."

The Unbreakable Spell (JAILENE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon